fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano magpalit ng contraceptive method

How to switch contraceptive methods

Sa paglipas ng panahon, maaari mong matanto na gusto mong sumubok ng ibang kontraseptibo dahil hindi na ito akma sa iyong pamumuhay, o sa anumang dahilan. Ligtas naman na magpalit ng kontraseptibo, basta nagabayan ka na ng iyong doktor tungkol dito. Ngunit may iba’t ibang paraan para magsimula ng bagong kontraseptibo, depende sa kung ano ang kasalukuyang ginagamit mo at kung ano ang gusto mong gamitin sa susunod. Narito ang isang maikling gabay sa kung ano ang gagawin kapag lumipat sa bagong kontraseptibo.

No Gap Method

Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagbubuntis ay ang No Gap Method.

Nangangahulugan iyon ng paglipat mula sa isang paraan patungo sa susunod, nang walang mga puwang. Hindi na kailangang hintayin ang iyong regla bago itigil ang lumang kontraseptibo o magsimula sa bago.

Overlap Method

Ang ilang mga kaso ay mangangailangan ng Overlap Method. Dito, kailangan mong simulan ang bagong kontraseptibo bago pa man tapusin ang lumang kontraseptibo. Sa ganitong paraan, may sapat na oras ang bagong kontraseptibo upang magsimulang gumana at protektahan ka bago lumipas o matapos ang lumang kontraseptibo.

Ang chart sa ibaba ay magbibigay ng higit pang impormasyon.

Back-Up Method

Kung ayaw mong gawin ang Overlap Method, maaari mong gawin ang Back-Up Method sa halip. Kakailanganin mo ng condom para magawa ito. At kung ayaw mong gawin ang Back-Up Method, kailangan mong iwasan ang pakikipagtalik nang hindi bababa sa pitong araw upang manatiling ligtas mula sa pagbubuntis.

Tingnan ang tsart sa ibaba para sa gabay.

Mga huling paalala

Kapag nagpalit ng kontraseptibo, ang iyong katawan ay mag-aadjust uli sa panibagong kontraseptibo. Karaniwang makaranas ng mga bagay tulad ng pananakit ng ulo, pagduduwal, at pananakit ng puson. Mawawala ang mga ito sa loob ng ilang araw o linggo sa patuloy na paggamit ng iyong bagong kontraseptibo.

Maaari ka ring makaranas ng spotting at hindi regular na regla sa unang 3-5 buwan. Muli, ang mga ito ay mawawala rin at babalik sa normal sa patuloy at tamang paggamit ng iyong bagong kontraseptibo.

Mga pinagmulan: 

Reproductive Health Access Project. (June 2021). How to Switch Birth Control Methods. https://www.reproductiveaccess.org/wp-content/uploads/2014/12/switching_bc.pdf 

Am Fam Physician. (March 1, 2011). How to Switch Birth Control Methods. American Family Physician. https://www.aafp.org/pubs/afp/issues/2011/0301/p575.html 

Benisek, A. (August 26, 2022). IUD vs. Birth Control Pills: What to Consider. WebMD. https://www.webmd.com/sex/birth-control/birth-control-pills-vs-iud 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon