fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Pagkain Para Sa Masaya At Malusog Na Pwerta

Habang magaling ang iyong puwerta sa pagpapanataling malinis at malusog ang kanyang sarili, may ilang mga bagay na pwede mong gawin para makatulong. Maliban sa pagpapanatiling malinis ang sarili, pagpractice ng safe sex, at regular na pagbisita sa gynecologist, nakakatulong rin sa kalusugan ng puwerta ang pagkaing masusustansya.

Ito ay ilang mga pagkain na dapat mong kainin kung nais manatiling malusog ang iyong ibaba.

Mga cranberries

Ang mga cranberries ay kilalang malakas na tagapagtanggol laban sa mga impeksyon dahil sa kanilang mga antioxidant at acidic compound. Sa katunayan, may mga saliksik na nagpapatunay na ang mga cranberries ay nakakabuti sa pag-iwas at pagpuksa sa urinary tract infection (UTI). Para ma-enjoy ang mga benepisyong ito, kumain ng mga sariwang cranberries o kaya ng 100 percent cranberry juice (hindi ‘yung panay tamis at asukal)!

Kamote

Ang beta carotene at vitamin A sa mga kamote ay pinapanatiling malusog at malakas ang loob ng puwerta at matris, at nakitang nakabubuti sa pagkamayabong, reproduksyon, at paglaki ng sanggol.

Isa pang benepisyo ng mga kamote ay puno sila ng mga sustansya na nakakahikayat sa mga sex hormones, kaya madalas rin silang inirerekumenda sa mga babaeng may polycystic ovary syndrome (PCOS).

Mga pagkaing puno ng probiotics

Ang mga probiotics sa mga fermented na pagkain tulad ng kimchi at yogurt ay nakabu

buti sa iyong tiyan at pH level ng puwerta. Ang mga pagkaing ‘to ay nakakahikayat sa paglago ng mabubuting bakterya sa iyong katawan para labanan ang mga impeksyon gaya ng yeast infection. Iba pang mga pagkain na may probiotics rin ay ang atsara, miso, at kombucha tea.

Mansanas

Ang phloridzin, isang phytoestrogen sa mga mansanas, ay sinasabing nakakahikayat sa sexual function, lubrikasyon, pagpukaw na  seskwal, at kakayahan mag-orgasmo. Ayon sa isang saliksik, ang mga babaeng kumakain ng isang mansanas araw-araw ay may mas malusog na buhay sekswal!

Abukado

Ang mga abukado ay siksik sa masusustansyang bitamina gaya ng vitamin B-6, at potassium — mga nakakabuti sa iyong libido! Ang prutas na ‘to ay nakakahikayat sa lubrikasyon ng pwerta at antas ng estrogen, nakakapagpalakas sa kalamnan ng puwerta, at nakakataas ng tsansa para sa matagumpay na IVF!

Soy

Ang mga produktong may soy ay may phytoestrogen — mga sangkap na ginagaya ang estrogen — na may mga benepisyo sa kalusugan ng puwerta, lalo na sa mga babaeng postmenopausal at babaeng bumababa ang antas ng estrogen. Ang soy ay nakakatulong mapuksa ang vaginal dryness, at mapabuti ang kalusugan ng balat at ugat. Mas mainam kumain ng mga minimally-processed na mga produkto tulad ng tokwa, tempeh, at miso para matamasa ang mga benepisyo nito!

Mga madadahong gulay

Ang mga madadahong gulay ay likas na nakakalinis ng dugo at nakakabenepisyo sa sirkulasyon ng dugo, na nakakahikayat sa stimulasyon at pag-iwas sa vaginal dryness. Ang vitamin E, magnesium, at calcium ay masustansya rin para sa kalusugan ng mga kalamnan, kasama ang kalamnan sa puwerta.

Talaga namang hindi sapat ang pagkain lamang ng masusustansyang pagkain para mapanatiling masaya at malusog ang iyong puwerta. Malaking bagay rin ang iyong pamumuhay at kaugalian.

Narito ang iba pang payo para mapanatiling mabuti ang kalusugan ng puwerta:

  • Regular na paghuhugas ng ari
  • Pagpapanatili ng malusog na timbang
  • Regular na page-ehersisyo
  • Pag-inom ng maraming tubig araw-araw
  • Pagbabawas sa stress
  • Pag-iwas sa matagal at madalas na pagsuot ng masisikip na damit

Ang iyong kinakain at nakaugaliang gawain araw-araw ay may malaking ambag sa kalusugan ng iyong puwerta. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay may maraming benepisyo hindi lamang sa iyong puwerta, pero pati na rin sa buong katawan.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/womens-health/food-for-vagina

https://www.bedsider.org/features/591-foods-that-make-your-vagina-happy-and-healthy-yes-really

https://www.medicalnewstoday.com/articles/327507

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon