Minsan, mahirap para sa mga magkasintahan na maglaan ng oras para sa isa’t-isa dahil sa mga hamon ng araw-araw. Buti na lang, maraming paraan upang mapanatili ang koneksyon sa pagitan ng dalawang magkarelasyon. Hindi lamang sa labas ng bahay o sa kama maaaring magkaroon ng magandang samahan, kundi pati na rin sa kusina.
Ihanda niyo na ang inyong mga apron, mga kaibigan. May mga recipe kaming ipapakita sa inyo, na pwede niyong lutuin nang magkasama ni babe. Magku-krus ang landas ng sarap ng pagkain at sarap ng pagsasama sa isang mainit na pagsasalo!
Appetizer: Cheesy Tomato Bliss
Simulan natin ang lahat sa isang makeso at maasim-asim na pambungad: Cheesy Tomato Bliss.
Mga Sangkap:
- 1 pound ripe tomatoes (3-4 medium), sliced
- 8 ounces of fresh mozzarella cheese, sliced
- 1 bunch of fresh basil (about ⅓ cup basil leaves)
- 1 tablespoon extra virgin olive oil for drizzling
- ½ teaspoon asin
- ⅛ teaspoon black pepper
- 2 tablespoon balsamic glaze (optional)
Magsimula sa pag-aayos ng tomato slices sa isang pinggan. Ilagay ang mozzarella cheese sa pagitan ng bawat hiwa ng kamatis. Para sumarap pa lalo ang putahe, samahan mo ito ng basil at lagyan ng extra virgin olive oil.
Sunod ay lagyan mo ng asin at pamintang durog. Pwede mo ring salinan ng balsamic glaze para mas umangat ang sarap ng iyong Cheesy Tomato Bliss.
Mga Pinagmulan:
- https://bit.ly/3tkwVai
- Imahe mula sa Freepik
Salad: Pinoy-style Greek Salad
Sunod niyo namang gawin ang Pinoy-style Greek salad na makakadagdag ng angas sa inyong handaan.
Mga Sangkap:
- 1 cucumber, sliced
- 1 onion, diced
- 1 green bell pepper, sliced
- 1 cup kamatis, sliced
- ½ cup crumbled feta cheese
Dressing:
- 6 tablespoons olive oil
- 2 tablespoons lemon juice
- 1 teaspoon dried oregano
- Asin at pamintang durog ayon sa iyong panlasa
Pagsamahin ang hiniwa-hiwang pipino, sibuyas, bell peppers at kamatis sa isang mangkok. Paghaluin ang olive oil, lemon juice, at tinadtad na oregano sa isang hiwalay na lalagyan para sa masarap na pampalasa. Budburan ng asin at pamintang durong ayon sa iyong panlasa. Pagkatapos ay pwede mo nang ilagay ang dressing sa mga gulay.
Tapusin mo ang salad sa paglagay ng crumbled feta cheese. Ang Pinoy-style Greek Salad na ito ay magandang pampa-excite bago ang main course!
Mga Pinagmulan:
- https://bit.ly/3uSQ9UM
- Imahe mula kay timolina sa Freepik
Main Course: Creamy Mushroom Chicken
Nandito na tayo sa exciting part! Ang putaheng ito ay creamy at siguradong kaaaliwan ninyong magkarelasyon.
Mga Sangkap:
- ¾ kilo chicken breast fillet, sliced
- ¼ cup flour
- ½ teaspoon rosemary (optional)
- Asin at paminta ayon sa panlasa
- 3 tablespoons butter
- 2 tablespoons olive oil
- 1 medium onion, chopped
- 5 cloves garlic, minced
- 1 can (115 g) mushrooms, drained
- ¼ cup white wine (optional)
- 1 pack (250 ml) all-purpose cream
Budburan ang chicken slices ng asin, paminta, garlic powder, at rosemary kung gusto mo. Tiyakin na pantay ang iyong paghalo. Sunod ay lagyan mo ng harina ang manok at siguraduhin mong mabalot sa harina ang bawat slice.
Sa isang kawali, mag-init ka ng olive oil at lagyan ng mantikilya hanggang ito’y malusaw. Tapos, igisa mo na ang manok hanggang maging golden brown ang ibabaw na layer nito. Itabi mo muna kapag naluto na.
Sa parehong kawali, igisa ang mga sibuyas at bawang hanggang sa bumango ang mga ito. Lagyan ng mushrooms at budburan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa. Igisa mo pa ito ng dalawang minuto.
Pagkatapos ay isama mo na ang ginisang manok. Pwede kang maghalo ng wine para sa mas mabango at malasang putahe. Hayaan mong mag-evaporate ang aroma ng alak bago lagyan ng all-purpose cream. Dahan-dahang haluin. Takpan mo muna ang kawali at hayaan mo siyang kumulo ng isa hanggang dalawang minuto.
Lagyan ng fresh parsley at haluin mo muli nang isang minuto. Pagkatapos ay ilipat mo na ang Creamy Mushroom Chicken sa isang bowl. Masarap itong kainin na may kanin!
Mga Pinagmulan:
- https://bit.ly/3RmFCc7
- Imahe mula sa Freepik
Soup: Chicken Lemon
Ituloy natin ang bonding sa mainit-init at malasang Chicken Lemon Soup.
Mga Sangkap:
- 8 cups chicken broth
- ½ cup fresh lemon juice
- ½ cup shredded carrots
- ½ cup finely chopped onion
- ½ cup finely chopped celery
- 6 tablespoons chicken soup base
- ¼ teaspoon ground white pepper
- ¼ cup margarine
- ¼ cup all-purpose flour
- 8 egg yolks
- 1 cup cooked white rice
- 1 cup cooked chicken meat, diced
- 16 slices lemon
Sa isang malaking kaldero, haluin ang chicken broth, lemon juice, carrots, subyas, kintsay, soup base, at puting paminta. Hayaan mo itong kumulo. Pagkatapos ay hinaan mo ang apoy at haayan itong mag-simmer sa loob ng 15-20 minutes para lumambot ang mga gulay.
Sa isang maliit na mangkok, haluin ang margarine at harina, unti-unti itong idagdag sa sabaw. Pakuluin at haluin mo ang sabaw sa loob ng 8-10 minutes.
Habang pinapainit ang sabaw, magbati ka ng mga pula ng itlog hanggang maging malinaw ang kulay. Dahan-dahan mo itong ibuhos sa sabaw habang hinahalo. Painitin mo pa ang sabaw ng limang minuto.
Pagkatapos ay isalin mo na ang Chicken Lemon Soup sa mga mangkok niyo ni babe, at mag-enjoy!
Mga Pinagmulan:
- https://bit.ly/4arEah9
- Imahe mula sa Freepik
Dessert: Chocolate-dipped Strawberries
Ang huling kabanata ng inyong malasang bonding ay isang matamis na dessert: Chocolate-Dipped Strawberries!
Mga Sangkap:
- 100g dark chocolate, chopped
- 400g strawberries
- 30g white and milk chocolate, roughly chopped (optional)
Maghanda ng isang piraso ng parchment paper. Para matunaw ang dark chocolate, ilagay mo ito sa isang heatproof na tasa sa ibabaw ng kawali ng may kumukulong tubig. Pwede mong haluin ang tsokolate hanggang matunaw. Kapag tunaw na, ilipat mo na ito sa isang maliit at malalim na tasa.
Isawsaw ang mga strawberry sa tinunaw na tsokolate, hawakan ang mga ito sa dulong may dahon.
Para sa extrang angas at tamis, magtunaw ka ng white and milk chocolate at isalin mo ito sa mga chocolate-dipped strawberry. Isa itong sweet na pagtatapos sa five-course meal ninyo ni babe.
Mga Pinagmulan:
- https://bit.ly/3t9M6TP
- Imahe mula kay KamranAydinov sa Freepik
Sa pagwawakas ng inyong degustation, isipin ninyo kung paano kayo nag-bond at nagkaisa sa pagluluto. Bukod sa masarap at masaya, ang five-course meal na ito ay isang magandang paraan para mag-enjoy kayo bilang magkarelasyon. Pwede itong tumungo sa isang mapusok na gabi.
Kung hindi kayo masyadong nabusog sa malupit na pagsasalu, baka pwedeng iba naman ang inyong tikman.
- Banner Image mula kay Drazen Zigic sa Freepik