fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Limang Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Orgasmo Ng Babae

female orgasm, orgasm, sex, reproductive health, family planning

Para sa karamihan ng mga tao, nababalot ng maraming misteryo ang orgasmo ng babae.

Ang kasiyahan ng mga babae ay isang bagay na hindi karaniwang pinag-uusapan, at kung paano ang orgasmo nila ay isang bagay na hindi rin madalas na tinatalakay. Kaya narito ang limang pangunahing mga bagay na dapat malaman tungkol sa orgasmo ng babae upang matiyak na natutupad ang gusto mo o ang mga pangangailangan ng iyong kasosyo!

Bigyang-Pansin Ang Klitoris!

This image has an empty alt attribute; its file name is Anatomy-of-Human-Vagina-min-4-1024x869.jpg

Ang klitoris ay mukhang isang maliit na usbong, at matatagpuan sa itaas ng pagbubukas ng ari, na nakatago sa pagitan ng bandang itaas na bahagi ng labia. Kapag ang isang babae ay napukaw, ang klitoris ay namamaga kapag pinapasigla, na katulad ng ari ng lalaki. Ang klitoris din ang tanging organo ng tao na walang ibang tungkulin maliban sa magbigay ng kasiyahan. Ito ay may libu-libong mga dulo ng nerbiyo, na ginagawang napaka-sensitibo sa hawak.

Kapag natagpuan ang klitoris, may mga paraan upang pasiglahin ito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga kamay, bibig, o iba pang mga bahagi ng katawan. Ang pagtuon sa pagpapasigla sa klitoris ay hindi lamang nakakatulong sa pagpukaw, ngunit maaaring magresulta rin sa orgasmo.

Nakakalungkot sabihin na pinapakita ng ilang pananaliksik na ang klitoris ay madalas na hindi nabibigyang-pansin sa panahon ng vaginal penetration (na akala ng mga tao ay ang tanging diwa ng pagtatalik), at sa gayon ang karamihan sa mga babae ay hindi nakakaranas ng mga orgasmo sa kanilang kasosyo. Ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpukaw ng klitoris ay mahalaga para sa orgasmo ng babae; gayunpaman, tandaan na ang babae ay hindi limitado. Ang klitoris ay maaaring isa sa mga pinaka-erotikong bahagi ng katawan, ngunit tiyak na hindi ito nag-iisa.

Ang Orgasmo At Pagbulalas Ay Magka-Ibang Bagay.

Para sa mga lalake, ang orgasmo at pagbulalas ay kadalasang nangyayari nang sabay, kung kaya’t mas madaling matukoy kung kailan nag-oorgasmo ang lalake. Ngunit para sa karamihan sa mga babae, mas karaniwang mangyari ang orgasmo nang walang pagbulalas, kung kaya’t hindi ito dapat gamitin bilang tanging tanda kung naabot na ng isang babae ang orgasmo. Bilang isang lipunan, tinuruan at natututo tungkol sa orgasmo sa tuntunin ng bulalas lamang, at hindi sa tuntunin ng kasiyahan. Para sa kadahilanang ito, ang karamihan sa mga tao ay walang kamalayan sa kung ano ang nangyayari sa isang orgasmo ng babae.

Kapag ang nag-oorgasmo ang isang babae, pinapakawalan ng katawan ang mga namuong tensyon sa mga kalamnan sa ari, balakang, hita, at puwit. Sa panahon ng isang orgasmo, ang matris, ari, at anus ay humihigpit nang sabay-sabay sa isang serye ng mga maikling agwat (na nagreresulta sa isang nakakabagbag-damdaming pakiramdam). Ang iba pang mga kalamnan sa katawan, tulad ng mga paa o mukha, ay maaari ring makaranas ng mga hindi sinasadyang paghihigpit ng kalamnan. Samakatuwid, kung naghahanap ng mga palatandaan ng orgasmo ng babae, obserbahan ang paghihigpit ng mga kalamnan sa halip ng pagkakaroon ng pagbulalas.

File:Phases of sexual arousal and female orgasm.png - Wikimedia ...
Image: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Phases_of_sexual_arousal_and_female_orgasm.png

Halos Bawat Babae Ay May Kakayahang Magkaroon Ng Isang Orgasmo.

Ang katawan ng bawat babae ay naiiba, ngunit halos lahat ng mga babae ay may kakayahang mag-orgasmo. Dahil mas matagal para sa mga babae maabot ang orgasmo kaysa sa mga lalake, at dahil ang penetration lamang ay bihirang magreresulta sa orgasmo, akala ng mga tao na ang mga babae ay hindi maaaring mag-orgasmo—ito ay hindi totoo. Ang pag-unawa kung paano nangyayari ang orgasmo ng babae at kung ano ang mga bahagi ng katawan na nakakaramdam ng kasiyahan ay mahalaga upang maalis ang ideya na ang mga babae ay hindi kayang mag-orgasmo. Hindi lamang ito para sa mga magkasosyo; mahalagang alamin ang iyong sariling kasiyahan at kung ano ang nakakapukaw sa iyo upang matulungan ang isang kasosyo na magbigay sa iyo ng kasiyahan.

Ang Utak Ay Ang Pinakamalakas Na Organo Na Sekswal.

Ang orgasmo ay hindi lamang isang pisikal na pandamdam. Tulad ng maraming iba pang mga bagay, ang katawan at isip ay konektado rin pagdating sa pag-orgasmo. Halimbawa, kapag ang isang tao ay balisa, ang mga orgasmo ay hindi kasing sarap, o maaaring mas mahirap makamit dahil ang utak ay nababahala. Ang mga babae ay maaari ring magambala sa kasiyahan dahil baka wala silang kumpiyansa sa sarili o nag-aalala na hindi nila mapapasaya ang kasosyo. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang magkaroon ng kasosyo na nagpapasaya sa iyo at nagbubuo ng kumpyansa mo. Ang iyong damdamin ay nakakaapekto sa pagkilos ng katawan.

Hindi Lahat Ng Mga Orgasmo Ay Pantay.

Ang babae ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang klase ng orgasmo—sa katunayan, walang dalawa ang magkatulad! Minsan ang mga orgasmo ay maaaring maliit at mahina, o malakas at napakasarap. Sa katotohanan, hindi lahat ng mga orgasmo ay pare-pareho ang lakas at sarap. Hindi ito batay sa kasarian; ngunit sa kalamnan, pagpukaw, paraan ng pagpapasigla, at iba pang mga kadahilanan. Gayunpaman, ang mga babae ay napipilitan isipin na lahat ng mga orgasmo ay sobrang lakas at sarap, na isang hindi makatotohanang inaasahan, at maaaring hindi rin nakukuha ang uri ng pagpapasigla na nagreresulta sa mas malakas na orgasmo.

Ngunit posible na gawing mas mahusay ang mga orgasmo—sa pamamagitan ng pagranas nito nang mas madalas! Maaaring sa pamamagitan ng pagbati o kapag kasama ang kasosyo. Makakatulong sa babae na mas malaman nang mabuti kung ano ang nagbibigay sa kanya ng mas malakas na orgasmo, tulad ng isang partikular na posisyon ba o uri ng pagpapasigla.

Komunikasyon ay ang susi, kaya kung nais mong makaranas ng orgasmo nang mas madalas, makipag-usap sa iyong kasosyo!

Mga pinagmulan:

http://www.indiatimes.com/health/healthyliving/importance-of-clitoral-stimulation-in-female-orgasm-241054.html

http://health.howstuffworks.com/sexual-health/sexuality/orgasm-dictionary2.htm

http://elitedaily.com/dating/facts-about-the-female-orgasm/1238948/

https://www.bustle.com/articles/95868-what-does-an-orgasm-feel-like-for-a-woman-6-things-to-know-about-coming

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon