fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Maramihang Orgasmo sa mga Lalaki? Oo, Posible!

Kung inaakala mo na ang orgasmo at pagbulalas (ejaculation) ay magkapareho lang, panahon na para malaman mo na hindi sila magkapareho. Ang orgasmo ay ang sensasyon na nangyayari sa 2 hanggang 7 segundo bago ang pagbulalas. Ang pagbulalas ay ang paglabas ng semilya at paglagay ng katawan sa yugto kung saan nagpapahinga at bumabawi ito ng lakas – ito ay tinatawag na refractory period.

At kung inaakala mo rin na hindi posibleng mag-orgasmo na walang pagbulalas, mali ka ulit. Pwede ka makaranas ng higit sa isang orgasmo nang walang pagbulalas sa isang sesyon ng pakikipagtalik. Ang tawag dito ay Non-ejaculatory Multiple Orgasms o NEMO.

Ano ang non-ejaculatory multiple orgasms?

Ang Non-Ejaculatory Multiple Orgasms o NEMO ay ang pagkaranas ng maraming orgasmo nang hindi nilalabasan ng semilya o pagbulalas.

Ang mga lalaki ay nakakaranas ng orgasmo ilang segundo bago lumabas ang kanilang semilya. Ito ang mga sandali na nakakaranas ang kanilang katawan ng pagiging sensitibo, pagbilis ng paghinga, at kakaibang pakiramdam mula sa bayag papunta sa kanilang ari. Kadalasan, nagtatapos ito sa paglabas ng semilya at susundan na ng refractory period.

Hindi tulad ng orgasmong may pagbulalas, ang NEMO ay walang refractory period o ang panahon na kung saan magpapahinga muna ang katawan ng lalaki at hindi muna makakaramdam ng pagkapukaw na sekswal.

Pero, ang mararamdamang orgasmo sa NEMO ay hindi kasing tindi ng normal at karaniwang orgasmo, kaya huwag ring masyadong taasan ang pag-asa dito.

Paano magagawa ang NEMO?

Patibayin ang Pelvic floor na muscle

Upang magawa ang maraming orgasmo, kinakailangan mong gawin ang ilang ehersisyong makakapagpatibay ng iyong pelvic floor na muscle o kalamnan, o ang muscle na nasa pagitan ng iyong pubic bone papunta sa tailbone.

Isa sa mga ehersisyong ito ay ang kegel exercise, na magagawa sa pamamagitan ng paghigpit at pagpigil ng iyong pelvic floor na muscle o tulad ng pagkontrol ng daloy ng iyong pag-ihi sa loob ng ilang segundo. Ito ay magagawa kahit saan, kahit sa iyong mesa sa opisina, sa loob ng sasakyan, o habang nanonood ng mga iba’t-ibang sports.

Magsanay na pigilin ang iyong pagbulalas

Ang pagpigil ng iyong pagbulalas ay hindi pareho sa pagpigil ng iyong orgasmo. Importanteng malaman muna ang pagkakaiba ng dalawang ito upang matutunan at maranasan ang maraming orgasmo.

Ang teknik na dapat mong sanayin ang sarili mo ay tinatawag na “edging”. Ito ay kung saan biglang ihihinto ang sekswal na istimulasyon bago umabot sa punto ng pagbulalas. Ito ay maaaring kasanayan sa pamamagitan ng pagbabati at pag-abot sa puntong ito ng mga lima o anim na beses.

Bantayan ang iyong paghinga

Ang iyong kontrol sa iyong paghinga tuwing nakikipagtalik o nagbabati ay maaaring makaapekto sa kung kailan ang pagbulalas mo. Ang mabilis na tibok ng puso at mabilis na paghinga ay maaaring makapagpalabas ng iyong semilya nang mas maaga. Ang susi sa matagumpay na maramihang orgasmo ay ang mabagal at kontroladong paghinga, dahil napapabagal din ito ng tibok ng iyong puso.

Sanayin upang mas mapalakas

Kung sa tingin mo ay kaya mo nang magawa ang non-ejaculatory orgasm, maaari mo na itong kasanayan hanggang sa mas tumindi pa ang kaligayahan na nararamdaman mo rito.

May ilang mga lalaki ang hindi kaagad nakakaramdam ng inaasaahang kaligayahan sa NEMO sa unang pagsubok nila dito. Ang pagsasanay dito ay makakatulong upang maranasan ang totoong kasiyahang sekswal na maidudulot nito at maaari ring matutunan kung paano mapapatagal ito.

Mag-enjoy sa proseso ng pagkatuto

Ang maramihang orgasmo ay maaaring mahirap at imposibleng gawin sa una, pero magagawa ito ng maayos sa tamang pagsasanay. Mabuti rin na malaman ang pagkakaiba ng NEMO sa karaniwang orgasmo ng mga lalaki, dahil ito ang unang hakbang upang matutunan at magawa ang maramihang orgasmo.

Maaari ring hindi agad ito maging kaaya-aya sa una, kaya huwag mawalan ng gana kapag sinusubukang gawin ito. Ang proseso ng pag-aaral at pagsasanay kung paano patitindihin at pahahabain ang bawat orgasmo ay kaliga-ligaya ring tunay.

Pinagmulan:

https://www.mindbodygreen.com/articles/multiple-orgasms-for-men-guide

https://www.menshealth.com/sex-women/a19545094/how-to-have-multiple-orgasms/

https://www.nateliason.com/blog/multiple-orgasms-men

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/male-orgasm#multiple

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon