fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mababang Libido sa mga Lalaki: Mga Sanhi at Lunas

Ang mababang libido ay inilalarawan bilang kakulangan o kawalan ng interes sa seksuwal na aktibidad. Karaniwan na mawalan ng interes sa pagtatalik paminsan-minsan, at ang antas ng libido ay natural na nagbabago habang tayo ay tumatanda. Normal din ang hindi pagkakapareho ng antas ng iyong libido at ng iyong kapareha. 

Gayunpaman, ang mababang libido sa mahabang panahon ay maaaring magdulot ng alalahanin sa ilang tao. Minsan ang mababang libido ay senyales ng mga mas seryosong problema sa kalusugan.

Ano ang mga sanhi nito?

Narito ang ilang mga potensyal na sanhi ng mababang libido sa mga lalaki:

Mababang Testosterone

Ang testosterone ay isang mahalagang hormon ng lalaki. Sa mga kalalakihan, karamihan ng testosterone ay nanggagaling sa bayag. Ang antas ng hormon na ito  ay may epekto sa iyong libido.

Mga Gamot

Ang pag-inom ng ilang mga gamot ay maaaring magpababa ng sa antas ng testosterone, na maaaring humantong sa mababang libido. Halimbawa, ang mga gamot sa presyon ng dugo ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng lalaki na magbulalas at pagtigas ng ari.

Depresyon

Ang depresyon ay may potensyal na makaapekto sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang tao. Ang mga taong may depresyon ay nakakaranas ng kabawasan o ganap na kawalan ng interes sa mga aktibidad na dating nakapagpapasaya sa kanila, kabilang ang pagtatalik.

Malulubhang Karamdaman

Kapag madalas na hindi maganda ang iyong pakiramdam dahil sa epekto ng isang kondisyon sa kalusugan, tulad ng paulit-ulit na sakit, ang pagtatalik ay malamang na hindi mo maging prayoridad. Ang ilang mga sakit, tulad ng kanser, ay maaaring makabawas sa produksiyon ng semilya dahil ang iyong katawan ay nakatuon sa pagpapagaling.

Problema sa Pagtulog

Natuklasan ng isang pag-aaral na ang mga lalaking may sleep apnea (isang kondisyon na nakakagambala sa iyong pagtulog sa pamamagitan ng pagdudulot ng mababaw na paghinga) ay nakakaranas ng mas mababang antas ng testosterone. Kaugnay nito, humahantong ito sa kabawasan sa libido at seksuwal na aktibidad. Sa pag-aaral, natagpuan ng mga mananaliksik na halos kalahati ng kalalakihan na may sleep apnea ay nakararanas din ng napakababang antas ng testosterone sa gabi.

Pagtanda

Ang antas ng testosterone, na may kaugnayan sa libido, ay pinakamataas kapag ang lalaki ay nasa huling bahagi ng pagiging teenager. Karaniwang napapansin ng mga lalaki ang pagkakaiba sa antas ng kanilang libido sa edad na 60 hanggang 65.

Stress

Kung ikaw ay ginagambala ng mga mahihirap na sitwasyon o suliranin, maaaring bumaba ang interes mo sa pagtatalik. Ito ay dahil ang stress ay maaaring makagambala sa antas ng iyong mga hormon.

Paano ito tutugunan?

Ang lunas sa mababang libido ay madalas na nakasalalay sa paggamot ng napapailalim na isyu o problema sa kalusugan. Maaaring kailanganin mong magpalit ng mga gamot, kaya ang pagbisita sa iyong doktor ay isang magandang ideya. Kung ang iyong mababang libido ay may sikolohikal na sanhi, maaaring kailanganin mong bisitahin ang isang therapist para mapayuhan ka tungkol sa iyong relasyon.

Maaari ka ring gumawa ng mga hakbang upang mapataas ang iyong libido. Ang mga sumusunod ay may potensyal na makatulong sa pagpapataas nito:

  • mas malusog na pamumuhay
  • pagkakaroon ng sapat na pagtulog
  • pagsasanay ng pangangasiwa ng stress
  • pagkain ng mas malusog na diyeta

Ang komunikasyon ay mahalagang bahagi rin ng pagbibigay-lunas. Ang pagiging tapat sa iyong partner o pamilya ay pwedeng magbigay-daan sa paglutas ng isyu ng mababang libido.

Bagama’t normal lang makaranas minsan ng pagbaba ng libido, ang malubhang anyo ng kundisyong ito ay nangangailangan ng tulong ng health expert. ‘Wag mag-atubiling kumonsulta sa doktor o therapist para matugunan ang iyong kalagayan.

Tandaan nating ang iyong kalusugan ay importante, at ang pagsisiguro sa iyong kalagayan ay mainam na paraan para mapanatiling masaya at malupit ang iyong sex life.

Mga Pinagmulan:

  • Feintuch, S. (2023, February 28). Common causes of low libido and no sex drive in men. Healthline. https://bit.ly/3Heo9Or
  • Imahe mula sa Freepik
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon