fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Dapat Tandaan ng mga Lalaki Tuwing May Labing-Labing

Mga pare! Sa panahon ngayon, kailangan i-angat ang lebel ng ating angas at galing! Alam na dapat natin na ang sexy time ay hindi lamang pisikal na aktibidad. Isa itong paglalakbay na pwedeng magpalalim ng koneksyong namamagitan sa dalawang tao. Bilang modernong lalaki, kailangan nating intindihin ang importansiya ng pag-aalaga sa ating mga relasyon.

At pagdating sa sexy time, malaki ang maitutulong ng respeto at komunikasyon. Sa tulong ng mga ito, masisiguro mo ang pasabog at espesyal na sexy time.

Kaya naman ibinabahagi namin ang aming sexy time checklist! Isa itong gabay na magpapaganda ng pisikal na aspeto ng inyong sexy time. Makakatulong din ito sa pagpapalalim ng relasyon niyo ni babe. Sa pagtugon sa mga bagay sa checklist na ito, garantisadong solb kayong dalawa, sa pisikal at emosyonal na lebel!

1. May sapat na enerhiya ba kayo?

Bago ang lahat, tiyakin mo munang may sapat na lakas kayong pareho. Mapapasabak ang inyong mga katawan sa sexy time, kaya dapat lang na may baon kayong enerhiya!

2. May proteksyon ba?

Ang mga nakikipagtalik ay may proteksyon dapat palagi, lalo na ang mga taong hindi pa handa sa mga hamon (at mga biyaya) ng pagiging magulang. Bilang lalaki, condoms ang pinaka-madaling ihanda, pero may marami pang ibang kontraseptibo na makakatulong sa pag-alaga ng ating kalusugang sekswal.

3. Na-set na ba ang mood?

Kailangan ito kung gusto mong i-enhance ang karanasan. Marami kang pwedeng gawin o ayusin para i-set ang mood nang maayos: katahimikan, pakikipag-usap, dirty talk, foreplay, o background music.

4. Okay na ba ang tagpo?

Siyempre, kailangan ding i-check ang lugar kung saan magaganap ang mga bagay-bagay. Siguraduhin mong maayos ang kwarto at may privacy kayo.

5. Ano ang mga nais niyong gawin?

Importante ang pakikipag-usap tungkol sa inyong mga nais maranasan. Pag-usapan niyo ang inyong mga pantasya at fetish. Makakadagdag ito sa excitement. At siyempre, makakatulong ito sa pagsiguro ng safety ninyong dalawa.

6. May consent ba kayong pareho?

Ang consent (o pahintulot) ay ang pundasyon ng anumang relasyong sekswal. Pareho dapat kayong umaayon sa nais niyong gawin para masigurong mag-eenjoy kayong pareho.

Ugaliing i-check ang mga bagay sa listahang ito bago mag-sexy time. Responsibilidad mo bilang lalaki na tiyaking ligtas at masaya kayo ni partner sa anumang gagawin ninyo!

Ang pakikipagtalik ay hindi lamang tungkol sa pisikal na karanasan kundi sa emosyonal na pakiramdam. Kaya, mga pre, remember to #DoItRight bago kayo pumunta sa exciting part!

Mga Pinagmulan:

  • Birch, J. (2018, June 7). 9 things you should always do before having sex. HuffPost.
    https://bit.ly/3H5ij1D
  • Imahe mula sa Freepik
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon