fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Premenstrual Sindrom

PMS, premenstrual syndrome, menstruation, period, family planning, reproductive health

Ang premenstrual sindrom (PMS) ay ang salitang ginagamit para sa emosyonal at pisikal na mga sintomas na karaniwang nararanasan ng maraming babae dalawang linggo bago ang kanilang buwanang regla; ngunit, sa sandaling magsimula ang pagregla, kadalasang nawawala na ito. Ang PMS ay naka-ugnay sa mga pagbabago ng antas ng mga hormon sa katawan, at normal na makaranas ng pananakit ng ulo, pagdami o pagtubo ng taghiawat, pabago-bagong damdamin, at iba pang mga pisikal at emosyonal na pagbabago na naiimpluwensyahan ng mga hormon. Ang ilang mga babae ay walang anumang mga palatandaan ng PMS o mayroon lamang banayad na mga sintomas bago ang kanilang regla, habang ang ilan ay may mga sintomas na sapat na malubha para mahirapan sa araw-araw na gawain.

Premenstrual syndrome (PMS) symptoms illustration in different areas of the body
Image: https://www.medicalnewstoday.com/articles/325314#symptoms

Ang ilang mga tipikal na sintomas ay:

  • taghiawat
  • pamamaga ng tiyan o puson
  • laging pagod
  • pananakit ng likod
  • namamagang suso
  • pananakit ng ulo
  • tibi
  • pagtatae
  • paghahangad ng mga pagkain
  • pagkalungkot
  • pagkamayamutin
  • pabago-bago ng damdamin
  • kahirapan tumutok sa iisang bagay
  • kahirapan kontrolin ang stress
  • kahirapan makatulog

Ang pagkain nang tama, pagkuha ng sapat na tulog, at pag-eehersisyo ay maaaring makatulong na mapawi ang ilan sa mga sintomas ng PMS. Halos lahat ng mga babae na may kakayahan nang mabuntis ay nakakaranas ng mga sintomas ng PMS, ngunit ang mga babaeng na sa bandang dulo na ng 20s hanggang sa mga na sa maaagang taon ng 40s ay malamang na makaranas ng PMS. Para sa karamihan ng mga babae, ang PMS ay hindi malaking problema, at ang pinakamahusay na paraan upang makontrol ang mga sintomas na ito ay magkaroon ng kamalayan sa kung ano ang pinagdadaanan ng iyong katawan, at magkaroon ng malusog na pamumuhay.

Pinagmulan:

https://www.womenshealth.gov/menstrual-cycle/premenstrual-syndrome

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon