fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kink vs fetish: Ano ang mga ito at ang kanilang mga pagkakaiba

Ang bawat isa ay may kani-kaniyang kagustuhan at pangangailangan pagdating sa sex — at ang mga kinks at fetish ay kasama diyan.

Mas karaniwan na nating naririnig ngayon ang mga katagang “kink” at “fetish”, dahil unti-unti nang nagiging mas bukas ang mga tao sa pakikipag-usap tungkol sa sex. Ang mga terminong ito ay madalas na napagpapalit ang paggamit para tumukoy sa hindi pangkaraniwang sexual play, ngunit may mga pagkakaiba sa pagitan ng mga ito. 

Ano ang kink?

Ang terminong kink ay isang umbrella term na kinabibilangan ng anumang “alternatibong” sexual interest na hindi akma sa mga tipikal, mainstream sexual practices ng lipunan. Maaaring magkaka-iba tayo ng itinuturing na “kinky” o “hindi pangkaraniwan”, depende sa social sphere, henerasyon, kultura, at relihiyon ng tao. 

Ano ang mga karaniwang kinks?

Kapag may nagsabing kinky siya, baka gusto mong itanong pa sa kanya na ipaliwanag pa iyon – ngunit, siyempre, tiyaking komportable silang magbahagi ng higit pa. Ang ilan sa mga pinaka-karaniwang kinks ay:

BDSM. Ito ay kumakatawan sa isang kumbinasyon ng mga acronym para sa tatlong magkakatulad ngunit natatanging mga komunidad na nakakahanap ng sexual pleasure sa power imbalance:  bondage at discipline (B/D), domination at submission (D/S), at sadism at masochism (S/M).

Para sa kink na ito, ang kasiyahan ay maaaring makamit sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng pananampal, paggamit ng mga posas, at pagdudulot ng sakit at kahihiyan sa iyong partner (o receiver nito). Ang mga BDSM acts ay kadalasang kinasasangkutan ng isang dominant partner at isang submissive partner, ngunit pareho silang pumapayag sa ganitong sitwasyon. Karaniwan silang may safe word na ginagamit upang i-communicate ang mga hangganan habang nananatili sa eksena.

Role-play. Ito ay isang sexual act kung saan ang dalawang magpartner ay naglalarawan ng mga karakter habang nakikipagtalik. Maaari silang mga kathang-isip na character mula sa pop culture, o mga ganap na binubuo ng mga magpartner na kasangkot.

Impact play. Ang paghampas at pananampal ay mga halimbawa ng impact play. Karaniwang gumagamit ng kamay, laruan, latigo, vibrator, o paddle ang magpartner para sa ganitong sexual act. Bago ang anumang bagay, mahalaga din para sa kanila na pag-usapan ang kani-kanilang mga hangganan.

Ano ang fetish?

Ang fetish ay isang partikular na pangangailangan o sexual interest na dapat naroroon para maranasan ng isang tao ang sexual arousal at enjoyment. Sa pangkalahatan, may tatlong pamantayan na dapat maabot para maging fetish ang isang bagay. Dapat itong:

  1. nasa labas ng karaniwang mga hangganan ng itinuturing ng lipunan na “normal” na sexual activity
  2. sexually arousing
  3. naroroon sa panahon ng sexual act, upang makaranas ng kasiyahan ‘yung tao

Ano ang mga karaniwang fetish?

Maaaring kabilang sa mga fetish ang mga bagay (gaya ng mga high heels), na kilala bilang mga form fetish, o mga partikular na materyales (gaya ng leather, sutla, o vinyl), na kilala bilang media fetishes. Ang mga partikular na bahagi ng katawan (tulad ng mga paa o suso) o kahit na mga partikular na uri ng mga partner o pag-uugali ay maaari ding mga fetish. Ang ilan sa mga pinakakaraniwang fetish ay:

Pagbubuntis. May mga taong nahuhumaling sa pakikipagtalik sa mga buntis o isa sa kanilang mga partikular na katangian (tulad ng malaking tiyan o paggagatas).

Foot fetish. Ito ay tumutukoy sa isang sexual interest kung saan ang isang tao ay nangangailangan ng interaction sa mga paa para sa sexual pleasure. Maaari silang ma-arouse sexually dahil sa mga daliri ng paa, hugis ng paa, kuko sa paa, bukung-bukong, alahas na nauugnay sa paa, mga accessory tulad ng medyas at stockings, o amoy ng paa. Ang fetish na ito ay maaari ding may kasamang iba’t ibang interaksyon, kabilang ang pag-iisip, pagtingin, paghawak, pag-amoy, paghalik, pagpenetrate, o pagsuot ng high heels sa mga paa.

Electrostimulation. Dito, ang receiver ay nakakaranas ng sexual arousal tuwing nakakaramdam ng maliliit na electric shock sa panahon ng sexual activity. May mga partikular na laruan na ginawa para sa electrostimulation upang matiyak ang kaligtasan.

Paano naiiba ang kinks at fetishes?

Ang mga kahulugan ng dalawang terminong ito ay madalas na na-uugnay. Ngunit sa kanilang pinakasimpleng kahulugan, ang mga kink ay mga sexual preferences, habang ang mga fetishes ay mga sexual needs. Ang mga fetish ay kadalasang kinks din, ngunit hindi lahat ng kinks ay fetish. Halimbawa, ang leather fetish ay isa ring anyo ng kink. Ngunit ang pananampal ay maaaring isang uri ng kink na na-eenjoy ng isang tao ngunit hindi naman isang fetish, dahil hindi naman ito kinakailangan ng tao para makamit ang sexual pleasure.

Ang pakikipagtalik ay maaaring mapasarap ng kink, ngunit ito ay hindi kinakailangan. Ang isang fetishist, gayunpaman, ay maaaring palaging nangangailangan ng kanyang interes na naroroon sa sexual play, upang makakuha ng sapat na kasiyahan.

Mga pinagmulan:

MasterClass. (May 5, 2022). Kink vs. Fetish: How Do They Compare? MasterClass. https://www.masterclass.com/articles/kink-vs-fetish 

Sloan, S. (April 24, 2020). Kink Versus Fetish: What’s The Difference Between The Two? MBGRelationships. https://www.mindbodygreen.com/articles/kink-vs-fetish 

Kassel, G. (October 22, 2021). What’s the Difference Between a Kink and a Fetish? Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/kink-vs-fetish 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon