fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Maaasahanag Kalaro: Pangunahing Gabay sa mga Laruang Sekswal

sex toys

Ang mga nagsasabing pambata lang ang mga laruan ay ‘di alam na maraming laruan na ginawa para sa kasiyahan ng mga nakatatatanda! 😉

Ang mga laruang sekswal, o mga sex toy, ay hindi man gusto ng lahat, pero lahat tayo ay may karapatang tamasahin ang nakakasaya sa atin at sumubok ng mga bagong paraan ng kasiyahan.

Ang mga sex toy ay isang paraan lamang para galugarin ang iyong sekswalidad. Ang kagandahan nito ay puwede mo itong gamitin kasama ang iyong partner para lalong sumarap ang inyong karanasang sekswal, o puwedeng laruin ito nang mag-isa para sa dagdag galak sa masturbesyon.

Kung pinag-iisipan mong bumili, tandaan mo na napakalaki ng mundo ng mga sex toy at maraming klase na pagpipilian. Narito ay ang maikling gabay sa iba’t ibang klase ng mga sex toy, kasama ang mga pangunahin at karaniwan.

Mga laruan para sa kasiyahan ng puwerta

Dildo. Ang mga laruang ito ay mukhang ari ng lalaki na gawa sa silicone rubber at ginagamit para sa stimulasyong sekswal. Mayroong iba’t ibang haba, lapag, pati na rin kulay. Karamihan sa mga dildo ay may suction cup sa ilalim para puwede itong ikabit sa iba’t ibang lugar. Puwede mong idikit sa mga tile ng shower, sa salamin, o sa sahig. Maging malikhain!

This image has an empty alt attribute; its file name is 2771-Converted-02.png

Vibrator. Ang mga phallic vibrator ay parang dildo sa hugis at ginawa para sa penetrasyon, pero mas nakakasabik! Mayroon silang silang elektrik na motor sa loob (de kuryente o de baterya) para puwede silang manginig at magbigay ng higit pang stimulasyon. May iba na waterproof, at rechargeable o de baterya.

This image has an empty alt attribute; its file name is 2667-Converted-03.png

Ang mga clitoral vibrator ay maliliit na vibrator para sa stimulasyon ng clitoris at iba pang panglabas na parte lamang. Hindi sila katulad ng hugis ng ari ng lalaki, kaya hindi ito para sa penetrasyon. May iba naman na ginawa para masuot! Ang mga Magic Wand ay malalaki at malalakas na de kuryenteng vibrator na unang binebenta bilang pangmasahe ng likod (ganun sila pinapakita sa mga mall.) Ngunit, ang mga magic wand ay sikat sa mga babae para sa stimulasyon ng clitoris mula nung inilabas ito ng Hitachi noong 1960s. Talagang “nakarelaks” ang mga massager na ‘to! 😉 

This image has an empty alt attribute; its file name is 2667-Converted-02-420x1024.png

May mga vibrator rin na tinatarget ang parehong G-spot at clitoris nang sabay. Karaniwang tinatawag silang rabbit vibrator dahil sa kanilang itsura (mayroon silang dalawang sanga: maliit na sanga na may dalawang “tenga” at isang mas mahabang sanga. Ang mas mahaba ay para sa penetrasyon ng puwerta at G-spot habang ang maiikling tenga ay para sa stimulasyon ng clitoris sa labas. May iba ring may pangatlong sanga pa para sa anus.

This image has an empty alt attribute; its file name is 2771-Converted-03.png

Strap-on. Ito ay mga dildo o vibrator na sinusuot sa bandang ari gamit ang espesyal na sinturon habang sekswal na aktibidad, para tila may ari ng lalaki ang nagsusuot. Karaniwan ginagamit ito kasama ang partner.

Mga laruan para sa ari ng lalaki

Masturbation sleeve. Ito ay mga malalambot na tubo gawa sa materyales na sing lambot at kinis ng balat (silicone rubber) para gayahin ang puwerta. Pinapasok ang ari ng lalaki sa masturbation sleeve para sa higit pang stimulasyon habang masturbesyon, at kailangan ito galawin gamit ang kamay. May ibang mga masturbation sleeve na iisa lang ang bukasan at sarado ang kabilang dulo, habang ang iba ay magkabila ang bukasan para puwedeng lumusot ang ari.

May ibang masturbation sleeve na nakatago sa loob ng plastik na lalagyan at tinatawag na “fleshlight” dahil mukha silang flashlight. Ang iba ay mukhang simpleng tubo lamang at ang iba naman ay nilikhang hawig ng puwerta o anus. May ibang masturbation sleeve na mukhang buong balakang ng babae, para puwede ang penetrasyon nang ‘di na kailangan gumamit ng mga kamay, pero mas malapit na ito sa ibang kategorya ng sex toy na tinatawag na mga sex doll. Medyo mahal nga lang, pero may ibang mga laruan pang masturbesyon na nilikhang ‘di mangangailangan ng tulong ng kamay. Ang tawag dito ay mga “blow job machine” at gumagamit ito ng de kuryenteng motor para pagalawin ang masturbation sleeve, pataas at pababa ng ari ng lalaki.

Extension sleeve. Parang mga condom lang, pero mas makapal. Sinusuot ang mga extension sleeve sa ari ng lalaki para sa dagdag na haba at padamdam, para sa higit pang sarap ng partner. Para sa ibang lalaki, nakakatulong ang extensions sleeve para mapatagal ang ereksyon.

This image has an empty alt attribute; its file name is 2771-Converted-04.png

Cock ring. Sinusuot ang mga ito sa base ng ari para makontrol ang daloy ng dugo, para mapatagal ang ereksyon. Puwedeng gamitin nang mag-isa o kasama ang partner.

Mga laruan para sa anus

Anal plug. Ang mga ito ay mala-apa ang hugis na pinapasok sa tumbong. Mas maikli ito kaysa sa mga dildo at mayroon malapad na base para hindi ito mawala sa tumbong. Puwedeng gamitin para sa kasiyahan o panghanda para sa anal sex kasama ang partner.

This image has an empty alt attribute; its file name is 2771-Converted-05.png

Mga anal bead. Ito ay mga malalaking bead na konektado ng isang tali. Ang bawat bead ay dahan-dahan pinapasok sa tumbong. Saka hinihila palabas ang mga anal bead habang o papalapit sa orgasmo para sa higit pang stimulasyon at sensasyon.

Prostate massager. Takot na takot ang mga straight na lalaki sa kahit anong ideya ng penetrasyon sa kanilang butas ng puwet, pero ‘di nila alam na gaano kahiwaga ang sarap na dala ng P-spot! Ang P-spot, na natatagpuan sa loob ng anal cavity malapit sa prostate gland, ay kasing sensitibo ng G-spot ng babae. Kurba ang hugis ng mga prostate massager para sa stimulasyon ng P-spot. May iba na nanginginig, at may iba na hindi.

This image has an empty alt attribute; its file name is 2771-Converted-06.png

Iba pang laruan at kagamitan para sa sarap

Erotic furniture. Kasama rito ay ang anumang furniture o kagamitan na nakakahusay sa sekswal na aktibidad, sa pamamagitan ng tungtungan ng katawan para sa iba pang posisyon. Sex swing, angled foam wedge, at love chair ay ilang halimbawa lamang ng erotic furniture.

Pampadulas (lubricant). Hindi naman talagang sex toy, pero ang mga pampadulas ay nakakatulong gawing mas suwabe at kaaya-aya ang anumang sekswal na aktibidad! Magandang gamitin ang pampadulas tuwing pagtatalik at masturbesyon, lalo na kapag may mga laruan. Nakadaragdag sila sa sensasyon at sarap. May iba’t ibang klase ng pampadulas. May iba na ginagamit para sa espesipikong aktibidad, pero ang pinaka madaling gamitin para kahit saan ay ang mga water-based lubricant, katulad ng EZ Lubricating Jelly. Maaari itong gamitin sa anumang laruan at sekswal na aktibidad.

Kagamitan sa BDSM. Maraming laruan sekswal at kagamitan para sa mga mahilig sa BDSM. Mga posas, ball gag, binder, sinturon, corset, blindfold, latigo, paddle, at lubid ay ilang mga halimbawa.

DIY laruan sekswal?

Hindi mo man namamalayan, pero ilang mga gamit sa bahay at maaari ring maging laruan sekswal kung malikhain ka.

Kung nag-iipon ka ba ng lakas para bumili ng laruan sekswal o hindi ka pa sigurado kung ano nais mong kunin para sa sarili, baka gusto mong mag-eksperimento muna gamit ang ano ang makita mo sa bahay.

Ang shower at bidet ay puwedeng maging vibrator. Itapat mo ito sa clitoris o anumang parte nais mo, at hayaan mo ang tubig na tulungan ka mag-orgasmo!

Ang paglalaro sa temperatura ay stimulasyon para ari rin. Magpadaloy ng yelo sa mga sensitibong parte ng katawan (tulad ng clitoris at ulo ng ari ng lalaki) at tamasin ang sarap!

Puwede ring kapalit ng masturbation sleeve ang balat ng saging. Bahagyang gilitan ito sa balat at dulo, at salukin ang kaya mong ilabas na saging. Puwede mo nang ipasok ang ari at i-enjoy ito!

May ilang mga babae na gumamit ng hawakan ng hairbrush bilang dildo. Kung nais mong subukan ito, siguraduhin lamang na malinis ito bago at pagkatapos gamitin, at walang matatalas na kanto ito.

Paano maglaro nang ligtas

Ang materyales ng laruan sekswal ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na tignan para masiguro na ligtas ito.

Iwasan ang mga laruan na gawa sa phthalates, PVC, at vinyl. Kahit na nag-eeksperimento at nagtitipid ka, hindi dapat mapabayaan ang iyong kalusugan at kaligtasan.

Kumuha ng mga laruang gawa sa medical-grade silicone, medical-grade stainless steel, borosilicate o soda-lime glass na tama ang gawa. Mainam na bumili sa mga matitinong sex shop, dahil sinisiguro nila na lahat ng kanilang binebenta ay ligtas at maganda ang kalidad. Puwede ka rin nilang tulungan mahanap ang tamang laruan para sa iyong mga gusto.

Narito ay ilang mga payo sa paggamit ng laruan sekswal:

  • Laging hugasan ang laruan bago at pagkatapos gamitin, at patuyuin ito nang maigi bago itago.
  • Mainam na gumamit ng condom sa laruan, lalo na kung balak mo itong i-share sa iyong partner.
  • Alamin kung anong klaseng pampadulas ang ligtas sa iyong laruan. Hindi ligtas ang mga oil-based lubricant sa mga laruan. Mas mabuting gumamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly.

Mga pinagmulan:

https://www.doh.gov.ph/node/1375

https://www.who.int/reproductivehealth/topics/sexual_health/sh_definitions/en/

https://www.lovense.com/sex-toys

https://www.elitedaily.com/dating/household-items-double-as-sex-toys/1531053

https://www.everydayhealth.com/sexual-health/a-guide-to-sex-toy-safety/

https://www.menshealth.com/sex-women/g22531538/best-prostate-massagers/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon