fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Isang Gabay para sa mga Lalaki sa Pag-iwas sa Porn

Sa panahon ngayon, napakadaling makahanap ng adult content sa internet. Kaya naman, isang malaking hamon sa mga lalaki ang pag-iwas sa porn. Wala naman talagang masama sa pagnood ng porn, lalo na kung naiintindihan mo na ang mga pwede mong mapanood ay malayo sa mga pwede talagang maranasan sa sexy time. Pero, ang labis-labis na panonood ng porn ay posibleng mauwi sa samu’t-saring mga hamon na pwedeng makaapekto sa iyong kalusugan, trabaho, at mga relasyon.

Kung nagbabalak kang tumigil na sa panonood ng porn, hindi ka nag-iisa. At nandito kami para tulungan ka, kaibigan!

Beterano ka man sa mga porn site o nagsisimulang mag-alala sa posibleng maging epekto nito sa buhay mo, meron kaming tips na garantisadong makakatulong sa’yo!

1. Intindihin mo ang iyong rason, at panindigan mo ito!

Mahalagang isipin kung bakit mo gustong tumigil sa pagnood ng porn, at marami naman talagang posibleng dahilan! Kabilang sa mga pinaka-karaniwan ay mga dahilang pang-kalusugan at ang kagustuhang gamitin ang oras sa mas produktibong gawain.

Kailangan mong matukoy ang iyong dahilan. At kailangan mo itong kapitan! Ang isang klaro at magandang dahilan ay makakatulong sa pagpapatibay ng iyong commitment sa pamumuhay nang porn-free.

2. Humanap ng alternatibo

Malaking tulong ang paghahanap ng ibang mga bagay na pwedeng gawin imbis na manood ng porn. Pwede kang humanap ng bagong hobby o interes. Kung mapipigilan nito ang pagnood mo ng porn, isa itong magandang aktibidad!

3. Mag-aral

Nararapat lamang na pag-aralan mo ang mga pwedeng idulot ng pagnood ng porn, lalo na ang labis-labis na pagnood nito. Ang excessive porn consumption o ang adiksyon sa porn ay maaaring sumira ng mga relasyon at pananaw mo sa pagtatalik.

Mainam din na magsaliksik tungkol sa mga benepisyo ng pag-iwas sa porn.

4. Maging wais sa teknolohiya

Ang teknolohiya ay pwedeng mong gamitin para makatulong! Maaari kang mag-install ng mga content filter o iba pang pang-block sa porn sa iyong mga gadget. Meron ding mga app na makakatulong sa wastong paggamit ng iyong mga device.

5. Humanap ng tulong kung kailangan

Walang dapat ikahiya sa pag-amin na kailangan mo ng tulong o suporta. Pwede kang magkwento sa isang malapit na kaibigan, kumonsulta sa isang mental health professional, o sumali sa mga support group. Tandaan mong ang paghingi ng tulong ay isang hakbang sa tamang direksyon!

Ang desisyong tumigil sa pagnood ng porn ay nakakamangha; para sa marami, mahirap itong gawin, kaya kung ekis na sa’yo ang XXX, isa kang malupit na lodi!

Pero tandaan mong isa itong proseso at kailangan mo ng pag-unawa sa sarili. Basta’t may determinasyon at disiplina, siguradong malalampasan mo ang hamong ito tungo sa isang porn-free na buhay.

Maganda ang kinabukasan na naaayon sa best version ng iyong sarili, brad! Tama ‘yan! That’s how you #DoItRight!

Pinagmulan:

  • Stobber, I. (2023, October 6). Want to cut down on your xxx viewing habits? read this. AskMen. https://bit.ly/3TMg0rX
  • Imahe mula sa Freepik
Please follow and like us:

One thought on “Isang Gabay para sa mga Lalaki sa Pag-iwas sa Porn

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon