fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Alak: Masama o Maganda ba sa iyong Buhay Sekswal?

Sa kasaysayan, ang alak ay naging bahagi na ng iba’t-ibang kultura. May mga nagsasabing ang katamtamang pag-inom ng alak ay nakakapagpataas ng tiwala sa sarili at pakikisalamuha, pero ayon sa pag-aaral, ito’y nasa isip lamang.

May iilan ring nagsasabing gumagaling sila sa kama dahil dito. Pero may katotohanan nga ba ito? Ito ang ilan sa mga tunay na epekto ng alkohol sa katawan ng tao.

Nakakaapekto ito sa kanilang libido o libog

Kayang pataasin ng alak ang libido ng lalaki. Ayon sa iba’t-ibang pag-aaral, ang pag-inom ng kaunting alak ay nagpapabuti ng libog at sekswal na aktibidad. May ilan ding nagsasabing nabibigyan sila nito ng sapat na tapang upang maghanap ng sekswal na kapareha.

Pero, ang sobrang pag-inom ng alak ay makakaapekto sa utak at maaaring mag-resulta sa biglang pagbaba ng sekswal na pagnanasa. Ito ay mas makikita sa mga taong madalas uminom nang marami o mga naging “alcoholic” na.

Mapapatagal nito ang ejaculation o bulalas

Ang pag-inom ng kaunting alak ay maaaring hindi makapagpigil nito. Pero ang pag-inom ng madami ay siguradong makakapagpatagal ng ejakulasyon mo.

Ang sobra-sobrang dami ng alak sa katawan ng lalaki ay siguradong makakapagpatagal ng pagbulalas. Ito’y maaaring tumagal ng 30 minuto o mas matagal pa. Sa mga malalang kaso, may mga lalaking hindi lumalabas ang kanilang bulalas.

Maaaring magkaroon ng problema sa erection o pagtigas ng ari

Ang mga lalaki ay maaaring mahirapang magpatigas ng ari. Ito’y hindi lamang limitado sa mga “hard” na inumin tulad ng whiskey, vodka, o tequila. Kahit anong alak ay maaaring magdulot nito.

Ang mga dahilan kung bakit ganito ang epekto ng alkohol ay:

  • Pagbaba ng daloy ng dugo sa ari
  • Pinapabagal ang nervous system
  • Dinadagdagan ang angiostein (hormon na sangkot sa erectile dysfunction)

Sa mga malalang kaso, ang pag-inom ng sobra-sobra ay maaaring magresulta sa permanenteng erectile dysfunction. Maaari itong mangyari sa mga lalaking madalas uminom ng madaming alak.

Mga Karaniwang Paniniwala tungkol sa Alak

Gumaganda/gumagwapo lahat kapag lasing na – Maraming mga pag-aaral na ang ginawa tungkol sa tinatawag na “beer goggles”, pero walang naging isang kasagutan. Isang pag-aaral noong 2014 ang nagsabing ang pag-inom ng alak ay nakakapagpaganda ng ibang tao, pati na rin ng paligid.

Kahit na walang siyentipikong ebidensya, ang alkohol ay pinaniniwalaang nakakadagdag ng kumpiyansa upang makisalamuha sa ibang tao at mag-iba ang pagdedesisyon.

Pare-parehas ang epekto ng alak sa lahat – Ito ay walang katotohanan. Iba-iba ang pag-proseso ng katawan ng tao sa alak, at ang pagkakaiba ay mas halata sa babae kesa lalaki. Kahit na parehas lang ang dami ng inyong nainom, hindi ibig sabihing parehas na ayos lang kayo o parehas na kayong lasing.

Ayos lang ang panghahalay kung parehas na lasing – Ito ay WALANG KATOTOHANAN. Kahit na ang parehong tao ay lasing, hindi ito isang imbitasyon para gumawa ng kahit ano mang sekswal na aktibidad ng walang paalam o pagsang-ayon.

Malinaw na pahintulot ang kailangan bago magkaroon ng kahit anong sekswal na gawain. Ito ay mas importante lalo na kung may alak ang usapan. Ang pakikipagtalik sa taong masyadong lasing upang magbigay ng malinaw na pahintulot ay kinukunsiderang panghahalay.

Pinanggalingan:

https://www.healthline.com/health/alcohol-and-sex

https://www.medicalnewstoday.com/articles/alcohol-and-sex

https://www.psychologytoday.com/intl/blog/all-about-sex/201907/the-pros-and-cons-mixing-sex-and-alcohol

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon