Ang personal lubricant ay isa sa mga pinakamainam na sexual accessory na dapat mayroon ka. Kahit sino para sa kahit anong paraan ang puwedeng gumamit ng mga lubricant dahil napaka laki ng ambag nito para sa iyong sex life! Ang tube ng lube ay may hatid na mga hiwaga sa kama!
Ang mga lubricant ay ginagawang mas ligtas ang pagtalik
Ang safe sex ay ang pinakamabuting sex. Ang mga vaginal tear at anal fissure ay kadalasang nangyayari kapag hindi sapat ang likas na lubrikasyon ng katawan habang nagtatalik. Masakit, hindi komportable, at nakakataas ng tsansa makakuha ng STI (sexually transmitted infection) kapag nagkaroon ng mga micro-tear. Kahit na kusang gumagaling naman ang mga ito nang walang gamot, mas mainam pa rin na gumamit ng personal lubricant para sa karagdagang pampadulas at pag-iwas sa pagsusugat. Higit pa, ang lube ay nakaka-iwas rin sa pagpunit ng condom habang nagtatalik.
Mas komportable ang pagtalik kapag mayroong lubricant
Mas komportable, mas masarap. Hindi agad ibig sabihin na dahil ika’y nasa mood at nais magtalik, ay sapat na ang nililikhang likas na lubrikasyon para walang sakit na mararamdaman sa penetrasyon. Kahit gaano matindi ang hangad makipagtalik, hindi garantisado na sapat ang iyong pagbasa—- dito pumapasok ang kahalagahan ng lubricant. Nababawasan ang sakit, priksyon, at iritasyon kapag gumamit ng lube, kaya mas komportable at madali maabot ang orgasmo. Sa foreplay, puwede ring gamitin ang lube sa paghaplos ng mga erogenous zone sa katawan para mas makarelaks at mapukaw.
Mas masaya kapag may lubricant
Kapag dagdag ang lubrikasyon, dagdag rin ang saya. Kahit na ang iyong katawan ay nakakagawa ng sapat na likas na lubrikasyon, nakakabuti pa rin sa ‘yo ang karagdagan pang lubrikasyon. Ang mga condom ay karaniwang lubricated na, pero nakakadagdag rin sa sensasyon ang paglagay ng kaunting pang lube sa loob at labas nito. Sa tulong ng lubricant, mas matatamasa ang pagsasama, mas madali at mas mabilis maabot ang orgasmo, at mas matagal ang pagtatalik.
Ngunit, nakakasira rin sa pagtatalik ang sobra-sobrang lube, tulad ng kakulangan sa lubrikasyon. Bumababa ang sensasyon kapag sumobra sa lube, na puwedeng magresulta sa boring at matamlay na pagtalik. Marami nang mararating ang ilang patak, at punasan na lamang ng twalya ang anumang sobra.
Ano puwedeng gamitin bilang personal lubricant?
Maraming nangyayari sa iyong ari kapag nagtatalik. Hindi ‘yan magiging komportable kapag may mangyaring hindi maganda, kaya mabuti nang gumamit na lang ng ligtas at tama na lubricant.
Habang may ilang nagsasabi na may mga kagamitan sa bahay at kusina na epektibong lubricant para sa kanila, hindi mo naman gugustuhin na malagay sa alanganin ang iyong kalusugan at kaligtasan sa paggamit ng bagay na hindi naman nilikha para maging personal lubricant. Kung walang nakalagay na “lubricant” sa label, sapat na ‘yang senyales na huwag ito gamitin sa iyong ari!
Anong lube dapat?
May iba’t ibang lube para sa iba’t ibang pangangailangan.
Ang water-based lubricant, tulad ng EZ Lubricating Jelly, ay ang pinaka karaniwang at pinaka mainam gamitin para sa iba’t ibang bagay. Puwede itong gamitin sa halos lahat ng aktibidad na sekswal, dahil ligtas itong gamitin sa mga condom at laruang sekswal. Higit pa, hindi nakakamantsya ang water-based lube. Ang EZ Lubricating Jelly ay nabibili sa mga pangunahing botika, convenience store, at online store.
Bumili na ng iyong tube ng EZ dito:
Lazada store: http://bit.ly/LzdDKT
Shopee store: http://bit.ly/DKTOfficial
Ang oil-based lubricant ay madali ring hanapin sa mga tindahan, pero hindi ito ligtas gamitin sa mga condom at laruan sekwal. Ang ganitong lube ay maaaring magmantsya at magsanhi sa iritasyon sa balat ng ilang tao.
Ang silicone-based lubricant ay pinaka madulas kumpara sa ibang klase, at maaari ring gamitin sa paliguan. Habang ang silicone-based lube ay mas tumatagal at hindi nangangailangan ng madalas na pagdagdag, ibig sabihin rin nito na mas mahirap itong maalis kapag naghugas. Hindi rin ito ligtas sa mga silicone na laruan sekswal dahil maaaring masira ng lube ang materyales ng laruan.
Paano ba gamitin ang lube?
Ito ay ilang mga bagay na puwede mong gawin para matamasa ang mga benepisyo ng lube!
- Maglatag ng twalya para maiwasang mamantsahan ang kama.
- Gamitin ang lube sa foreplay para sa karagdagang pagpukaw at sensasyon.
- Maglagay ng lube sa ari ng lalaki or sa laruan sekswal bago ang penetrasyon, may partner ka man o solong naglalaro.
- Dagdagan ang lube kung sa palagay mo kailangan mo pa habang tumatagal.
First-timer How-Tos?
Para sa mga baguhan, maglagay ng lube sa iyong mga daliri o palad na kasing dami ng piso, at pagkiskisin ang mga kamay para uminit ang lube. Haplosin ang parte ng katawan kung saan mo nais gamitin ang lube. Pansinin ‘yung pagkakaiba ng pakiramdam kapag walang lube. Kung gumagamit ng water-based lubricant, pansinin kung gaano katagal ito bago kailangan maglagay muli.
Saan ba nilalagay ang lube?
Ang lube ay nilalagay sa iyong katawan ang anumang bagay na iyong ginagamit — laruang sekswal, condom, daliri, pati na rin sa ibang parte ng katawan ng iyong partner. Puwede ring maglagay ng lube sa loob ng iyong katawan, lalo na kung vaginal or anal sex ang gagawin.
Kung gumagamit ng condom, magpatak ng lube sa dulo ng condom bago ito isuot sa ari ng lalaki. Huwag masyadong marami ang lube, dahil posibleng dumulas at maalis ang condom. Kapag nasuot na ang condom nang maayos, puwede nang maglagay muli ng lube sa labas nito.
Ang lube ay hindi lamang para sa penetrasyon, puwede rin ito para sa handjob, masturbesyon, outercourse o dry humping, at para sa sexy na masahe. Maging malikhain!
Tinignan mo ba ang expiration date?
Walang forever sa lube, dahil napapanis rin ito! Ang panis nang lube ay wala na ring bisa, at maaaring magsanhi sa iritasyon at impeksyon kapag ginamit pa. Pansinin kung nakasaad ang expiration date sa pakete ng lube; kung wala, huwag makipagsapalaran.
Paano naman ang anal play?
Lalong nagiging mahalaga ang lube sa anal play at penetrasyon. Ang tumbong ay hindi likas na lumilikha ng sariling lubrikasyon. Baka kakailanganin mo ang higit pang lube kaysa sa karaniwang, at maging mas banayad sa anal play. Ang lube at pagiging dahan-dahan ay makakaiwas sa anal fissure, na masakit at hindi komportable.
Nagmamantsa ba ang lube?
Karamihan sa mga water-based lube ay hindi nakakamantsa, pero mas mabuti na ang mag-ingat kaysa sa magsisi! Maglatag ng twalya bago magtalik para hindi mo na kailangan magalala sa mantsa.
Mga pinagmulan:
https://www.ippf.org/blogs/lube-5-great-reasons
https://www.marieclaire.com/sex-love/a14326/uses-for-sex-lubricant/
https://www.healthline.com/health/healthy-sex/vaginal-lubricants#tips-for-use
https://www.healthline.com/health/healthy-sex/lube-shopping-guide-types#how-to-use