Sa kabila ng kung ano ang sinasabi ng mga patalastas, ang iyong ari ay hindi dapat kasing amoy ng “mga sariwang bulaklak.” Ang pag-aalaga ng iyong ari ay napaka-simple, at hindi mangangailangan ng mga mamahaling produkto — ngunit dapat bang hinuhugasan ang iyong pwerta? Hindi, ngunit ang iyong vulva ay kailangang hugasan.
Ang pwerta (vagina) at bulba (vulva)
Kaya ano ang pagkakaiba? Ang pwerta ay ang panloob na kanal sa loob ng iyong katawan. Ang bubla ay tumutukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae sa labas ng ari, tulad ng:
- Klitoris
- Klitoral hood
- Ang panloob at panlabas na labia
Mabuting hugasan ang mga bahaging ito, ngunit hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa iyong pwerta; kaya nitong alagaan ang sarili.
Likas na kapaligiran ng pwerta
Ang pwerta ay gumagawa ng sarili nitong mabuting bakterya at likas na uhog na tumutulong mapanatiling malinis ang sarili. Ang paggamit ng sabon sa paghuhugas ng iyong pwerta ay maaaring hadlangan ito sa paggawa ng sariling mga tungkulin sa paglilinis at sirain ang likas na balanse nito. Kung nais mong panatilihing malusog ang pwerta, hayaan itong gawin ang sariling trabaho.
Paghugas ng iyong bulba
Palaging pinapaisip sa atin ng lipunan at kultura na marumi ang ari ng babae, ngunit hindi talaga nangangailangan ng matinding pagkuskos o malupit na mga produkto upang malinis ito. Paano ba talaga dapat linisin ang bulba?
- Gumamit ng maligamgam na tubig at banayad na sabon. Sapat na ang maligamgam na tubig pang linis ng iyong bulba; ngunit kung mas komportable sa paggamit ng sabon, gumamit ng banayad at walang halong pabango. Hindi dapat masyadong mainit ang tubig at dapat ibanlaw nang husto ang sabon.
- Maging banayad. Dahan-dahang ibuka ang mga labia gamit ang mga daliri, at hayaan lamang ang maligamgam, at mabulang tubig na dumadaloy sa paligid ng klitoral hood at sa pagitan ng labia — hindi na kailangan ng pagkuskos! Sensitibo ang balat at hindi na kailangan ng washcloth o loofah. Gayundin, siguraduhin na hindi papasok ang sabon sa pwerta. Mahusay din na hugasan ang anus at ang lugar sa pagitan ng anus at bulba. Kung gagawin mo ito, tandaan na maghugas mula sa harap papuntang likod upang iwasan mapunta ang bakterya ng anus sa pwerta at yuritra.
- Dampiin para matuyo. Matapos mong lubusang hugasan ang iyong bulba, dampiin ito gamit ang isang malambot na tuwalya para matuyo.
- Magsuot ng malinis at gawa sa cotton na panty. Matapos maligo o hugasan ang iyong bulba, tiyakin na ang panty na iyong isusuot ay malinis at nalabhan. Ang panty gawa sa cotton ay ang pinakamabuti dahil sa ganitong uri ng materyal “nakakahinga” ang iyong ari.
Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kung ikaw ay nireregla. Maaari mo ring hugasan ang iyong bulba nang higit sa isang beses sa isang araw kung nais manatiling presko o nag-aalala ka na mangamoy.
Ano ang Iwasan
- Douching. Ang douching ay ang pag-agos ng tubis sa loob ng pwerta upang ito ay “malinis” at maalis ang natural na mga uhog. Ginugulo nito ang likas na kapaligiran ng pwerta at ang mga bakterya na nagpoprotekta dito, kaya mahihirapan ito na linisin ang sarili. Mas mabuting iwanan ang paglilinis sa pwerta — alam nito kung ano ang gagawin.
- Mga feminine spray at wash. Ang mga produktong tulad ng feminine spray at wash ay karaniwang may mga pabango at kemikal na maaaring maging sanhi ng pangangati o iritasyon sa sensitibong balat ng iyong ari. Kung nag-aalala ka tungkol sa amoy, hugasan nang regular ang iyong bulba gamit ang maligamgam na tubig, o gumamit ng banayad ata walang pabangong sabon..
- Vaginal steaming. Ang vaginal steaming ay ang pagkulo ng mga herb sa mainit na tubig at pag-upo sa ibabaw ng tubig upang dumaloy ang singaw sa loob ng pwertai. May mga nagsasabi na nakakatulong ito sa pananakit ng puson, kabag, at iba pang mga kondisyon, ngunit walang mga pag-aaral na patunayan na ang vaginal steaming ay nakakatulong na mapabuti ang kalusugan ng ari. Maaaring masunog ng mainit na singaw ang sensitibong tisyu ng pwerta at makagambala sa likas na kapaligiran, kaya hindi inirerekumenda na mag-vaginal steaming.
- Masikip na damit. Ang masikip na damit ay maaaring pigilan ang likas na bentilasyon, at maaaring gawing makati, mainit-init, at mahalumigmig ang iyong ari — sa ganitong kapaligiran karaniwang lumalago ang mga bakterya. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip at mamasa-masang damit nang matagal upang mapanatiling presko ang iyong ari.
Mga Pinagmulan:
https://www.healthline.com/health/how-to-clean-your-vagina#steaming
https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/
Hello po i have a question po paano po yun naghuhugas po kasi ako ng loob ng pwerta siguro 3years nadin nasanay nalang po. Kelangan po ba talagang hugasan ang loob ng pwerta? O sa labas lang po talaga ang iniisip kopo kasi pag di hinugasan ang loob ng pwerta pag akipagtalik mangangamoy thankyou po sa sagot
Hindi po kailangan linisan ang mismong loob ng pwerta dahil kaya nito linisan ang sarili. Dapat po ang labas lamang ng ari ang hugasan.
Hello po. Ask ko lang po if normal lang ba na mangamoy malansa amg pechay? I mean, last week po katatapos lang ng mens ko tapos noong nagtalik po kami ng boyfriend ko sabi nya simula nung last na regla ko nag iba raw po ng amoy pero lagi naman po akong naghuhugas ng pechay after po namin. Salamat po.
Hi, Ann! May ilang mga pagkain, gamot, at impeksyon na posibleng sanhi ng mabahong vaginal discharge. Mainam na makipag-ugnay sa OB/GYN kaagad upang masuri kung ano ang sanhi ng iyong nararanasan at mapayuhan ka kung ano pwedeng gamot. Siguraduhin rin na palaging malinis ang ari sa pamamagitan ng paghugas nito araw-araw. Gumamit lamang ng maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nakakapunta sa doktor. Basahin niyo rin po ito: https://doitright.ph/tl/ibat-ibang-amoy-ng-ari-at-ang-kanilang-mga-sanhi/