fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ako Ba Ay Normal O Gumon Sa Pagtatalik?

reproductive health, family planning, sex addiction

Ang pagtatalik ay isang malusog na bahagi ng isang relasyon, ngunit maaari itong makaapekto sa maraming aspeto ng buhay.

Ikaw kaya ay gumon sa pagtatalik? Ang pagtatalik ay isang pangunahing bahagi ng kalikasan ng tao at normal at malusog ang pagkakaroon ng masiglang libido. Ngunit mayroong itong limitasyon o hangganan — kung nawawala ang iyong kakayahang kontrolin ang iyong seksuwal pagnanasa. Kadalasan, ang pagkakaiba sa pagitan ng kasiyahan sa pagtatalik at pagiging gumon ay maliwanag.

Ano ang depinisyon ng pagkagumon sa pagtatalik?

Ang adiksyon sa pagtatalik ay maaaring tumukoy sa isang iba’t ibang mga pag-uugali na ginagawa nang labis at lubhang nakakaapekto sa buhay ng isang tao sa isang negatibong paraan. Walang mga natatanging kategorya, ngunit ang pagkagumon sa pagtatalik ay mayroong iba’t ibang anyo, kabilang dito ang pagkagumon sa: pornograpiya, prostitusyon, pagbabati, pantasya, sadistic o masochistic na pag-uugali, exhibitionism / voyeurism, at iba pang labis na seksuwal na hangarin.

Paano malalaman kung ang isang tao ay gumon sa pagtatalik?

Kung ikaw o isang taong mahal mo ay may suliranin sa pagkagumon sa pagtatalik, maaaring hindi ka magkaroon ng malusog na hangganan. Kung ikaw o ang iyong kasosyo ay gumon sa pornograpiya o pagtatalik, maaari kang makaramdam ng kalungkutan, lumbay, galit, o hiya, at maaaring kailangan ninyo ng tulong ng isang propesyonal. Kung ikaw ay gumon sa pagtatalik, maaaring kang masangkot sa ibang tao sa emosyonal o seksuwal na paraan kahit pa hindi mo sila gaanong kilala, ayon sa Sex and Love Addict Anonymous. Dahil ang karamihan sa mga gumon sa pagtatalik ay natatakot na iwanan, maaaring manatili sila sa mga hindi kanais-nais na mga relasyon, o maaaring magpalipat-lipat mula sa iba’t ibang relasyon. Kapag nag-iisa, maaari kang makaramdam na may kulang sa iyo o hindi ka kumpleto. Maaari din nilang gawing seksuwal ang mga damdamin tulad ng pagkakasala (guilt), kalungkutan, o takot.

Bagaman ang pagkagumon sa pagtatalik o pagkagumon sa pornograpiya ay maaaring lumikha ng maraming mga pisikal na epekto, kaunti lamang ang pisikal na sintomas nito.

Ang mga epekto ng pagkagumon sa pagtatalik ay maaaring maging malubha.

Ayon sa Departmental Management ng USDA, 38% ng mga lalaki at 45% ng mga tao na gumon sa pagtatalik ay may sakit na naipapasa sa pagtatalik (STI) bilang resulta ng kanilang pag-uugali. Ang hindi napapanahong pagbubuntis ay isang pangkaraniwang epekto ng mapanganib na seksuwal na pag-uugali. Sa isang sarbey, halos 70% ng mga babae na gumon sa pagtatalik ay nag-ulat ng pagkakaroon ng hindi napapanahong pagbubuntis bilang resulta ng kanilang pagkagumon.

Bilang karagdagan, ang pagkagumon sa pagtatalik ay may negatibong epekto sa maraming aspeto ng buhay ng isang tao. Maaari itong humantong sa:

  • pagkaunti ng personal na relasyon, sosyal, at pakikipag-ugnayan sa pamilya
  • kabawasan sa konsentrasyon at pagiging produktibo sa trabaho
  • pisikal na mga kahihinatnan tulad ng seksuwal na problema o mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (STI)

Maaari itong magkaroon ng malalim na sikolohikal na epekto tulad ng pagbuo ng damdamin ng kahihiyan, kakulangan, at emosyonal na pagkabalisa. Maaari itong humantong o magmula sa mga sikolohikal na karamdaman tulad ng: pagkabalisa (anxiety) at depresyon.

Ako ba ay gumon sa pagtatalik?

Pinakamabuting kumunsulta sa isang propesyonal o doktor para masuri kang mabuti. Gayunpaman, maaari mo ring obserbahan ang mga sumusunod na palatandaan:

  • Wala kang kontrol sa iyong seksuwal na gawi
  • Ang iyong seksuwal na gawi ay nagpapahirap sa iyong buhay
  • Nakakaramdam ka ng kahihiyan at pagkamuhi sa sarili dahil sa iyong mga seksuwal na gawi
  • Ipinapangako mo sa iyong sarili na magbabago ka ngunit hindi mo magawa
  • Ang laging laman ng isip mo ay pagtatalik at nawawalan ka ng oras para sa ibang bagay

Mahalagang maunawaan na kahit na ang pagkagumon sa pagtatalik at pornograpiya ay hindi “pormal” na maituturing na isang sakit dahil sa kawalan ng konsensus tungkol dito, ang mga kundisyong ito ay umiiral at madalas na may masamang mga kahihinatnan tulad ng pagkabalisa, pagkakasala (guilt), at emosyonal na kawalan ng katiyakan. Kung ang iyong kapareha o isang taong kilala mo ay dumaranas nito, oras na upang talakayin ito at kumunsulta sa isang doktor o isang propesyonal.

Pinagmulan: https://www.epainassist.com/addiction-and-rehab/sex-addiction-or-high-sex-drive, https://www.psychguides.com/behavioral-disorders/sex-addiction/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon