ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Single At Masaya: Ikasaya Nang Husto Ang Pagiging Single

Happily Single: Enjoying Singlehood To The Fullest

Kailan ba naging parang sumpa ang pagiging single na tingin ng lahat kailanma’y hindi ka na magiging masaya kapag single ka??? Hindi ito nakakabawas sa halaga mo, at lalong hindi ibig sabihin nito na hindi mo na maaabot ang kaligayahan at tagumpay.

Dahil sa mga biro at meme — lalo na ‘yung na-usong “sana all” — na pinagtatawanan ang mga single, madaling makumbinsi na ang pagiging single ay malungkot at nakakalumbay na estado sa buhay. Ang pananaw ng kulturang Pilipino sa mga single ay malungkot sila, kaya hindi na rin natutuwa ang mga single sa pagsasama-sama ng mga pamilya dahil sa mga tanong na “may jowa ka na ba”, at “kailan ka mag-aasawa” na palagi na lang pinag-uusapan.

Kung ika’y single at hindi masaya, okay lang iyan at naiintindihan ka namin! Hindi imposibleng makamit ang kasiyahan kapag ika’y single, at lagi ka namang may pwedeng gawin para mabago ang lahat. Baka hindi ka PA masaya, pero naniniwala kami na sasaya ka rin!

Tamasahin ang kalayaan

Mas may pagkakataon ka na tamasahin ang kalayaan kapag ika’y single. Hindi na kailangan magkompromiso at magkasundo, o kumonsulta sa ka-partner tungkol sa nais mong gawin.

Ano ang gagawin mo sa iyong kalayaan? Pwedeng magbakasyon nang biglaan, bilhin ano gusto mo, kulayan ang iyong buhok ng nakakabighaning kulay — ikaw bahala! Gawin kung ano makakapagpasaya sa iyo, and gamitin ang oportunidad na tukuying ang iyong pagkatao at buhay.

Huwag maghabol ng tao

Alalahanin ang iyong sarili lamang at huwag maghabol ng ibang tao. Kung mayroong nagpapahabol sa iyo, malaki ang tsansa na hindi talaga siya interesado sa iyo, at baka gusto lang nila ‘yung pakiramdam na hinahabol siya at nabibigyan ng atensyon. Kung mayroon ba dapat habulin, ito ay ang iyong kaligayahan.

Hindi mo kailangan ng atensyon ng ibang tao para lumigaya, o pagbaba ng pamantayan para lang may maakit kang i-date ka. Okay lang na itaas ang iyong mga pamantayan — tutal, nararapat lamang na makuha mo ang pinakamabuti para sa iyo.

Kilalanin ang sarili

Karamihan sa mga tao mas gusto nilang may kasama silang iba dahil parang paraan nila ito na takasan ang kanilang sarili. Minsan, may mga tao na naghahanap ng makakagambala sa kanila para maiwasan nilang pansinin ang kanilang sarili at harapin ang mga bagay na hindi nila gusto sa sarili nila.

Kapag single ka, magandang oportunidad ‘yun para gamitin ang oras at kakayahan sa pagkilala nang mas mabuti sa sarili.

Pwede kang magnilay-nilay, magmuni-muni, o sumubok ng bagong libangan na nakakahamon sa iyo. Kilalanin mui ang iyong sarili at hasain ang iyong sarili.

Sumubok ng bagong bagay

Ang pagiging single ay nagbubukas sa iyo ng mga pagkakataon na pwedeng sumubok ng mga bagong bagay na baka hindi mo magawa kapag mayroon kang partner. Baka interesado ka sa isang aktibidad na matagal mo nang gustong subukan, at ngayon hindi mo na kailangan mag-alala sa pagpapaalam o pagpapaapruba.

Patibayin ang relasyon sa ibang tao

Kapag single ka, hindi naman ibig sabihin nun walang mga relasyon sa buhay mo — kahit saan at kahit kanino may relasyon ka! Magandang panahon ito para patibayin ang ibang relasyon na mayroon ka. Pwede kang maglaan ng oras para sa iyong mga kaibigan o kaya kapamilya.

Maliban sa mga kaibigan at kapamilya, pwede mo ring patibayin ang iyong relasyon sa komunidad. Pagkakataon mo ito na magbahagi sa iba sa pamamagitan ng pagboluntaryo sa mga lokal na karidad o mga non-government organization (NGO). Nakakalakas ng kumpiyansa sa sarili at pasasalamat ang pagtulong sa iba; higit pa, makakahalubilo mo rin ang ibang tao na hindi mo karaniwang nakakasama. Makaka-ugnay mo iba’t-ibang tao mula sa mga magkakaibang pinagmulan, at baka magkaroon ka pa ng mga bagong kaibigan.

Pahalagaan ang mayroon ka

Normal lang na mainggit sa ibang tao na may jowa, pero kung palagi ka lang nakatingin sa mga bagay na wala ka at sa mga malulungkot na aspeto ng pagiging single, malulungkot ka lang talaga. Kapag malungkot ka, makakaapekto rin ito sa iyong mood, at mapapansin ito ng ibang tao. Tumingin sa mga bagay at tao na mayroon ka sa buhay mo. Magpasalamat sa lahat na nakakapagpangiti sa iyo. Ang pagiging mapagpasalamat ay nakakagaan ng loob at nakakaganda ng enerhiya.

Mga pinagmulan:

http://www.thelawofattraction.com/enjoy-single/

https://www.huffpost.com/entry/if-you-dont-like-being-single-you-need-to-read-this_b_6294266

https://time.com/5401028/benefits-being-single-experts/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon