fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Contraceptive Injectable

contraceptive injectable, injectables, shot, contraceptive, family planning, reproductive health, depotrust, lyndavel

Sa Isang Tingin:

  • Tatlong buwang proteksyon laban sa pagbubuntis.
  • Kailangang pangasiwaan ng healthcare provider ang pagturok.
  • Hindi napapansin o halata.
  • Maaaring makaranas ng hindi regular na pagregla.
  • Kung ipapaturok ang injectable sa tamang oras, mabisa ito nang 99 porsyento.

Ano Ito

Ang contraceptive injectable, na mas kilala bilang Depo, ay tinuturok ng doktor o healthcare provider, at nagpapalabas ng hormon na progestin na pumipigil sa pagbubuntis. Kapag nagpaturok, ang iyong proteksyon mula sa pagbubuntis ay saklaw ang tatlong buong buwan (13 linggo)—wala ka nang ibang gagawin. Ang ilang mga babae ay nagsabing hindi nila gusto ang injectable dahil natatakot sila sa mga karayom. Ngunit, ano ang isang maliit na turok kumpara sa isang hindi planadong pagbubuntis?

Paano Ito Gumagana

Gumagana ang injectable sa pamamagitan ng paglabas ng progestin sa loob ng tatlong buwan. Pinapalapot nito ang uhog ng sipitsipitan na hinaharangan ang esperma mula sa pagtagpo sa selulang itlog, at pinipigilan ang pagsanib ng esperma at selulang itlog. Ginagawang mas mahirap din para sa selulang itlog na kumabit sa uterine lining kung sakaling ito ay nagsanib sa esperma—at naiwasan muli ang pagbubuntis.

Paano Gamitin Ito

Wala ka talagang kailangan gawin upang magamit ang iniksyon, maliban sa pagtiyak na mapanatili ang regular na pagpunta sa healthcare provider para magpaturok kapag kinakailangan na. Pumunta sa klinika para sa unang turok, at bumalik tuwing ikatlong buwan para sa susunod na turok—madali lang, ‘di ba?

Siguraduhing talakayin ang araw ng pagregla at iskedyul ng pagturok sa iyong healthcare provider, dahil makakatulong ito na matukoy kung gaano kalaunan matapos ang pagturok ay protektado ka. Kung nagpaturok habang may regla ka, epektibo ito kaagad. Kung nagpaturok naman habang walang regla, kailangan maghintay nang isang linggo upang maging epektibo.

Gayundin, mahalaga na mapaturok ang injectable sa tamang oras. Kung ikaw ay higit sa apat na linggo huli para sa kasunod na turok, at nakikipagtalik nang walang proteksyon, maaaring kailanganin magpasuri muna kung ika’y buntis bago ang susunod na turok.

Mga Positibo

  • Madaling gamitin.
  • Hindi nakakaantala sa pagtatalik.
  • Sobrang pribado—walang makakaalam maliban kung sinabi mo.
  • Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pag-inom ng pills araw-araw.
  • Maaaring mas maikli at mas magaan ang regla—o walang regla.
  • Ang iyong proteksyon mula sa pagbubuntis ay saklaw na ang tatlong buwan sa isang dosis ng iniksyon.
  • Maaaring ipaturok ng mga babaeng hindi pwede gumamit ng estrogen
  • Ito ay napaka-epektibo sa pag-iwas sa pagbubuntis—kung makapagpaturok sa tamang oras.
  • Ligtas na gamitin ng mga nagpapasusong ina.

Mga Negatibo

Ang pagkabahala sa mga posibleng mararanasang pagbabago ay normal, ngunit para sa karamihan sa mga babae, hindi sila namorblema. Kung may nararanasan ka, mawawala rin sila sa paglipas ng panahon. Habang nagpapakilala ka ng mga hormon sa iyong katawan, bigyan ng konting panahon para maayos.

Mga karaniwang reklamo:

  • Hindi regular na paregla, lalo na sa unang 6-12 na buwan (maaaring mangahulugan ng mas mahaba, mas mabibigat na regla, o pagdurugo sa pagitan ng mga pagregla, o ang paghinto ng pagregla).
  • Pag-iba ng gana kumain.
  • Ang pagbisita sa klinika kada-13 linggo.
  • Ang pagkaantala sa pagbalik ng pagkamayabong nang ilang buwan matapos ang pagtigil mag paturok.

Mga hindi karaniwang epekto:

  • Pagbabago sa libog.
  • Depresyon.
  • Ang pagkawala ng buhok, o higit pang buhok sa iyong mukha at katawan.
  • Sakit ng ulo.
  • Pagsusuka.
  • Pananakit ng mga suso.

Tandaan: sa injectable, walang paraan upang ihinto ang iyong mga nararanasan. Kung hindi ka pa rin komportable pagkatapos ng kurso ng dalawang sunod-sunod na turok, baka mas mainam na magpalit ng kontraseptibo.

Karaniwang Maling Pagkaunawa

  • Ang pagkawala ng buwanang pagregla ay hindi nakakapinsala at hindi nangangahulugang na ang dugo ay “naiipon” sa loob ng katawan.
  • Hindi nakakabaog.
  • Kahit na ang injectable ay maaaring maantala ang pagbalik ng pagkamayabong, mahalaga pa rin na magpaturok kada tatlong buwan (13 linggo) kung nais masigurado ang pag-iwas sa pagbubuntis.
  • Ang pagpapaturok ay hindi makakagambala sa isang ganap nang pagbubuntis.

Pinagmulan:

https://www.nhs.uk/conditions/contraception/contraceptive-injection/

Please follow and like us:

122 thoughts on “Contraceptive Injectable

  1. Hello po pwedi po bang magtanong natapos Napo ANG aking inject nong march pa po ngayon po 1 buwan Napo along d magpainject at may nangyari po samin Ng along asawa possible po bang mabuntis ?

  2. Hi! Po ako nga po pla si shiela.
    Itatanung ko lng po sana ung sa depo ko po 5 yrs n po ako gmgmt ng inject. Ang huling balik is april 4 2021 kya lng po di po nkpnta sa center. Lmpas po ang isang lingo nag pills nlng po ako pero wla pong nangyri sa amin ng aswa ko. Nag aala2 na po ako kc indie pa po ako nireregla. May possebilidad po b n mag buntis n po agd ako.

    1. Hi, Shiela! Maaaring abutin ng 3-6 na buwan bago reglahin mula sa huling turok. May iba naman na inaabot ng isang taon. Normal lang po ito at walang kailangan ikabahala. Kung nagpills po kayo kaagad at tama naman po ang inyong paginom, kayo po ay protektado pa rin.

  3. April 5 po dapat balik ko pero di ako nakabalik, after 2 weeks may nangyare sa amin ng hubby ko isang beses and withdrawal po..uminom ako ng pills kinabukasan hanggang ngayon..mag 4yrs na po ako injectable..mabubuntis na po ba ako? May mga nabasa po kase ako na matagal ulit bumalik ang fertility ng babae pag inject, yung iba naman po pagtapos ng regla yun daw ang hindi na safe

    1. Hi, MJ! Bahagyang may proteksyon pa rin po kayo at mababa ang tsansa na mabuntis kahit na 3 weeks late para sa susunod na turok. Pero kapag lumagpas na ng 4 weeks, wala nang lubos na proteksyon at tumataas na po ang tsansa na mabuntis.

  4. second shot ko na po depo..ung unang shot ko niregla po ako halos 2 months kaso ngayon pangalawang turok ko hindi po ako nirregla..normal po b yun? salamat

  5. mula po ng nagpaturok ako may konting regla po ako palagi mag 3 months na po paminsan malakas paminsan medyo malakas madalas konti lang po normal lang po ba to ?

      1. Pano po kaya pag nalate ng 5days tas nakipagtalik sa mr tapos kinabukasan uminom ng pills posible po bang mabuntis?

      2. Hi, Pat! Bahagyang napoprotektahan pa po kayo ng injectable kung nalate nang 5 araw, kaya mababa pa rin po ang tsansa na mabuntis. Ipagpatuloy na lang po ang paginom ng pills.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon