fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Foreplay: Pre-game Para sa Sexy Time

Maraming haka-haka na pumapalibot sa konsepto ng foreplay. Isa sa mga pinakamadalas maisip ng mga tao tungkol dito ay “isa itong uri ng paglalaro sa pamamagitan ng pagkukunwari.” Pero, higit na mas malalim pa talaga ang foreplay dahil may iba’t-ibang uri ng foreplay na maaaring magustuhan ng bawat tao. 

Ang foreplay ay may pisikal at sikolohikal na epekto sa isang tao, at hindi lamang ito tungkol sa pag-turn on ng partner para sa sexy time.

Ano ang mga maling akala sa foreplay?

May mga tumatanaw sa foreplay bilang “halikan o ang paghahaplos na nagaganap bago makipagtalik.” Hindi ito tumpak na paglalarawan sa foreplay dahil sa katunayan, marami talagang paraan para gawin ito, gaya ng pag-massage o sexy talk.

Ang foreplay ay naiiba rin sa roleplaying kung saan may nagsasadula ng isang eksena o sitwasyon na tutungo sa sex. 

Ano ba talaga ang foreplay?

Ang salitang “foreplay” ay tumutukoy sa kahit anong aktibidad na pwedeng mang-turn on sa’yo o sa partner mo. Hindi kailangang may mainit na halikan o mapaglarong haplusan na maganap dito. Basta’t nakaka-turn on sa inyo ng partner mo ang isang gawain, maaari na itong maging foreplay.

Bagama’t ang foreplay ay nangyayari bago mag-sexy time, maaari talaga itong tingnan bilang bahagi ng pakikipagtalik mismo.

Dapat ba itong gawin?

Hindi requirement ang foreplay para sa sex, pero isa itong paraan upang makasigurong matutuwa kayo ng partner mo sa sexy time ninyo. Kapag nag-foreplay kayo, mabibigyan niyo ng sapat na oras ang isa’t-isa na ma-turn on at maging sabik na makipagtalik.

At alam naman nating kapag mas turned on ang tao, mas mainit ang mga pwedeng maganap sa kama!

Mga dapat tandaan

Para malaman kung anong foreplay ang papatok sa inyo, mainam na magkaroon ng bukas na pag-iisip at malalim na diskusyon. Pag-eksperimentuhan niyo ang iba’t-ibang gawain nang matuklasan niyo kung ano ang mga ikatutuwa ninyo. Ang kagandahan ng foreplay ay napakaraming paraan para gawin ito.

Pwede niyong tingnan ang foreplay bilang “pre-game” bago ang “main event”. At kung pag-iisipan niyo ito, maaari niyong masiguro na hahantong ito sa mahusay, mainit, at kapanapanabik na pakikipagtalik!

Mga Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/foreplay-sex#What-is-it?

https://www.webmd.com/sex/what-is-foreplay

Imahe mula sa Freepik

Please follow and like us:

One thought on “Foreplay: Pre-game Para sa Sexy Time

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon