fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay sa sensory deprivation para sa mga beginners

Bakit ipagkakait ang iyong sarili, kung deserve mong magpakasarap? Pagdating sa pakikipagtalik, ang kaunting deprivation ay maaaring magpapatindi ng sarap at saya!

Sa kink culture, ang kawalan ng pandama ay hindi nangangahulugan ng talagang pag-alis sa iyong mga pandama; sa halip, nililimitahan lamang ito upang patalasin ang iba. Magbibigay ito sa iyo ng ibang lebel ng kasiyahan!

Alam na alam na ng mga kinksters itong sensory deprivation; pero para sa mga beginners, narito ang ilang mga tips kung paano niyo ito ma-eexplore sa kwarto.

Sight deprivation

Hindi mo kailangan ng mamahaling silk blindfold para limitahan ang sense of sight. May mga ordinaryong bagay sa bahay na maaaring magamit bilang blindfold, tulad ng kurbata, panyo, o scarf. Siguraduhin lamang na ang materyal ay malambot sa balat. Ang pagpikit ng mga mata o pag-off ng mga ilaw ay pwede ring mga opsyon.

Kapag nalimitahan na ang paningin ng iyong partner, dahan-dahan mong halikan siya sa labi, saka dilaan ang kanyang leeg. Maaari mo ring paglaruan ang iba pang bahagi ng kanyang katawan, tulad ng kaunting pagkagat sa tenga o bahagyang pag-ihip sa collar bone. Magandang ideya din ang pagbulong ng mga naughty things sa kanila! ‘Wag mong madaliin ang paggawa nito para lalo siyang masabik.

Sound play

Mayroong dalawang paraan upang subukan ang sound play: paggamit ng ear plugs o pagtugtog ng mga sobrang senswal na kanta. Talagang challenging ang paggamit ng ear plugs (at hindi gaano nakaka-sexy), lalo na’t karamihan sa mga tao ay napupukaw sa mga halinghing, ungol, at dirty talk ng kanilang partner.

Ngunit kung pareho kayong sumang-ayon na subukang limitahan ang kanyang pandinig, ito ang pinakamahusay na paraan upang tuklasin ito: Limitahan muna ang kanyang sense of sight, pagkatapos ay ipasuot sa kanya ang mga earplugs para limitahan ang pandinig. Pagkatapos, pahigain ang iyong partner sa kama, at dapat hindi siya gumalaw. Ang ideya dito ay wala siyang alam kung ano ang susunod na mangyayari, kaya maaari mong i-explore ang buo niyang katawan at gawin ang gusto mo.

Mga huling paalala

Minsan ang mga maliliit na pagbabago sa nakagawian niyo sa kama ay maaaring magbigay sa inyo ng ibang uri ng sarap sa inyong sex life. Ang sensory deprivation ay hindi magugustuhan ng lahat, at okay lang iyon. Tandaan na laging humingi ng pahintulot bago sumubok ng bagong sexual activity. At sa tuwing pumapayag ka na subukan ang bagong bagay, magsaliksik rin muna para malaman mo kung paano gawin ito nang tama at ligtas.

Mga pinagmulan:

Berry, S. (March 5, 2021). How to use sensory deprivation for sexual pleasure. Netdoctor. https://www.netdoctor.co.uk/healthy-living/sex-life/a35679404/sensory-deprivation/ 

Zee. (March 19, 2017). Sex and the senses. Medium. https://psiloveyou.xyz/sex-and-neuroplasticity-sensory-deprivation-af14c238ac31 

Renee, M. (January 30, 2020). 3+ Ways to Stimulate Your Senses Through Sensory Deprivation. VelvetLips.

https://www.velvetlipssexed.com/post/3-ways-to-stimulate-your-senses-through-sensory-deprivation

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon