fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Buni Sa Ari

genital herpes, sti, sexually transmitted disease, reproductive health, family planning

Ang buni ay impeksyong dulot ng isang mikrobiyo na maaaring maging sanhi ng mga paltos o pigsa, at tinatawag na buni sa ari kapag ang mikrobyo ay napunta na sa ari.

Paano Ito Makuha

Ang anumang pakikipag-ugnay sa balat ng mga nahawaang lugar ay maaaring makapasa ng buni, kahit na ang taong may buni ay walang nakikitang mga sugat o iba pang mga sintomas.

Larawan mula sa: https://www.webmd.com/sexual-conditions/ss/slideshow-std-pictures-and-facts

Kapag nahawaan ng buni, ang mikrobyo ay palagi nang na sa iyong katawan, kaya maaari itong mapasa sa pamamagitan ng oral, vaginal, o anal sex.

Ang buni sa bibig, impeksyon sa mga labi, bibig o gilagid na nagiging sanhi ng mga paltos, ay maaaring kumalat mula sa bibig patungo sa ari kapag nag-oral sex, at magdulot ng buni sa ari. Gayundin, ang buni sa ari ay maaaring mapasa mula sa ari ng isang tao sa bibig ng ibang tao, at maging sanhi ng buni sa bibig.

Ano Ang Mga Sintomas

Ang ilang mga tao ay walang sintomas, ngunit maraming mga tao na mayroong buni ang nagkakaroon ng mga pigsa o paltos sa kanilang mga labi, loob ng bibig, loob ng ari, hita, o puwit.

Ang mga pigsa o paltos na ito ay naiiba para sa lahat—ang ilang mga tao ay nakakakuha ito nang isang beses lamang, at ang iba naman ay nakakaranas ng mga “pagsiklab” ng buni nang maraming beses sa kanilang buhay.

Paano Ang Pagsuri Nito

Kung mayroon kang mga pigsa o paltos na sa tingin mo ay maaaring buni, ipakonsulta sa iyong doktor. Maaari silang magpasya na kumuha ng sampol mula sa bukas na sugat gamit ang isang cottonbud. Kung wala kang mga sintomas, maaaring kuhanan ka ng sampol ng dugo upang masuri para sa buni—ngunit ang mga resulta ay hindi palaging tiyak.

Paano Mapuksa Ito

Kapag nakakuha ka ng buni, habang buhay na ang mikrobyo sa katawan mo. May mga gamot na makakatulong sa pagbilis ng paghilom ng mga sugat, at maaari makabawas sa peligro na mahawaan ng buni ang kasosyo kung iinumin mo ang gamot araw-araw. Ang mga gamot na ito ay maaari ring gawing mas madalang at komportable ang mga pagsiklab ng buni.

Kung ang isang tao ay nagkakaroon ng pagsiklab (bukas na mga paltos o pigsa), ang pinakaligtas na gawin ay ang pag-iwas makipagtalik. Ngunit tandaan, ang buni ay maaari pa ring nakakahawa kahit na bago pa makita ang bukas na paltos, kaya ang paggamit ng condom ay ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang impeksyon.

Pinagmulan:

http://www.teensource.org/std/herpes

Please follow and like us:

13 thoughts on “Buni Sa Ari

    1. Pasensya na po at hindi kami maaaring magreseta ng gamot dahil hindi po kami mga doktor. Mainam na magpasuri muna sa malapit na health center para mapayuhan sa angkop na lunas.

  1. Hi po mahapdi ang maselang parte ng aking katawan pag ako ay umiihi at makati sya meron din parang singaw kaya sya mahapdi ano ang dapat gawin doc?

    1. Hi, Ednalyn! Paalala lang po na hindi kami mga doktor. Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

  2. Hii.. meron buni sa masilang parte Ng katawan ko. Una parang kunting bilog Lang sya kaya hinayaan ko Lang. Pero ngayon lumala, kumalat na sya at di ko Alam Kong panu Ito mawala, o gamutin.. plss tanong ko Lang po Kong Anu an masmaiging panglunas para mawala an buni.

    1. Hi Gilbert! Habang hindi pa tukoy ang iyong nararamdaman, iwasang gumamit ng kung ano mang gamot. Subukang ipatingin muna ito sa iyong doktor upang mabigyan ka ng karampatang gamot para mapagaling ito.

  3. Biglang may tumubo butlig malapit sa aking Ari maliit at tiniris ko may Nana na laman at dugo parang tagyawat ano po kaya Ito. Matagal namn na ako wlang sexlife

    1. Hi Bravo! Kung wala ka namang sex life o natatandaang nakatalik na suspetsya mong may STI, baka ibang bagay nga lang ito tulad ng tigyawat. Bantayan mo na lang muna at kung hindi gumaling ng kusa, ipatingin sa doktor.

  4. may patches sa aking pwet kaso lumalala lng to at makati kapag nagkakaroon aq ng period o naglalabas aq nga white mens….may mga gamot aqng natry peo bumabalik prn nd nmn xa ngspread sa pwet lng tlga minsan sa singit peo nawawala din…..ano dpt kung gawin….nakakaconcious kz nd aq makapag swimsuit dhil doon….natry qn magpadoctor peo nd effect ung binibgay na pangpahid..ano gagawin q…

    1. Hi Shiela! May ilang impeksyon na posibleng magsanhi sa mga butlig butlig sa gilid ng ari at pwerta. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Makati po ba ang mga ito? Mainam na magpunta kaagad sa obgyn para masuri at mapayuhan kung ano pwedeng solusyon. Sa ngayon, laging maghugas ng kamay, iwasan kamutin ang mga butlig, huwag muna makipagtalik, at palaging siguraduhin na malinis ang ari at ang panty na sinusuot.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon