Kape, ang matamis na kapaitan na bumubuhay sa atin tuwing umaga upang maging produktibo buong maghapon. Ito’y isa sa siguradong iniinom kung kailangan nating magkaroon ng mabilisang pampasigla upang matapos ang ating pang-araw-araw na gawain.
Bagaman maraming magagandang dulot ang kape sa ating buhay, baka nakakalimutan natin ang epekto nito sa pangmatagalan, lalo na sa ating lebel ng testosterone. Maaapektuhan ba talaga nito ang ating testosterone?
Ayon sa pag-aaral ng Nutrition Journal, ang mga lalaking uminom ng may caffeine ay nagpakita ng mas mataas na lebel ng testosterone. Ang mga lumahok sa pag-aaral ay mga malusog at madalas na umiinom ng kape, at pinainom sila ng 6 ounce ng kape na caffeinated o decaffeinated.
Kumpara sa mga taong uminom lang ng tubig at decaffeinated na kape, ang mga uminom ng caffeinated na kape ay nagpakita ng mas mataas na testosterone at mas mababang estradiol pagkatapos ng apat na linggo.
Pero, pagkatapos ng walong linggo, wala nang nakitang gaanong pagbabago at ang naging konklusyon ng pag-aaral ay hindi pare-pareho ang epekto nito dahil sa maliit na dami ng lumahok.
Sa ibang usapan, ang Journal of Strength & Conditioning Research ay pinag-aralan ang 29 na mga nailathalang pag-aaral at nalaman na ang 11 rito ay nakitaan ng positibong epekto ang kape sa perpormans sa mga team sports at ibang palakasan na sports. Pero ang ilan sa mga pag-aaral ay nagsabing nakakababa ito ng perpormans ng atleta.
Ang testosterone ay nakakatulong sa pagkakaroon ng matibay na buto, laki ng muscle, at lakas, kaya maaaring ito ang dahilan, pero hindi ito nahanap ng mga pag-aaral.
Sa lahat ng ito, maaari nating sabihin na walang mabilisan o matagalang epekto ang kape sa ating testosterone, maging positibo man o negatibo. Maaari tayong uminom ng kape at ipakita ang galing natin nang hindi nag-iisip na maapektuhan nito ang ating pagkalalaki.
Sources:
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3502342/
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18458357/
https://breakingmuscle.com/healthy-eating/is-coffee-good-or-bad-for-your-testosterone
https://journals.lww.com/nsca-jscr/pages/default.aspx
https://breakingmuscle.com/healthy-eating/29-studies-confirm-caffeine-increases-athletic-performance
https://nutritionj.biomedcentral.com/articles/10.1186/1475-2891-11-86