ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Trichomoniasis

reproductive health, trichomoniasis, family planning

Ang trichomoniasis o ‘’trich’’ ay isang impeksyon na naipapasa sa pakikipagtalik na dulot ng isang parasitimo. Apektado nito ang ari ng mga babae at urethra sa mga lalaki. Ang Trichomoniasis ay isa sa mga pinaka-karaniwang sanhi ng vaginitis sa mga babae.

Paano ito naipapasa?

Ang trichomoniasis ay naipapasa sa pamamagitan ng mga likido sa katawan sa panahon ng hindi protektadong vaginal, o anal na pagtatalik.

Ano ang mga sintomas nito?

Karamihan sa mga tao ay hindi alam na mayroon silang impeksyon – lalo na ang mga lalaki. Kapag ang mga babae ay may mga sintomas, maaaring ito ay

  • Mabula at mabahong likido (discharge)
  • dilaw o berdeng likido (discharge)
  • nangangati sa loob at paligid ng ari ng babae
  • pamamaga sa singit
  • madalas na pag-ihi – madalas na may sakit at hapdi

Ang mga lalaki ay bihirang magkaroon ng mga sintomas. Kapag mayroon, maaaring mayroon silang:

  • likido na lumalabas mula sa urethra (discharge)
  • madalas na pag-ihi – madalas na may sakit at hapdi

Paano ka magpapasuri?

Kung ikaw ay isang babae, bibigyan ka ng iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan o doktor ng karaniwang walang sakit na pagsusuri sa iyong pelvis upang kumuha ng sampol ng likido mula sa iyong ari.

Paano ito magagamot?

Kung ikaw ay isang lalaki, ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan o doktor ay kukuha ng sampol ng likido mula sa iyong urethra. Reresatahan ka ng doktor ng antibiotic na gamot. Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iyong kapareha, dapat mong iwasan ang pakikipagtalik hanggang sa mainom mo ang lahat ng antibiotic at masuri ang iyong kapareha at magamot kung kinakailangan.

Pinagmulan: http://www.teensource.org/std/trichomoniasis, https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/trichomoniasis

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon