fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mapapadami mo ba ang iyong semilya?

Isa sa mga palaging alalahanin ng mga lalaki tuwing nakikipagtalik ay ang kaligayahan na kanilang madarama at ng kanyang kapareha. Ang ilan ay nahahanap ito sa pagtagal sa kama, samantalang ang iba ay naniniwala na ang pagpapalabas ng mas maraming semilya ay nakakadagdag sa kaligayahan nila at ng kanilang kapareha.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang karaniwang dami ng semilya na inilalabas ng katawan ng isang lalaki kada pagbulalas ay nasa tatlo hanggang limang millilitro (3-5mL), at may tinatantyang dami na 0.8 hanggang 7.6 mL.

Ang dami na ito ay nagbabago ayon sa edad ng isang lalaki. Ang mga malalaking pagbabago ay mapapansin sa edad na 30 hanggang 55. Pinakamataas na dami ay mapapansin sa edad na 30-35, samantalang ang pinakakaunti ay mapapansin simula sa edad na 55.

Pero may natural bang paraan upang mapadami ang semilya? OO! Alamin ang mga paraan na pwedeng makatulong dito.

Mga payo upang paramihin ang semilya

Bawasan ang mga pagkakataon ng pagbulalas – Isa sa mga pinakahalatang paraan upang mapadami ang semilya ay ang pagbabawas ng mga pagkakataon ng pagpapalabas nito. Ang madalas na pagbulalas, maging ito’y galing sa pakikipagtalik, pagbabati, o kahit ano pang sekswal na aktibidad, ay maaaring magdulot ng pagkaunti ng dami ng semilya.

Ang pagpapahinga nang ilang araw o hanggang ilang linggo para makabawi ang katawan nang natural ay malaki ang maitutulong sa pagpaparami ng iyong semilya.

Laging uminom ng tubig – Ang semilya ay likido, at ang pag-inom palagi ng tubig ay makakatulong nang malaki sa pagpapatuloy ng paggawa ng semilya ng katawan. Ang pagiging dehydrated ng katawan ay makasasama sa paggawa ng semilya, at makakaapekto rin sa pagdala ng tubig sa iba’t ibang parte ng katawan ng tao para mabuhay. Kaya palaging uminom ng tubig para sa mas mataas na dami ng semilya.

Alamin ang ehersisyong Kegel – ehersisyong pang-pelvic floor, o kilala ring Kegel exercises, ay hindi makakapagpadami ng semilya, pero makakatulong ito para sa mas malakas na pagbulalas. Makakatulong ito sa pagpipigil upang mas marami ang maipon mong semilya at mas malakas ang pagbulalas nito.

Pagbabawas o paghinto ng paninigarilyo – Kung ikaw ay isang lalaking aktibo sa sekswal na gawain at malakas din manigarilyo, malamang kailangan mo na huminto o magbawas. Kilala ang sigarilyo na may masasamang dulot sa pagpapatayo ng ari at pagbulalas, kaya ang pagbabawas o paghinto nito nang tuluyan ay makakatulong sa pagpadami ng iyong semilya.

Pagkain ng masustansya – Ang semilya ay gawa sa iba’t-ibang bitamina at mga mineral. Ang pagkain ng mayaman sa zinc, selenium, at iba pang amino acids ay makakatulong sa pagpaparami ng semilya. Ang zinc ay makukuha sa mga karne at talaba, ang selenium ay makukuha sa iba’t-ibang mani, at ang mga amino acid ay makukuha sa mga prutas at gulay.

Makakatulong ba ang mga supplements?

Kahit na marami ang mga pills na sinasabing magpaparami ng dami ng iyong semilya at bulalas, wala pang mga pag-aaral na nagpapatunay na para talagang milagrosong pills ang mga ito na biglaan ang epekto.

Ang mga multivitamins ay maaaring makatulong sa mga may kakulangan sa iba’t-ibang bitamina at mineral. Dahil ang semilya ay gawa sa iba’t-ibang mga nutrisyon sa katawan, maaaring makatulong ang mga supplements, pero wala itong kasiguraduhan.

Pinagmulan:

https://www.askmen.com/dating/love_tip_200/232_love_tip.html

https://www.news-medical.net/health/Increasing-Semen-Volume.aspx

https://www.menshealth.com/sex-women/a19694609/how-to-increase-semen/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon