fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Limang Sabi-Sabi Tungkol Sa Pag-Iwas Sa Pagbubuntis

myths, pregnancy, contraceptive, family planning, reproductive health

Bagaman ang modernong kontraseptibo ay gumagawa ng mahusay na trabaho, ang mga sabi-sabi tungkol sa kung paano maiwasan ang pagbubuntis ay nagpapatuloy pa rin. Narito ang lima sa pinakakaraniwan.

Katha #1 Kung ang lalaki ay hinugot ang kanyang ari palabas bago magbulalas, hindi mabubuntis ang babae — MALI!

Ang paraang ng paghugot bago magbulalas (o ejaculate), habang mas mabuti kaysa sa wala, ay may mas mataas na tsansang mabigo kaysa sa iba pang mga pamamaraan dahil:

  1. Mahirap humugot nang perpekto at sa tamang oras bago magbulalas—nangangailangan ito ng matinding kontrol sa sarili. Kung ang isang lalake ay hindi nakahugot sa tamang oras, ang maaaring kahihinatnan ay hindi planadong pagbubuntis.
  2. Kung ang isang lalaki ay kamakailan na nagbulalas, maaaring mayroong natitirang esperma sa kanyang yuritra. Sa isang pag-aaral, isa sa tatlong lalake na lumahok ay may buhay na esperma sa pre-cum (likidong lumalabas sa ari bago ng mismong pagbulalas). Samakatuwid, maaaring magpakawala ng esperma kasama ang mga patak ng likido na lumalabas sa ari ng lalaki bago pa ang mismong pagbulalas.

Sa karaniwang paggamit, ang paraan na ito ay may 22 porsyentong tyansa na mabigo. Ngunit kung ang lalaki ay magagawang humugot nang perpekto sa oras (na medyo mahirap!), ang tsansang mabigo ay 4 porsyento lamang.

Katha #2 Kung ang babae ay makikipagtalik habang siya ay nireregla, hindi siya maaaring magbuntis — MALI!

Bagaman mas madalas na hindi, posible pa ring mabuntis ang isang babae habang siya ay nireregla. Ang siklo ng regla ay maaaring na sa pagitan ng 21-35 araw ang haba, at posible para rin na mag-ovulate sa iba’t ibang mga punto sa bawat siklo. Ang obulasyon ay ang pag labas ng hinog na selulang itlog mula sa obaryo, na kung kailan posible mabuntis. Kung ang isang babae ay nag-ovulate kaagad matapos ang kanyang regla, posible na mabuntis siya dahil ang esperma ay maaaring mabuhay sa katawan ng babae hanggang limang araw pagkatapos ng pagbulalas. Mahalaga ang ligtas na pagtatalik para sa parehong kasosyo, at subukan gumamit ng kontraseptibo kung nais niyo maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.

Katha #3 Hindi maaaring mabuntis ang babae sa una niyang pagkakataon maranasan makipagtalik — MALI!

Sa sandaling magsimula ang pagregla ng babae, may kakayanan na siya magdalang-tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik nang walang proteksyon. Sa katunayan, ang tsansang mabuntis sa unang pagkakataon na makipagtalik ay pareho sa bawat beses na makipagtalik!

Katha #4 Kung hinugasan ng babae ang kanyang ari o nagbanyo pagkatapos ng pagtalik, binababa niya ang tsansang mabuntis — MALI!

Ang paghuhugas ng ari ay hindi nakakabawas sa tsansang mabuntis dahil ang esperma sa semilya ay agad na lumalangoy papasok ng matris pagkatapos ng pagbulalas. 

Ang paggamit ng banyo pagkatapos ng pagtalik ay nakakabawas sa panganib na magka-impeksyon, ngunit hindi ang pagbubuntis dahil ang ihi ay lumalabas sa yuritra, hindi sa ari (kung saan pumapasok ang semilya).

Katha #5 Kung ang lalaki ay nagbati bago makipagtalik, hindi mabubuntis ang babae dahil humina ang esperma — MALI!

Mas malaki ang tsansang mabuntis ang babae kapag nakipagtalik nang walang proteksyon sa isang lalaki kakatapos magbati.

Kung ang isang lalaki ay nagbulalas kamakailan (sa nakaraang ilang oras lamang), maaaring may natirang esperma sa yuritra, at ilabas sa mga patak ng likido na lumalabas ng ari bago ang mismong pagbulalas. Kung hindi gumagamit ng kontraseptibo, at umaasa lamang sa paghugot bago magbulalas, maaari pa ring mabuntis kahit sa labas ng ari ng babae mangyari ang mismong pagbulalas.

Pinagmulan:

https://www.insider.com/pregnancy-prevention-myths-busted-2018-12#myth-iuds-arent-worth-it-for-preventing-pregnancy-because-they-can-cause-infection-11

https://www.verywellhealth.com/common-birth-control-myths-and-sex-myths-906688

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon