ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano Ang Dapat Mong Malaman Tungkol Sa LGBT?

lgbt, reproductive health, family planning

Sa sandaling makakita ka ng isang watawat na bahaghari, nagkakaroon ka ng ideya tungkol sa komunidad at kung ano ang kinakatawan nito. Sa kabila ng mas malawak na kaalaman tungkol sa mga LGBT, maraming tao ang nahihiwagaan tungkol sa kanilang buhay. Ano ba ang hitsura ng buhay-pag-ibig ng mga taong wala sa lalaki-babae na relasyon? Ano ang antas ng pagpapalagayang-loob at anong klaseng dinamiko ang mayroon ang relasyon ng parehong kasarian?

Sa makabagong panahon na ito, ang mga LGBTQI ay makikita sa mga paaralan, lugar ng trabaho, at halos sa lahat ng dako — at ang ilan sa mga miyembro ng pamayanan na ito ay matagumpay na mga tao tulad ni Tim Cook, Ellen Degeneres, at sa lokal na eksena, mayroon tayong Vice Ganda at Jake Zyrus. Iyon ang dahilan kung bakit sasagutin natin ang mga pangkalahatang katanungan tungkol sa mga LGBTQI+.

1. Kailan mo nalaman na ikaw ay kabilang sa LGBT?

Sagot: Ang tanong na ito ay mahirap sagutin. Para sa maraming LGBT, natuklasan nila ang kanilang seksuwal ng oryentasyon nang magsimula silang magkaroon ng atraksyon para sa ibang tao. Mayroon din namang mga LGBT na hindi pa tanggap ang kanilang buong pagkatao lalo na pagdating sa kanilang kasarian at kung kanino sila nagkakaroon ng atraksyon. Mayroon ding hindi komportableng sagutin ang tanong na ito dahil may mga taong gustong panatilihing pribado ang aspetong ito ng kanilang buhay. Kung anuman ang kanilang pagpapasya, dapat natin itong igalang dahil ito ay karapatan ng bawat isa.

2. Sino gumaganap ng papel ng “lalaki” at sino ang “babae”?

Sagot: Ang relasyon sa pagitan ng dalawang taong may parehong kasarian ay malaki ang pagkakaiba sa tipikal na relasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Ang pagpapalagay na ang isa sa kanila ay gumaganap bilang lalaki at ang isa naman ay gumaganap na babae ay tanda ng kawalan ng kamalayan at respeto sa relasyon ng ibang tao. Ang relasyon sa pagitan ng dalawang tao anuman ang kanilang kasarian ay isang pribadong bagay. Minsan, at lalo kapag malapit tayo sa isang tao, natural lamang na naisin mong mas makilala sila. Ngunit pagdating sa aspetong ito, mas mainam na hayaan ang mga LGBT na magpahayag tungkol sa kanilang buhay nang hindi pinapangunahan.

3. Dapat ba kitang ipakilala sa ibang mga LGBT?

Sagot: Kung mabuti ang iyong hangarin, hindi mo na kailangan na itanong ito sa kaibigan mong LGBT. Gawin lamang ito kapag kinakailangan ng sitwasyon o kung hiniling mismo ng kaibigan mong LGBT. Kadalasan, ang isang LGBT ay mayroon ding sariling pamantayan sa pagpili ng kaibigan at may mga taong natural na darating sa kanyang buhay kahit ipakilala mo pa sila sa isa’t isa o hindi. Ganoon din para sa iyo o sa kahit na sino, anuman ang kanyang kasarian.

4. Iwasan ang paggamit ng panghalip ayaw niya.

Sagot: Marahil ay alam mo nang iwasan ang paggamit ng mga bastos na slang tulad ng bi * ch at iba pang mga bastos at mapanirang salita. Bukod dito, dapat kang mag-ingat na huwag gumamit ng mga panghalip na tumutukoy sa isang partikular na kasarian. Dahil lang sila ay kabilang sa LGBT ay hindi nangangahulugang nais nilang maging isang babae o lalaki — kaya dapat mong iwasang gawin iyon. Wala ka namang kailangang gawin. Sapat na ang igalang sila at ituring bilang tao na tulad mo.

5. Nakakahiya…

Sagot: Maaari mong isipin na nakakahiya na ang isang lalaki o isang babae ay nagmamahal ng isang tao ng parehong kasarian, ngunit hindi mo ito buhay. Kung mayroong isang bagay na dapat ikahiya, ito ay ang pagiging tsismosa tungkol sa buhay ng ibang tao.

Kailangan mong iwasan ang paggawa ng mga nabanggit at maging isang tunay na kaibigan sa mga LGBTQI sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pag-unawa sa kanila. Kung ikaw ay bakla, tomboy, o anuman ang iyong kasarian, ano ang mga nakakagambalang katanungan para sa iyo? Kung may pinagdadaanan ka na isang karanasan, ibahagi mo ito sa amin sa comment section sa ibaba o maaari kang magpadala sa amin ng isang anonymous message.

Pinagmulan: https://www.nippon.com/en/japan-topics/c05903/things-to-know-about-the-lgbt-community.html

Please follow and like us:
error

One thought on “Ano Ang Dapat Mong Malaman Tungkol Sa LGBT?

  1. Isa rin sa mga faulty assumption ay: WALANG TUMTAGAL NA SAME-SEX RELATIONSHIPS. KAPAG BAKLA, WAG MONG ASAHANG TATAGALAN ├ŁAN. For me this is unfair and very wrong. haha

    I think kaya nasasabi na walang tumatagal na same-sex relationships ay dahil sexual minorities nga ang LGBT community. Sobrang skewed ang ‘market’ natin mga beshies’. Say in 10 single guys na meron sa classroom na pwede kong maka date (yes, I’m bi-male) 2 lang sa kanila ang gay or bisexual guy. 8 sa kanila erase na. Kung a-jowa ko man ang isa mula sa dalawa that’s 1/10. Ei, harot pa sya, husay mag Grindr. haha. Break talaga. 1/10 vs 8/10. Makikita na mas maraming successful hetero couples compares to homo.

    Kaya mga besh, kapit lang. Ganun talaga.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon