fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Pre, Start it Right!

Paano makakapag-foreplay nang maayos ang mga lalaki

Napag-usapan na natin dati ang foreplay at kung paano ito pwedeng ituring na “pre-game” para sa sexy time. Madali na lang dapat intindihin na ang magandang foreplay ay tutungo sa malupit na sex! (At lahat naman tayo ay naghahangad ng malupit sa sex.)

Heto ang ilang tips sa pagsagawa ng foreplay para sa mga lalaki.

Alamin kung ano ang nakaka-turn on sa partner mo

Kung gusto mong manabik ang jowa o partner mo na makipagtalik sa’yo, kailangan mong maintindihan kung ano ang mga gusto niya at kung ano ang makakapagpanginig sa kanya. Malaki ang naitutulong ng kaalamang ito.

Kung alam mong pwedeng tumiklop ang partner mo mula sa isang malagkit na halik sa leeg, dun ka magsimula! Kung gusto niyang mahaplos,  ‘yun dapat ang gawin mo.

Mag-explore

Maganda ring sumubok ng iba’t-ibang bagay para makatuklas ng mga kilos o bagay na maaaring mang-turn on sa karelasyon mo.

Kung may girlfriend ka, mainam na alamin kung paano dapat haplusin ang dibdib o ari niya.

Kung lalaki naman ang partner mo, tandaan mo kung ano-ano ang mga bagay na malakas makapagpa-solid sa Junjun niya.

Dahan-dahanin ang paghubad

Hindi naman kailangang magmadali. Bakit hindi mo bagalan ang foreplay at gawing mas kagigil-gigil ang pagpunta niyo sa exciting part?

Pwede mo ring gawing mas sexy ang mga kaganapan sa pagpapatugtog ng R&B na kanta sa background at sa pagpatay ng mga ilaw.

Bigyan ng maraming atensyon si partner

Ugaliin magbibigay ng maraming atensyon sa partner. Kung minamasahe mo si beh, bigyan mo siya ng pinaka-malupit na masaheng mararanasan niya sa buong buhay! Kung naghahalikan naman kayo, halikan mo siya na parang unang beses niyo pa lang.

Alam mo na kung saan papunta ang mga kaganapan, at alam mo nang matutuwa ka sa katapusan ng kwento. Kailangan mo na lang i-enjoy ang pagpunta doon.

Alamin kung kailan dapat mag-kontrol o sumunod

Kailangan mong makilala nang lubos ang partner mo para rito.

Kung ayos lang sa kasiping mo na ikaw ang mag-kontrol ng mga pangyayari sa kama, gawin mo ‘yon na may kumpiyansa. Kung ang partner mo naman ang may gustong mag-kontrol ng sexy time niyo, hayaan mo siya’t sumunod ka.

Tandaang hindi nakatali sa kama ang foreplay

Hindi lang puro sekswal na aktibidad ang pwedeng mangyari sa foreplay. Pwede itong gawin kahit saan at kahit anong oras man. Maaari nga ring simulan na ang foreplay kahit na nasa opisina pa!

Pwede mong kilitiin ang isip ni beh at sabihin sa kanya kung ano ang nais mong gawin sa kanya. Pwede mo ring ihanda ang kwarto niyo bago pa siya makauwi. O ‘di kaya’y magsuot ka ng damit na alam mong ikababaliw niya.

Ang pag-turn on sa jowa o partner ay hindi lang dapat umiikot sa paghawak sa mga sekswal na bahagi ng katawan. Malaki ang maitutulong kung pag-iisipan mo ito nang mabuti at sasamahan mo ng pagiging malikhain. Dito nakakatulong ang foreplay. Kaya mga pre, let’s start it right!

Mga Pinagmulan:

https://www.promescent.com/blogs/learn/foreplay-tips-for-men

https://www.menshealth.com/sex-women/a19539960/foreplay-and-sex-tips/

Imahe mula kay jcomp sa Freepik

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon