fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Maaari Bang Mabuntis Kapag Magtalik Nang Walang Proteksyon Habang Nireregla?

Can A Woman Get Pregnant If She Has Unprotected Sex During Her Period

Isang laganap na sabi-sabi tungkol sa pagkamayabong ay walang posibilidad na mabuntis ang babae kung makipagtalik nang walang proteksyon habang siya’y nireregla. Bagaman mas mababa ang tsansa, hindi pa rin nawawala ang posibilidad.

Ang karaniwang siklo ng regla ay tumatagal ng 28-35 araw, at nasa kalagitnaan ng siklo na iyon kung saan pinakamayabong ang babae. Ang obulasyon (ovulation), paglabas ng obaryo (ovary) ng isang selulang itlog, kadalasang nangyayari sa araw na 14-21, at maaaring tumagal ng 12-48 na oras. Ang posibilidad na mabuntis ay pinakamataas sa tatlong araw bago, at hanggang sa araw mismo ng obulasyon. Para mangyari ang pagbubuntis, ang esperma ay dapat na mapertilisa (fertilize) ang selulang itlog. Ang mga esperma ay maaaring mabuhay nang tatlo hanggang limang araw sa sistemang reproduktibo ng babae, na nangangahulugan na maaaring humantong sa pagbubuntis kapag nakipagtalik nang walang proteksyon ang babae limang araw bago siya mag-obyula.

Kahit na nireregla ang babae, maaari pa rin siyang mabuntis kung siya ay nakipagtalik nang walang proteksyon sa ilang mga sitwasyong ito:

  • Nakakaranas ng pagdurugo mula sa obulasyon. Ang pagdurugo na ito ay madalas na tinatawag na ovulation bleeding (pagdurugo sa obulasyon), na kung saan ang isang babae ay nagdurugo at inaakalang regla na ito — ngunit ito ay sanhi talaga ng obulasyon.
  • Nag-obula kahit na bago pa huminto ang kanyang regla.
  • Nag-obula ng ilang araw pagkatapos matapos ang regla. Dahil ang mga esperma ay maaaring mabuhay sa loob ng katawan ng babae nang ilang araw, maaari siyang mabuntis kung nakikipagtalik nang walang proteksyon habang siya’y nireregla, at saka nag-obula sa loob ng mga susunod na araw.

Huling paalala

Kahit na hindi malamang na mabuntis ang babae kung siya’y nakipagtalik nang walang proteksyon habang nireregla, may posibilidad pa rin na mangyari ito. Ang pagkamayabong ng babae ay nagbabago-bago sa buong siklo ng regla, at ilan sa mga kadahilanan na maaaring makaapekto dito ay ang haba ng kanyang mga siklo, kailan siya ay nag-obula, at kailan siya nakipagtalik.

Ang pagsubaybay sa mga siklo ng regla sa loob ng anim na buwan ay makakatulong sa iyo na matukoy kung kailan pinakamayabong at kailan hindi. Maaaring mangailangan ng mahabang panahon upang makita ang pattern.

Ang pinakamahusay na paraan upang matamasa ang pagtalik habang nireregla nang hindi nababahala na mabuntis ay ang paggamit ng mga kontraseptibo, tulad ng condom, IUD, mga pill, at injectable.

Maraming mga kontraseptibo na lubos na epektibo sa pagpigil sa mga hindi planong pagbubuntis, ngunit ang mga condom ay nag-aalok din ng proteksyon laban sa mga sexually transmitted infection (STI). Alamin ang higipt pa tungkol sa iyong mga pagpipilian at pag-usapan ito ng iyong kasosyo.

Mga pinagmulan:

https://kidshealth.org/en/teens/sex-during-period.html

https://www.healthline.com/health/pregnancy/sex-on-period#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/324829.php#summary

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon