fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang COVID-19 na Pandemya At Kontrasepsyon: Mga Dapat Malaman

The COVID-19 Pandemic and Contraceptives

Ligtas bang gumamit ng kontrasepsyon at family planning habang naka-quarantine?

Oo. Lahat ng modernong kontraseptibo ay ligtas gamitin kahit saan at kahit kailan, kahit habang naka-enhanced community quarantine.

Kung ikaw ay nanganak sa loob ng nakaraang anim na buwan, mayroong kondisyon sa kalusugan gaya ng diyabetis, altapresyon, o kanser sa suso, o ikaw ay naninigarilyo, mainam na kumonsulta sa health care professional para masiguro na ang gusto mong kontraseptibo ay bagay at ligtas para sa iyo.

Ayaw ko mabuntis habang quarantine. Ano puwede kong gawin?

Dapat mong ituloy o umpisahan gamitin ang napili mong kontraseptibo kung hindi mo nais mabuntis. Makakakuha ka ng impormasyon at serbisyo ukol sa kontrasepsyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa healthcare provider.

Kung walang paraan para makipag-ugnay sa healthcare provider, puwede kang gumamit ng kontraseptibo na hindi mangangailangan ng reseta (gaya ng mga condom) mula sa parmasya o drugstore malapit sa iyo.

Wala akong paraan para makakuha ng kontraseptibong nais kong gamitin. Ano puwede kong gawin?

Kung walang paraan para makakuha ng kontraseptibong nais mong gamitin — baka dahil kailangan mo ng reseta o nakukuha mo lang ito sa mga health worker — maaaring gumamit ng mga condom o fertility awareness-based method. Maaari mo ring subukan makipag-ugnay sa iyong healthcare provider para magtanong kung puwede ka ba nila bigyan ng reseta sa pamamagitan ng cellphone o chat.

Ano ang pinakamabuting gamitin na pamamaraan ng kontrasepsyon ngayon quarantine?

Lahat ng modernong pamamaraan ng kontrasepsyon ay epektibong nakakatulong iwasan ang pagbubuntis, basta tama at palagi mo itong ginagamit. Ang pinakamabuting kontraseptibo ay siyang nababagay sa iyo.

Maraming modernong pamamaraan ng kontrasepsyon na puwede pagpilian. Basahin ang higit pang impormasyon dito.

Ang mga condom, kung tama ang paggamit palagi, ay ang tanging kontraseptibo na nakakapigil sa hindi planadong pagbubuntis at sa paghawa ng mga sexually transmitted infection, kasama ang HIV. Maaari ring silang gamitin kasabay ng ibang kontraseptibo para masiguro na mayroong proteksyon laban sa pagbubuntis at mga STI.

Ang Yuzpe Method ay isang pamamaraan ng emerhensyang kontrasepsyon na hanggang 88 porsyentong mapipigilan ang pagbubuntis kung ginawa sa loob ng 72 oras (tatlong araw) pagkatapos ng hindi protektadong pagtatalik. Puwede mo pang malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa Yuzpe Method dito

Nais kong palitan ang pamamaraan ng kontrasepsyon ko — posible ba?

Oo. Ngunit, maaaring mahirapan makakuha ng iba pang kontraseptibo habang quarantine dahil sa mga paghihigpit, limitasyon ng mga mabibili, at nadagdagang gawain ng mga health provider at medikal na pasilidad.

Kung mayroon kang kondisyon sa kalusugan o ikaw ay kapapanganak pa lang at nagpapadede, kumonsulta sa healthcare provider para malaman kung ano ang puwede mong pagpilian, at ano ang mabibili mo.

Nais kong alisin o papalitan ang IUD ko — puwede ko ba itong gawin habang quarantine?

Posibleng hindi uunahin ng mga doktor ang pag-alis ng mga pangmatagalang kontrasepsyon tulad ng IUD habang quarantine. Humingi ng payo sa iyong healthcare provider ukol dito.

Kung hindi mo mapaalis ang iyong pangmatagalang kontrasepsyon dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa, mahalagang gumamit ng ibang kontraseptibo para maiwasan ang pagbubuntis ngayong panahon.

Hindi makakasanhi ng lubhang medikal na problema ang pagkakaantala sa pagtanggal ng iyong pangmatagalang kontrasepsyon. Huwag mong susubukan alisin ito nang sarili; hintayin na makapunta sa healthcare provider para mapaalis ito.

Pinagmulan:

https://www.who.int/news-room/q-a-detail/contraception-family-planning-and-covid-19

Please follow and like us:

6 thoughts on “Ang COVID-19 na Pandemya At Kontrasepsyon: Mga Dapat Malaman

  1. Exclusive breastfeeding po ako then 5 months after giving birth to my first born , bumalik po yung period ko . Gumagamit po ako ng pills for breastfeed moms , nung una po yung sa health center gamit ko pag magkaka period ako mahina lang po tas nung nag start po ako bumili sa botika ng pills never na po akong nagkaron pero hindi naman po ako buntis .

    1. Hi Angelica! Normal pong datnan o hindi datnan ng regla kapag tuloy-tuloy ang paginom ng pills. Wala pong kinalaman ang brand ng pills dito. Ituloy lang po ang paginom ng pills.

  2. Pag once na nagpalagay po ba ng IUD buwanan po ba ang menstruation?at ano ano po ang side effects ng paggamit ng IUD?kahit po ba hindi gumamit ng condom ang male partner Hindi po mabubuntis?and how long is the effectivity of IUD?

    1. Hi Heart! Dapat po kasi maghugas ng ari palagi. Araw-araw hugasan ang iyong ari gamit ang malinis at maligamgam na tubig. Dahan-dahan ito dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon