Ang labing-labing ay hindi lang mainit at exciting na aktibidad. May hatid din itong mga nakakagulat na benepisyo sa kalusugan. Bukod pa sa mga naitutulong nito sa mental at emosyonal na kalagayan ng isang tao, ang pakikipagtalik ay may mga naiaambag din sa pagpapatibay ng kalusugan ng ating puso.
Silipin natin kung paano nakakatulong ang sexy time sa pagpapalakas ng puso.
Healthy ba ang sex?
Bago natin talakayin kung anu-ano ang mga nagagawa ng pakikipagtalik para sa puso, importanteng intindihin muna kung nakakabuti ba sa kalusugan ng tao ang labing-labing.
At ang sagot diyan ay isang malaking OO! Ang sexy time ay hindi lamang masarap; isa rin itong magandang paraan para palakasin ang iyong kalusugan. Una sa lahat, nakakatulong ito sa pagpapatibay ng iyong immune system. Ang regular na pakikipagtalik ay nakakataas ng lebel ng antibodies na nagpapalakas ng iyong depensa laban sa maraming uri ng sakit. Ibig sabihin: sa labing-labing, hindi ka lang mapapalapit sa partner mo, lalakas ka na rin!
Dagdag pa rito, may naiaambag ang rakrakan sa pagtulog nang maayos. Sa pamamagitan ng sex, makakagawa ang katawan ng mga hormone gaya ng oxytocin at endorphins na nakakatulong sa pag-relax at pagkahimbing. Para sa matiwasay na pahinga sa gabi, mainam na makipaglambingan muna kay babe.
Paano nakakatulong ang sexy time sa puso?
Puntahan na natin ang paksa na pupusuan ninyo. Ang pakikipagtalik ay may mga kakaibang benepisyo sa iyong cardiovascular health.
Pantaboy ito ng stress at nagpapasigla ng damdamin.
Malakas na stress reliever ang pakikipagtalik, lalo na kung may malalim na koneksyon ka sa iyong partner. Ang oxytocin at mga endorphin na pwedeng kumalat sa iyong katawan dala ng sexy time ay nakakatulong sa pag-relax at sa kalusugan ng iyong pag-iisip. Ang oxytocin ay tinatawag ding “love hormone” at nakakatulong sa pag-iwas sa anxiety, habang ang endorphins naman ay nakakaganda ng iyong mood.
Pinapabuti nito ang daloy at sirkulasyon ng dugo.
Sa pamamagitan ng labing-labing, makakagawa ang katawan ng nitric oxide, isang uri ng molecule na nagpapalawak ng iyong mga ugat. Dahil dito, gaganda ang pagtakbo ng dugo sa iyong katawan, at napapalakas nito ang iyong puso laban sa mga potensyal na sakit gaya ng hypertension.
Nakakatulong ito sa hormonal regulation.
Nakakatulong ang sexy time sa pag-regulate ng iyong mga hormone na maaaring magpalakas ng iyong puso. Kapag balanse ang iyong hormone levels, maayos ang iyong enerhiya, lakas, at damdamin.
Isa itong uri ng exercise!
Alam naman nating pwede tayong pagpawisan mula sa rakrakan, pero paano nga ba ito naging isang anyo ng ehersisyo? Ang regular na pagtaas ng heart rate ay exercise na para sa iyong puso. Mapapatibay nito ang pisikal na kalusugan ng iyong puso, na may dala na ring mga benepisyo gaya ng maayos na respiratory system.
Ang koneksyon sa pagitan ng pakikipagtalik at ang kalusugan ng iyong puso ay malalim. Dahil sa labing-labing, maaaring lumakas ang iyong puso at tumibay ang relasyon niyo ni babe. Kaya naman, importanteng tandaan na sa tuwing naglalambingan kayo, hindi lamang kayo nagpapakasarap; nagpapatibay na rin kayo ng puso!
Mga Pinagmulan
- Mankad, R. (2022, August 3). Heart failure and sex: Is it safe?. Mayo Clinic. https://mayocl.in/3Th26MH
- Sex and Your Heart: What to Know About Intimacy and Heart Disease. Pennmedicine.org. (n.d.). https://bit.ly/439aQsQ
- Sexual activity and your heart. Cardiac Rehabilitation and Wellness Center. (n.d.). https://bit.ly/48ISMXs
- Imahe mula kay makistock sa Freepik