fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Anong dapat gawin kung nakakaranas ng postmenopausal bleeding

Ang menopause ay isa pang panahon ng iba’t ibang pagbabago sa buhay ng isang babae, gaya lang rin ng pagdadalaga. Ang senyales nito ay ang paglipas ng isang buong taon nang hindi dinadatnan ng regla. At ang anumang uri ng pagdurugo sa kabila nito ay hindi itinuturing na normal.

Normal ba ito?

Ang postmenopausal bleeding ay maaaring senyales ng problema sa kalusugan o, sa ilang mga kaso, isang bagay na mas malubha. Kapag binigyan kaagad ng medikal na atensyon, ang karamihan sa mga kondisyong nagdudulot ng postmenopausal bleeding ay maaari pang maagapan at magamot

Ano ang mga sanhi?

Ang pagdurugo pagkatapos ng menopause ay bihirang dulot ng malubhang kondisyon. Gayunpaman, dapat itong ikonsulta kaagad sa doktor upang malaman kung ano ang sanhi ng pagdurugo. Sa karamihan ng mga kaso, ang postmenopausal bleeding ay sanhi ng:

  • Atrophic vaginitis: pamamaga at pagnipis ng lining ng iyong ari
  • Mga polyp: mga bukol sa sipitsipitan o matris na karaniwang hindi kanser
  • Endometrial hyperplasia: makapal na endometrium (madalas dahil sa hormone replacement therapy na pumapawi ng ilang sintomas ng menopause)
  • Mga abnormalidad sa sipitsipitan o matris.
  • Cervicitis o endometritis: impeksyon o pamamaga sa sipitsipitan o matris
  • Kanser sa matris o kanser sa endometrium
  • Cervical cancer

Anong dapat gawin?

Pinakamabuting kumonsulta kaagad sa doktor kapag may anumang uri ng pagdurugo o spotting pagkatapos ng menopause. Magsasagawa ang doktor ng physical exam at susuriin ang medical history ng pasyente. Maaaring kailanganin din ang iba pang mga pagsusuri, tulad ng transvaginal ultrasound, endometrial biopsy, sonohysterography, hysteroscopy, o raspa.

Paano ito ginagamot?

Ang tamang paggamot para sa postmenopausal bleeding ay depende sa kung ano ang sanhi nito. Medikasyon at operasyon ay ang pinakakaraniwang lunas.

Maaaring kabilang sa mga gamot ang antibiotic, estrogen therapy, o progestin therapy. Samantala, ang mga posibleng surgical procedure ay maaaring hysteroscopy, raspa, o hysterectomy.

Mga pinagmulan:

Cleveland Clinic Medical Professional. (May 26, 2021). Postmenopausal Bleeding. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21549-postmenopausal-bleeding 

Johnson, T. (January 25, 2022). Postmenopausal Bleeding. WebMD. https://www.webmd.com/menopause/postmenopausal-bleeding 

Casper, K. (June 29, 2023). Should you be concerned about postmenopausal bleeding? Mayo Clinic Health System.https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/postmenopausal-bleeding-should-you-be-concerned

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon