fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

5 paraan para sabikin ang partner mo nang walang makakapansin

5 ways to tease your man in public (without anyone noticing)

Mas exciting manabik ng partner in public dahil sa thrill, ‘di ba? Pero ‘pag napasobra ito, baka mahalata ng at makabahala sa ibang tao sa paligid.

‘Di mo naman kailangan i-handjob partner mo sa ilalim ng mesa, o i-blowjob siya sa tabi-tabi. Kailangan mo lang ng balanse: dapat sexy pero pasimple mo siyang tutuksuin, para mabaliw siya sa’yo. PERO ‘di rin naman dapat siya maiwang sexually frustrated o unsatisfied.

Itong limang tips ay napakasexy, pero safe gawin in public. At kapag nasolo niyo na ang isa’t isa, siguradong hot na hot ang mga susunod na mangyayari!

Gamitin ang iyong mga mata

Oo, kayang kaya rin mantukso nang walang skin-to-skin contact.

‘Pag nagkatinginan kayo, make sure na sexy ang bawat tingin para mahuli ang kanyang atensyon at maka-build ng intimacy. Ipakita mo sa kanya ang nakakaakit mong ngiti o ang sexiest wink, o itaas ang iyong kilay bilang senyales ng gusto mong gawin mamaya.

At kapag talagang nakatingin siya sa’yo, dahan-dahan mong ibaba ang iyong tingin sa kanyang pundya. Tagalan mo nang kaunti ang iyong tingin, bago ka makipag-eye contact uli.

‘Pag ginawa mo ‘to, napapahiwatig mo sa kanya na naiisip mo ang kanyang ari at nasasabik ka makipagtalik. Siguradong mababaliw sa’yo!

Haplusin ang hita niya

Kapag katabi ang partner mo, mas maraming oportunidad tuksuin siya.

Ilagay ang iyong kamay sa kanyang hita, at dahan-dahang haplusin ito. Pagkatapos gawin ito nang ilang beses, ilapag ang iyong kamay malapit sa kanyang ari — pero ‘wag mong hahawakan!

Saka ka tumingin, at ngumiti sa kanya. Grabe ‘to makalakas ng sexual tension sa inyong dalawa!

Mahalagang gawin ‘to nang sobrang casual at dahan-dahan. At gusto mo siyang mapukaw nang todo-todo, gamitin ang ‘yong hinliliit para dahan-dahang haplusin ang kanyang ari — kaunting haplos lang, sapat na.

Pasimpleng idikit ang iyong katawan sa kanya

Maraming posibleng dahilan para makiraan sa harap ng iyong partner. Pwedeng makiraan ka sa harap niya habang naglalakad kayo, kapag nasa grocery may aabutin ka mula sa shelf, o kapag tatayo na kayo pagkatapos kumain sa restaurant. Napakaraming posibleng gawin!

Nasaan man kayo at anuman ang balak mong gawin, maghanap ka ng oportunidad para idikit ang iyong katawan sa iyong partner. At kapag gagawin mo ‘to, dahan-dahan — at pasadya — mong ihaplos ang iyong pwet sa kanyang ari. Pwede mo rin naman gamitin ang ibang bahagi ng iyong katawan tulad ng dibdib, hita, o kamay.

Kahit sobrang bilis at kakaunti lang — para rin ‘di mahalata ng iba — siguradong mapapansin ‘to ng iyong partner. ‘Wag rin kalimutan bigyan siya ng eye contact pagkatapos ‘to gawin.

Magsend ng naughty texts

Malaking tulong ang ‘yong cellphone sa pagtukso sa ‘yong partner nang walang ibang makakapansin. Kahit magkaharap lang kayong nakaupo o nasa labas siya para may asikasuhin, siguradong mapapa-isip siya ng mga sexy things kapag nag sext ka sa kanya.

Pwedeng pa-inosente ka pa at magpahiwatig ka lang kung anong mga iniisip mo, o pwedeng itodo mo na at sabihin sa kanya lahat ng gusto mong gawin sa kanya kapag masolo mo na siya.

Kung gusto mo talaga siyang mabaliw sa’yo, magsend ka ng sexy picture or video para ma-turn on siya. Maiinis siya na ‘di ka niya masolo agad-agad, pero siguradong wild na wild ang mga susunod na mangyayari ‘pag magkasama na kayo.

Siguraduhin lang na walang ibang makakakita ng mga texts, pictures, at videos na isesend mo!

Gawing makatawag pansin ang iyong mga labi

Mapapansin mo sa mga pelikula at teleserye na minsan may mga babaeng sumisipsip ng lollipop, kumakain ng saging, o humihigop sa straw — at talagang nakaka-turn on ‘to sa mga lalaki!

Mapapa-isip ang iyong partner kung ano kayang pakiramdam ng iyong bibig kung ari niya ‘yung lollipop, saging, o straw.

Ang iyong bibig at mga labi ay dalawa sa mga pinaka sexy na parte ng iyong katawan. Kung ‘di ka mahilig sa lollipop, pwede pa rin makatawag pansin sa pamamagitan ng pagkagat o pagdila sa ‘yong labi. Pwede ring gamitin ang daliri o ibang bagay para haplusin ang ‘yong labi.

Nakakatuwa mangtukso, pero nakakatawa at akward rin ‘to minsan. ‘Pag nangyari ‘yun, itawa niyo na lang ng partner mo!

Nakaka-empower ang pantutukso sa partner mo, pero ‘wag sobra-sobra dahil baka naman mainis o mayamot lang siya.

At tandaan mantukso sa tamang lugar at oras. May mga pagkakataon na baka hindi sang-ayon ang sitwasyon o ibang bagay, at ‘di mo makuha ‘yung reaksyon na ninanais mo — okay lang ‘yun. Marami pang ibang pagkakataon na pwede mong tuksuin partner mo.

Mga pinagmulan:

https://medium.com/sexography/tease-penis-in-public-2ce1e276731f

https://badgirlsbible.com/how-to-tease-your-boyfriend

https://www.cosmopolitan.com/sex-love/advice/g2360/sexy-ways-to-tease-him/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon