fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Sino Puwedeng Gumamit Ng Mga Oral Contraceptive Pill?

oral contraceptive pills

Ang pill ay ang pinakakaraniwang kontraseptibong ginagamit ng mga babae sa Pilipinas, posible dahil madali itong gamitin ang mabili sa mga botika. Interesado ka bang gumamit ng mga pill? Bago magdesisyon kung ano ang gagamitin mo, mabuting alamin muna ang kaunting impormasyon tunkol sa iba’t ibang klase ng pill.

Mga klase ng pills

May dalawang pangunahing klase ng pill: combined oral contraceptive pill, at progestin-only pill. Naglalaman sila ng mga hormon na katulad ng mga likas na hormon na nililikha ng katawan ng babae.

Ano ang pinagkaiba nila?

Ang mga combined oral contraceptive pill (kilala rin bilang COC) ay naglalaman ng mababang dosis ng dalawang hormon — estrogen at progestin. Ang mga progestin-only pill ay naglalaman naman ng progestin lamang, walang estrogen.

Sino PUWEDENG gumamit ng mga combined oral contraceptive pills?

Halos lahat ng babae (single, taken, o may-asawa) ay puwedeng gumamit ng mga COC pill, kahit ‘yung mga:

  • Mayroon o wala (pang) anak
  • May asawa o wala
  • Kahit anong edad, pati ang mga dalaga at mga babaeng higit sa 40 taong gulang
  • Nakunan o nakaranas ng ectopic pregnancy
  • Nagsisigarilyo — basta hindi lalagpas sa 35 taong gulang
  • May anemia ngayon o dati
  • May mga varicose vein
  • Nabubuhay nang mga HIV, may antiretroval therapy man o wala

Sinong HINDI PUWEDENG gumamit ng mga combined oral contraceptive pills?

Ang mga COC pill ay hindi nirerekumenda sa ilang babae, lalo na kung siya’y:

  • Inatake sa puso, nakaranas ng stroke, o nagkaroon ng blood clot sa binti o baga
  • May kapamilya o kamag-anak na may blood clot sa binti o baga
  • Higit sa 35 taong gulang at nagsisigarilyo
  • Labis ang timbang
  • Nakakaranas ng mga migraine (matinding pananakit ng ulo)
  • May ginagamit na iba pang medikasyon o herbal medicine. Ipapaliwanag ito ng healthcare provider
  • May pilay sa binti at naka-cast o gumagamit ng wheelchair
  • Nagpapadede sa sanggol

Kung pasok ka man o hindi sa kahit anong sitwasyong binanggit sa itaas, mainam na makipag-usap muna sa iyong healthcare provider kung nais mong simulan gumamit ng mga COC pill. Maaaring kailangan suriin muna ang iyong medical history at pamumuhay bago ka payuhan kung puwede ka bang gumamit ng mga pill o hindi.

Sino PUWEDENG gumamit ng mga progestin-only pills?

Halos lahat ng babae ay puwedeng gumamit ng mga COC pill, kahit ‘yung mga:

  • Mayroon o wala (pang) anak
  • Nagpapadede ng sanggol
  • May asawa o wala
  • Kahit anong edad, pati ang mga dalaga at mga babaeng higit sa 40 taong gulang
  • Nakunan o nakaranas ng ectopic pregnancy
  • Nagsisigarilyo, kahit anong edad o dami ng nakokonsumong sigarilyo
  • May anemia ngayon o dati
  • May mga varicose vein
  • Nabubuhay nang mga HIV, may antiretroval therapy man o wala

Sinong HINDI PUWEDENG gumamit ng mga progestin-only pills?

Kung mayroon o nagkaroon ka ng kanser sa suso, o kung gumagamit ka ng herbal medicine, mabuting makipag-usap sa iyong healthcare provider ukol dito para malaman kung puwede sa iyo ang mga POP.

Mahalagang alamin mo muna kung anong pill ang babagay sa iyo bago ka mag-umpisa uminom. May ilang mga bagay na kailangan isaisip para malaman kung puwede ka bang gumamit ng mga pill. Huwag kang malungkot kung tingin mo hindi angkop sa iyo ang mga pill o kung hindi inirerekumenda ito sa iyo ng healthcare provider. Marami pang kontrasepsyon na maaaring pagpilian, at siguradong makakahanap ka rin ng bagay sa iyo. Makipag-usap sa iyong healthcare provider para mapayuhan nang mabuti.

Mga pinagmulan:

https://www.familyplanning.org.nz/advice/contraception/combined-oral-contraceptive-pill

https://www.fphandbook.org/who-can-and-cannot-use-combined-oral-contraceptives

https://www.fphandbook.org/who-can-and-cannot-use-progestin-only-pills

https://www.familyplanning.org.nz/advice/contraception/progestogen-only-contraceptive-pill

https://www.bedsider.org/features/1026-what-you-should-know-about-birth-control-when-you-have-a-disability

Please follow and like us:

4 thoughts on “Sino Puwedeng Gumamit Ng Mga Oral Contraceptive Pill?

  1. Hi po ako po si Daisy isang buwan na po akong hindi dinatnan ng regla. May likidong puti na malapot po ang patuloy na lumalabas sa aking pwerta posible po bang buntis ako? Salamat po.

  2. Ask Ko Lang Po Ahm 15 Years Old Po Ako At May Finger Po Na Ngangyari Samin Ng Karelasyon Ko First Time Kopo Nakaranas Ng Finger At Saglit Lang Po At Inalis Niya Narin Nag Babakasakali Lang Po Ako Kung May Posibilidad Po Na Mabuntis Ako Sa Pang Finger Lang Ayun Lang Po Ang Ginawa Namin At Wala Pong Pag Pasok Ng Ari Na Naganap Po Samin May Posibilidad Po Ba? Ohh Wala?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon