fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang Shibari, ang sining ng Japanese rope bondage?

What is Shibari, the art of Japanese rope bondage?

Ang ibig sabihin ng Shibari ay “magtali ng dekorasyon” sa Japanese, at ito ang sinaunang sining ng rope bondage —- oo, ang ‘B’ sa BDSM. Ang pagtali sa iyong partner — o paggapos ng iyong partner — ay sexy at nakakapukaw sa ilang tao. Pero bago mong isipin ang mga mala-Fifty Shades of Grey na sexual activities, magkaroon muna tayo ng mas malalim na pag-unawa sa kung ano ang Shibari.

Ano ang Shibari

Ang Shibari ay isang uri ng Japanese rope bondage na nagsimula noong medieval at Edo periods (1200 CE hanggang kalagitnaan ng 1800 CE). Nagmula ito sa Hojo-jutsu, isang paraan na ginamit ng mga samurais upang igapos ang kanilang mga bihag.

Noong huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 siglo, ang rope bondage art na ito ay nagdebelop sa mas erotikong kinbaku, na nangangahulugang “ang kagandahan ng tight bondage.” Sa ngayon, sikat ang Shibari at kinbaku sa mga taong mahilig sa BDSM.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Sydona, isang Shibari artist at instructor, na “ang Shibari ay hindi likas na sekswal,” at maraming tao ang ginagawa ito upang magnilay o kumonekta at maging matalik sa kanilang partner. May mga nag-eenjoy din dito dahil lang sa ganda ng pagkakabuhol at pagtali.

Bakit dapat mong subukan ang Shibari

Hindi mo kailangang maging interesado sa BDSM para ma-enjoy mo ang Shibari. Hindi rin kailangan maging sekswal ang paggawa mo nito. Kung gusto mo lang ng bagong paraan para kumonekta at makipag-bonding sa iyong partner, narito ang ilang dahilan kung bakit dapat mong subukan ang Shibari.

Mapapatibay nito ang inyong relasyon ng iyong partner

Maliban sa masikot na knotwork at magagandang pattern, ang Shibari ay isang paraan para ipahayag ang iyong nararamdaman sa iyong partner.

Ipinaliwanag ng Shibari artist na si Gorgone na “Kapag tinali mo ang iyong partner, ang lubid ay isang daan lamang para makipag-ugnayan sa isa’t isa. Tingnan ito bilang extension ng iyong katawan… Ang lubid ay paraan lamang ng komunikasyon. Ito ay ang wika, hindi ang paksa. Ang talagang mahalaga ay kung ano ang sasabihin mo, kung sino ang kausap mo, kung ano ang inaasahan mong marinig mula sa’yong partner, at kung paano mo ito gustong sabihin.”

Tulad ng mga visual artist at musikero, alam ng mga Shibari artist ang pagkakaiba sa pagitan ng mga simpleng nakaugaliang hakbang, kumpara sa pagsasama ng mga emosyon at damdamin sa iyong ginagawa. Ang Shibari ay isang paraan para kumonekta sa iyong partner sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kanilang katawan, pagpapatibay ng tiwala sa pagitan ninyong dalawa, at pagtuklas ng bago at kapana-panabik na uri ng intimacy.

Hinihikayat kayong maging malikhain

Ang Shibari ay isang malikhaing paraan upang bigyang halaga ang iyong katawan. Sa bawat session, matututo ka at makakabisado ang iba’t ibang mga buhol at pattern. Maaari mo ring i-customize ang sarili mong mga pattern o magdagdag ng mga accessory para makuha ang disenyo na gusto mo.

Bukod sa mga buhol at pattern, kabilang din sa Shibari ang pagsagawa ng iba’t ibang posisyon, pagkasundo kung gaano ka-sekswal o hindi sekswal ang inyong session, at pagpapasya sa mood at intensity ng session. At kung gusto mong magkaroon ng isang bagay na magpapaalala sa inyo ng karanasan, maaari kayong kumuha ng mga larawan ng inyong natapos na disenyo — na may pahintulot ng iyong partner, siyempre.

Isa itong hindi marahas na uri ng BDSM 

Sa Shibari, dapat magkasundo kayo kung gaano katindi ang inyong session. Iyon ang dahilan kung bakit ito ay angkop para sa mga mag-partner na mas gusto ang mas “chill” na uri ng BDSM, o sa mga gustong subukan ang BDSM acts sa unang pagkakataon.

Mga huling paalala

Tandaan na ang bondage ay maaaring maging mapanganib kapag hindi ginawa ng tama. Dumalo sa mga webinar at workshop, at gamitin ang tamang kagamitan para sa Shibari kung ito’y nais niyong subukan.

May mga pinsala na maaaring mangyari, tulad ng pagkahulog, pagkawala ng sirkulasyon ng dugo, nerve damage, at dislokasyon, kung ‘di sumunod sa tamang hakbang at masyadong nasasabik na gumawa ng mga bagay na hindi mo pa nakasanayan.

Bukod sa mga pisikal na panganib, dapat mo ring isaalang-alang ang mental at emosyonal na mga panganib. Ang mga paglabag sa pahintulot, emosyonal na pagpapabaya, at sexual assault ay ilan lamang sa mga posibleng kahihinatnan ng ‘di kaaya-ayang Shibari session. Laging kumustahin ang iyong partner habang nagtatali, at tanungin sila kung komportable silang magpatuloy.

Nakakatakot ang konsepto ng bondage para sa karamihan, pero kung mananatiling bukas ang inyong isipan at maging matiyaga sa pag-aaral ng mga wastong pamamaraan, magiging handa kayo para sa kasiya-siyang karanasan sa Shibari.

Mga pinagmulan:

Zane, Z. (October 21, 2020). What to Know About Shibari, the Art of Japanese Rope Bondage. Men’s Health. https://www.menshealth.com/sex-women/a32145034/what-is-shibari/ 

Santiago, S. (October 19, 2018). The Art of Shibari: There’s More To Bondage Than What You Think. Wonder. https://wonder.ph/life/shibari/ 

Cee. (May 3, 2018). Shibari 101: Let’s Talk About Japanese Rope Bondage. Autostraddle. https://www.autostraddle.com/shibari-101-japanese-rope-bondage-350309/ 

5 Things You Should Know Before Trying Shibari. (n.d.). Shibari.ph. https://shibari.ph/5-things-you-should-know-before-trying-shibari/ 

What is Rope Bondage: Techniques & Tips (Learn the Ropes of Shibari!). (March 20, 2020). Lauvette. https://www.lauvette.ph/sex/what-is-rope-bondage/ 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon