fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang Mga Sanhi Ng Mababang Libido Sa Lalaki

family planning, low sex drive, reproductive health

Ang sobrang stress ay may negatibong epekto sa ating katawan. Ang emosyonal na stress ay maaaring makaapekto sa ating pisikal na kalusugan, pati na rin sa seksuwal na pagnanasa at kakayahan sa pakikipagtalik.

Ang pagtukoy sa kung ano ang maaaring sanhi ng stress ay ang unang hakbang patungo sa kagalingan. Ang pagtulong sa sarili ay maaaring gumana ngunit may mga taong nangangailangan ng tulong mula sa isang propesyonal na tagapayo o doktor. Ito ang mga karaniwang sanhi ng mababang libido:

Alkohol

Walang masama sa minsang pag-inom nito kasama ang ating mga kaibigan, ngunit kadalasan, ang alkohol ay hindi ang sagot sa ating mga problema. Bagaman ang alkohol ay maaaring makabawas sa ating mga alinlangan, nakakabawas din ito sa seksuwal na pagganap at libido. Maaaring hindi magustuhan ng iyong kapareha na lasing ka habang nakikipagtalik at maaari siyang madismaya dahil dito. Ang alkohol ay isang nakakahumaling na gamot at maaaring kailangan mo ng tulong upang ihinto ang pag-inom nito.

Kulang o hindi sapat na tulog

Tulad ng anumang pisikal na aktibidad, ang sapat na pahinga ay kailangan para sa mas mahusay na pagganap sa buhay. Ang kakulangan sa tulog, ay isa sa mga sanhi ng mababang libido. Ang sleep apnea ay isang kondisyon na maaaring maging sanhi ng problema sa pagtulog. Kumunsulta sa eksperto kung mayroon kayong mga sintomas nito.

Gamot

May mga gamot na may epekto na pagkawala ng libido. Ang ilang mga halimbawa ay kinabibilangan ng: mga gamot para sa mataas na presyon ng dugo kasama na ang mga water pill at beta blocker, cold medications na naglalaman ng mga antihistamine, decongestant, antidepressant, narcotic pain pill, at mga chemotherapy drug. Kung ito ang sanhi, ang iyong doktor ay maaaring magmungkahi ng isang alternatibong gamot na maaaring magkaroon ng mas kaunting epekto.

Negatibong imahe ng katawan

Kung gaano ka kaakit-akit ay nakadepende sa kung ano ang tingin mo sa iyong sarili. Maraming mga tao ang may mababang pagtingin sa kanilang katawan at maaari itong makaapekto sa kanilang libido at pagnanasa. Ang pagiging masaya sa iyong sarili ay mahalaga at ito ang unang hakbang. Ang isang mabuting kapareha ay magpapakita ng suporta at pagtulong.

Labis na katabaan

Ang labis na katabaan at pagiging sobra sa timbang ay maaaring limitahan ang pagnanasa dahil sa kaunting seksuwal na kasiyahan, kawalan ng kakayahang makipagtalik, at mababang pagpapahalaga sa sarili. Kung ano ang tingin mo sa iyong sarili ay may malaking epekto sa kung paano ka nasisiyahan sa pakikipagtalik. Ang pagpapayo ay maaaring makatulong sa iyo.

Problema sa pagtigas ng ari at mababang testosteron sa lalaki

Ang erectile dysfunction (ED) ay hindi lamang nakakaapekto sa kakayahan sa pakikipagtalik ngunit pati sa kung ano ang nararamdaman ng isang tao tungkol sa kanyang kakayahang magkaroon ng kasiya-siyang pagtatalik. Maraming maaaring pagpipilian sa paggamot sa ED at makakatulong ang iyong doktor na makahanap ng lunas na pinakamainam para sa iyo at sa iyong kapareha. Bagaman ang antas ng testosteron ng isang tao ay unti-unting bumababa kasabay ng pagtanda, walang kinalaman ang antas ng hormon sa pagnanasa na makipagtalik. Ito ay isa lamang potensyal na dahilan kung bakit bumababa ang libido at maaaring maghanap ang iyong doktor ng iba pang mga sanhi bukod sa mababang testosteron.

Menopause sa babae

Ang menopause ay maaaring maging sanhi ng mga pisikal na pagbabago na nakakaapekto sa pagtatalik, kasama na pagkatuyo ng ari ng babae at sakit o kirot sa pakikipagtalik (dyspareunia). May mga gamot na magagamit upang mapahusay ang seksuwal na pagnanasa at kakayahan sa pagtatalik pagkatapos ng menopause.

Depresyon

Ang depresyon ay nakakaapekto sa lahat ng aspeto ng buhay kabilang ang seksuwal na pagnanasa. Ang pagkawala ng kasiyahan sa pang-araw-araw na gawain ay madalas na nangangailangan ng pagpapayo at marahil gamot. Sa kasamaang palad, may ilang mga antidepressant na nagpapababa din ng libido. Kailangang malaman ng iyong doktor at terapist kung ang iyong mababang libido ay dahil sa depresyon.

Ang ‘’love-making’’ ay higit pa sa pagtatalik. Ang pagiging matalik at pagiging malapit ay mahalagang bahagi ng isang malusog na relasyon. Kung ang seksuwal na pagnanasa ay nawawala, maaaring oras na upang ibalik ng pagmamahalan sa relasyon. Ang pagyayakapan, pagmamasahe sa bawat isa, at paggugol ng kaswal na oras na magkasama ay maaaring makatulong na ibalik ang kinang ng inyong pagsasama. Upang magkaroon ng seksuwal na pagnanasa, kailangan ng kooperasyon ng parehong magkasintahan. Ang bawat isa sa isang relasyon ay kailangang makaramdam na konektado at malapit, lalo na para sa mga babae. Ang hindi maayos na komunikasyon, pakiramdam ng pagtataksil, kawalan ng tiwala, at paulit-ulit na pag-aaway at kritisismo ay maaaring lumikha ng isang relasyon na walang init at pagkakaunawaan. Ang pagpapayo (counseling) ay maaaring maging sagot kung sa tingin ng magkasosyo na ang mga isyu ay masyadong malaki at kumplikado upang malutas sa pagitan nila.

Pinagmulan: https://www.webmd.com/men/features/revving-up-low-libido

https://www.healthline.com/health/low-testosterone/conditions-that-cause-low-libido

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon