fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang Mutual Masturbation?

Alam mo na na ang pagbabati ay kadalasang ginagawa nang mag-isa. Pero alam mo bang maaari kang magbati kasama ang iyong kapareha at makakatulong din ito sa inyong relasyon? Tinatawag itong mutual masturbation.

Ang mutual masturbation ay kung saan ikaw at ang iyong kapareha ay nagbabati nang sabay o binabati ang isa’t-isa. Maaaring magmukhang sinisira nito ang nakasanayan nating kahulugan ng pagbabati na “para sa pag-iisa” at nakakahiyang imungkahi ito sa kapareha mo, pero totoong may benepisyo ito sa inyong relasyon.

Mga dahilan para gawin ang mutual masturbation

Nakakapagpaligaya – Ang sekswal na kaligayahan ay isa sa mga dapat isipin tuwing gagawin ang mutual masturbation. Ikaw at ang iyong kapareha ay maaaring masiyahan dito at maaari niyong kontrolin ang sekswal na ligaya niyo nang walang pag-aalala tungkol sa perpormans.

Malalaman mo kung ano ang nagugustuhan mo at ng iyong kapareha – Habang tinitingnan o pinapaligaya ang iyong kapareha gamit ang iyong kamay, makikita mo ang reaksyon nila at malalaman mo kung saan ang “sweet spots” nila. Makikita din ng kapareha mo kung ano ang nai-enjoy mo at magagawa niyo ulit ito sa susunod na pagtatalik niyo.

Maaari mong imungkahi ang paggamit ng sex toys – Tulad ng mutual masturbation, hindi madaling imungkahi ang paggamit ng mga laruan sa kama. Kung maipapakita mo ang ligaya na nararamdaman mo sa paggamit ng mga laruang ito at kung paano sila gamitin ng tama, maaari mong makumbinsi ang kapareha mo na gumamit nito sa susunod.

Pwede itong foreplay at main event – Depende sa sitwasyon, pwede niyong ikunsidera ang mutual masturbation bilang foreplay o main event ng inyong pagtatalik. Pwede itong foreplay dahil kaya nitong gawing mas madali ang pagpukaw na sekswal upang mas maging komportable din ang penetrasyon. Mabisa rin ito kung gusto niyo naman ng mabilisang orgasmo.

Paano ipapakilala ang mutual masturbation sa relasyon

Pag-usapan – Palaging simulan sa pag-uusap ang mga bagong gawain na susubukan. Sabihin ang mga iniisip mo tungkol sa mutual masturbation at kung bakit gusto mo ito gawin. Pwede mo ring sabihin na gusto mong dagdagan ang sekswal na kaligayahan ninyong dalawa.

Bagalan mo lang – Kapag nagawa mo nang komportable ang lugar para sa iyong kapareha, dahan-dahang magsimula habang nakadamit pa, unti-unting hubarin ang inyong underwear, hanggang komportable na kayong nakahubad parehas. Gawin ang iyong mabagal pero siguradong mga kilos hanggang parehas kayong komportable na at naliligayahan sa ginagawa ninyo.

Gumamit ng sex toys at lube at ipakita ang paggamit nito – Ang mga sex toys ay maganda ring simula upang ipakilala ang mutual masturbation sa kapareha mo. Itanong mo kung gusto niyang makita kung paano mo gamitin ang mga ito at kung gusto nilang sumali sa paggawa mo nito. Gawin ito hanggang maging komportable at naliligayahan na kayo parehas sa mutual masturbation.

Manood ng porn – Ang pornograpiya ay maaaring makatulong sa pagsubok ng mutual masturbation. Kayang gawin ng pornograpiya na hindi nakaka-ilang ang mutual masturbation at nakakabawas din ito ng tensyon. Kausapin muna ang iyong kapareha na manonood kayo ng porn upang hindi siya magulat o mapaalis bigla. Ang sabay na pagpili ng panonooring porn ay makakatulong din.

Kung magbago ang isip, ayos lang – Kahit na nasa kalagitnaan na kayo ng mutual masturbation, ang pagbabago ng isip ay okay lang. Ituring ito bilang experiment na kung saan parehas kayong naghahanap ng bagong kakikiligan sa relasyon. Huwag mag-alala masyado at gawin itong biruan upang mas mapatibay ang inyong pagsasama.

Ang mutual masturbation ay isa lang sa mga pwedeng gawin upang mas pasiyahin ang relasyon. Kung hindi epektibo ito para sa inyo, okay lang iyan dahil marami pang pwedeng subukan. Tandaan lang na ang paghahanap ng sekswal na kaligayahan ay dapat gawin nang ligtas at may pagsang-ayon ng dalawang panig.

https://medium.com/love-emma/how-to-introduce-mutual-masturbation-into-your-relationship-f951c538b51f

https://www.menshealth.com/sex-women/a29251426/mutual-masturbation-tips/

https://www.shape.com/lifestyle/sex-and-love/mutual-masturbation

https://www.cosmopolitan.com/uk/love-sex/sex/a12156790/mutual-masturbation/

https://lifehacker.com/how-to-try-mutual-masturbation-1819861081

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon