fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Apat Na Pinakapangit Na Uri Ng Kapareha Sa Pagtatalik

sex partners, family planning, reproductive health

Ang pagtatalik ay isang masayang gawain. Walang makakatanggi sa katotohanang ito.

Gayundin, ito ay isang normal at malusog na bahagi ng buhay, kaya natural lamang na gusto mong gawin ito sa lahat ng oras. Mayroong mga hindi nasusulat na patakaran tungkol sa pagtatalik na dapat mong sundin, dahil ang totoo ay kailangan mong gawin ito kasama ang ibang tao para maging ganap itong pagtatalik – isa itong team work!

Dahil madalas itong iwasan sa mga usapan, marami ang walang sapat na kaalaman sa mahusay na pagtatalik, kadalasan, ito ang mga uri ng tao na pinaka-nakakawala ng ganang kasama sa pagtatalik. Ito ang mga taong kailanman ay walang gustong makipagtalik. Narito ang nangunguna sa listahan:

Ang maingay sa kama

Natural na magustuhan kapag ang iyong kapareha ay gumagawa ng ilang ingay upang ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa iyong talento sa kama. Gayunpaman, kapag ginagawa mo ito sa isang taong malakas ang bibig, nababaling ang iyong atensyon sa ingay at hindi sa kung ano ang tunay na nangyayari. Handa silang gumawa ng malakas na ingay sa loob ng dalawang minuto, ngunit maramdaman mo na palabas lamang ang lahat ng ito. Maaaring hindi mo na ulitin ang makipagtalik kasama sila.

Ang pulis sa kama

Ito ang nakakainis na kapareha na gustong lahat ng nangyayari ay ayon sa nais nila. Sasabihin nila kung ano ang gusto nila, at kung paano nila gustong mangyari ito, bibigyan ka nila ng isang aklat ng patakaran bago pa man magsimula ang pagtatalik ninyo. Ito ay tulad ng pakikipagtalik sa iyong punong-guro sa high school.

Ang makasariling kasintahan

Hindi mo rin sila matatawag na magkasintahan. Ang pinakapangit na uri ng mga kapareha sa pakikipagtalik ay ang mga taong nag o-orgasmo sa loob lamang ng unang limang minuto at iiwanan kang nalilito, galit, at hindi nasiyahan. Pagkatapos nilang magbulalas, siya ay matutulog o paaalisin ka sa kanyang bahay matapos niyang magamit ang iyong maselang bahagi para sa pansarili nilang kasiyahan.

Ang “patay na isda

Ang mga ‘’patay na isda’’ ay isang taong hahayaan kang gawin ang gusto mo nang walang sigasig, pagsisikap, o pakikilahok. Tila sila isang manikin na walang malay. Kung hindi mo pa naranasan ito, mapalad ka, sapagkat naiwasan mo ang maranasan ang katakot-takot na necrophilia.

Kung nabiktima ka ng alinman sa mga nabanggit, kaawa-awa ka kaya basahin mo ang mga palatandaang ito bago mahuli ang lahat. Gayunpaman, kung ikaw ay isa sa mga nabanggit na uri ng kapareha, sumailalim kaagad sa reporma sa sarili para sa kapakanan ng sangkatauhan!

Mga pinagmulan: https://www.cracked.com/blog/6-worst-kinds-sex-partners/

http://incognitoforwomen.com/once-upon-a-month-blog/gabi-unleashed/all-types-of-sexual-partners-the-best-the-worst-and-the-most-awkward/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon