fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gaano Karami ang Sobrang Pagbabati?

Ang pagbabati ay nakatutuwa at nakakaligayang gawain na kung saan ang isang tao ay maaaring matuto tungkol sa kanilang katawan at sekswalidad.

Pero darating ang panahon na tatanungin mo ang sarili mong “sumosobra na ba ako sa pagbabati?”

Sa katunayan, walang sapat na siyentipikong pag-aaral ang makakapagsabi nang ilang beses ka dapat magbati kada araw, linggo, buwan, o taon. Lahat ito ay nasa pansariling kagustuhan.

Maaaring mataas ang iyong libido sa katawan, maaaring nakakaramdam ka ng pagkalungkot, o kailangan mo lang talagang maglabas. Lahat ng ito ay katanggap-tanggap na mga dahilan upang magbati, kahit ilang beses pa iyan sa isang araw.

Ang madalas na pagbabati ay hindi makapagbibigay sa iyo ng sexually transmitted infections (STI). Wala ring panganib na dala sa iyong kalusugan. Maaari mong sabihin na ito ang pinakaligtas na paraan upang makipagtalik, dahil walang pangamba na baka makabuntis o makakuha ng sakit.

Kung nakakaramdam ka na ng pananakit sa ari o tumitindi ang iyong pagbabati, itigil mo muna. Maaari mong mapinsala ang iyong ari kung ipagpapatuloy mo ito.

Nagiging masama ang pagbabati kung naapektuhan na nito ang buhay mo sa negatibong paraan. Maaaring maging problema ito kung negatibong naapektuhan ang iyong:

  • Trabaho o pag-aaral
  • Relasyon sa pamilya, kaibigan, at ibang tao.
  • Pang-araw-araw na buhay
  • Katawan

Kung ganoon na ang nangyayari, marahil ay dapat mong iwanan muna ang pagbabati at harapin ang iyong problema at huwag din itong gamitin upang pansamantalang makatakas sa realidad. Kailangan mo na ding maghanap ng propesyonal na tulong bago mo pa masaktan ang sarili mo o ang mga taong nag-aalala sa iyo.

Hindi naman laging tungkol sa kung ilang beses mo ito magagawa sa isang upuan o isang buong linggo, ito’y tungkol sa kung paano ito nakakaapekto sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng pagkakataon upang mapasaya ang iyong sarili ay may magagandang benipisyo sa iyong katawan at isipan. Pero hindi ito ang magandang gawin kapag kailangan mong harapin ang mga importanteng bagay na dapat mong harapin.

Pinagmulan:

https://psychcentral.com/lib/how-much-masturbation-is-too-much/

https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/does-excessive-masturbation-have-health-risks

Is there such a thing as too much masturbation?

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon