ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Orgasmo Ng Lalaki

reproductive health, family planning, orgasm, male orgasm, orgasmo

Ang pinaka-halatang senyales ng seksuwal na pagkapukaw sa mga lalaki ay ang pagtigas ng ari. Ang ari ng lalaki ay tumitigas dahil sa karagdagang dugo na dumadaloy rito.Habang napupuno ng dugo ang mala-esponghang laman sa loob, nagkakaroon ng presyon sa mga ugat sa ari (ng lalaki) na pumipigil sa dugo mula sa pag-agos na nakakatulong upang panatilihing itong matigas.

Kapag ang ari ay nagsimulang tumigas, may ilang patak ng malinaw at madulas na likido na maaaring lumabas sa dulo ng ari. Ito ay tinatawag na pampadulas o “pre-cum” at tumutulong na gumawa ng mas kaunting kiskis tuwing nagkakaroon ng seksuwal na aktibidad.

Para sa mga lalaki, ang orgasmo ay nangyayari sa dalawang pangunahing yugto.

Sa unang yugto, ang semilya ay umaagos patungo sa isang bahagi na malapit sa puno (base) ng ari ng lalaki. Kapag nangyari ito, mararamdaman ng lalaki na malapit na siyang labasan. Ito ay madalas tawaging “punto na walang balikan” dahil kapag ang semilya ay nakarating sa bahaging ito, hindi na niya mapipigilang labasan.

Sa ikalawang yugto, ang puno (base) ng ari at mga kalamnan sa balakang (pelvic area) ay dumadaan sa isang serye ng mga pag-urong (contraction — 5 hanggang 8 sa karaniwan), na nagiging sanhi upang ang semilya ay lumabas sa ari.

Ang semilya ay maaaring tumalsik o tumulo. Sa kalagitnaan ng orgasmo, ang katawan ng lalaki ay maaaring tumigas o kaya naman ay maaari siyang magkaroon ng bahagyang kontraksiyon. Pagkatapos niyang labasan, magrerelaks ang kanyang katawan at babalik sa karaniwang laki ang ari.

Pinagmulan: https://www.everydayhealth.com/sexual-health/the-male-orgasm.aspx

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon