ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Tumingin ng Magandang Condom?

Condoms, Male, Man, Contraceptives

Ang bespren ng mga lalaki sa panahon ng labing-labing ay ang condom. Ang mga condom ay isang epektibong paraan ng kontrasepsyon at ang tanging paraan na maaari ring makapigil sa pagkalat ng mga sexually transmitted infection (STIs) tulad ng HIV.

Kasama sa paniniguradong gagana ang mga condom para sa iyo ay ang pagsiguradong maganda ang kalidad ng gagamitin mo.

Heto ang ilan sa mga dapat mong tingnan bago gamitin ang kapote.

Balot

Ang magandang regalo, may magandang balot. Kaya dapat mong tingnan ang kalidad ng pagkakabalot sa condom ay maganda dahil makakasiguro kang magandang kalidad din ang laman nito.

Tignan ang itsura ng balot nito. Hanapin kung may mga butas, pagkupas ng kulay, sira, o butas. Maaari mong pisilin ito para maramdaman kung may hangin pa rin ito sa loob para malaman kung may butas ba ito o wala.

Kung ang balot nito ay kasing-sariwa ng salad, pwede mo na itong gamitin.

Araw ng Pagkasira

Isa pang bagay na dapat mong tingnan sa isang condom ay ang araw ng kanyang pagkasira (expiration date). May nakalagay na expiration date ang mga condom sa kanilang box, pati na rin sa bawat isang balot nito.

Maniwala ka man o hindi, ang mga condom ay nabubulok dahil nababawasan ang pagiging epektibo nito sa pagtagal ng panahon. Maaari itong lumutong, matuyo, at mawala ang lubricant na inilagay rito kapag inimbak ng matagal.

Ang tatlong P’s 

Ang pagsuri sa condom ay magiging kasing-dali ng 1-2-3 dahil kailangan mo lang tandaan ang tatlong P na ipapakilala namin sa inyo.

Pagkukulay – Laging tingnan kung ang kulay ng condom ay tulad pa rin ng normal na condom. Kung mukhang kupas o may hinala kang hindi dapat ganito ito, huwag nang gamitin.

Pagkasira – Ang paghahanap nito ay may kahirapan, ngunit subukang tingnan kung mga butas, punit, o mga mahihinang parte ang condom na gagamitin bago suotin.

Pagkatuyo – Kung ang pakiramdam ng condom ay may kalagkitan o may pagkatuyo, huwag na itong gamitin. Lumulutong ang condom kapag natuyo ang lubricant nito, kaya mainam na suriin ito.

Payong lodi: Huwag buksan ang condom gamit ang matatalas na bagay tulad ng ngipin o gunting para maiwasan ang ‘di inaasahang pagkasira rito.

Huwag kang matakot gumamit ng condom dahil sa mga maling haka-haka at sabi-sabi na narinig mo. Mag-praktis gumamit ng tama at gamitin ito sa kanyang sagad na pinaka-epektibo.

Pinanggalingan:

https://sexinfo.soc.ucsb.edu/article/male-condom

https://www.bedsider.org/questions/306-how-do-i-check-a-condom-wrapper-for-damage

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon