Hindi lamang sa ejaculation o pagbulalas lumalabas ang semilya ng isang lalaki.
May tinatawag tayong “pre-cum”, at maraming tao ang nagtataka kung nakakabuntis ba ito.
Ano ang pre-cum?
Ang pre-cum ay isang uri ng likido na nailalabas ng ari ng lalaki. Ito’y lumalabas bago magbulalas at hindi maaaring makontrol.
Posibleng humalo ang sperm cells sa pre-cum.
Pwede nga bang makabuntis ang pre-cum?
OO! Dahil sa sperm na humahalo sa pre-cum, ang pre-cum ay may kakayahang makabuntis. Sa katunayan, ayon sa mga pag-aaral, 20% ng mga nagtatalik na sa withdrawal lamang umaasa ay nabubuntis. Ibig sabihin nito, isa sa bawat limang magpartner na nakasalalay lang sa pull-out o withdrawal, ay nakakabuo pa rin, at ito’y madalas dahil sa pre-cum!
Ano ang pwedeng gawin dito?
Ang pinaka-obvious na solusyon dito ay ang paggamit ng mga condom. Ang condom ay isang uri ng barrier contraceptive, at ang pangunahing silbi nito ay harangan ang semilya na makapasok sa look ng babae.
Isa pang paraan para mapigilan ang ‘di inaasahan pagbubuntis mula sa pre-cum ay ang pagpapa-vasectomy. Isa itong mabilis na medical procedure na nagtatanggal ng abilidad ng isang lalaki na makabuntis. Hindi nito maaapektuhan ang iba pang kakayahang sekswal ng lalaki. Sa katunayan, marami na ang natuwa sa pagkuha nito. (Tingnan niyo rito ang mga kwentong tungkol sa ginhawang naidudulot ng vasectomy.)
Dahil posibleng makabuntis ang pre-cum, magandang ugaliin ang ligtas na pakikipagtalik, lalo na kung hindi ka pa handa sa mga responsibilidad ng pagiging magulang. Mainam na mapag-usapan niyo ng partner mo ang mga modernong uri ng kontrasepsyon.
May iba’t-ibang uri ng konstrasepsyon na maaari nating magamit o maisagawa. Kailangan lang nating tandaang maging ligtas. #DoItRight, mga mare at pare!
Mga Pinagmulan:
https://www.verywellhealth.com/what-is-precum-5085078
https://www.healthline.com/health/healthy-sex/can-you-get-pregnant-from-precum
Imahe mula sa Freepik