fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Hookup Culture 101

Two Asians sharing a drink before hooking up.

Bago pa man nagsimula ang 2020s, naririnig na natin ang salitang “hookup” sa pop culture at sa modernong lenggwahe. Ito’y tumutukoy sa mga sekswal na aktibidad sa pagitan ng mga taong walang relasyon. Pero, ang kultura ng pakikipag-hookup ay mas makabuluhan pa rito.

Kung ikaw ay curious o interesadong makipag-sexy time na “no strings attached,” ikaw ay hindi nag-iisa. Nandito kami para tulungan kang alamin at intindihin ang mundo ng mga hookup. Curious ka man tungkol sa kasanayang ito o gusto mo itong gawin nang mas ligtas at mas may kumpiyansa, narito kami para sa iyo! Kilatisin natin ang malalim na kultura ng pakikipag-hookup at tuklasin kung paano mo ito magagawa nang maayos.

Ano ang Hookup Culture?

Ang hookup culture ay ang kultura ng pakikipagtalik sa isang tao na hindi mo karelasyon. Sa pamamagitan ng pag-hookup, maaaring tuklasin ng mga tao ang kanilang sekswalidad.

Isa itong mundo kung saan nasa gitna ng entablado ang sekswal na kasiyahan. Para itong playground para sa mga taong nasa tamang edad kung saan may kalaayan silang mag-explore.

Paano Natin Ito Magagawa nang Tama?

Dito sa Pilipinas, kahit na hindi na bago ang pakikipag-hookup, marami pa rin ang may mga mali na pananaw tungkol dito. Hindi pa rin ito nakikita bilang normal o pang-araw-araw na bagay, gaya sa mga banyagang kultura.

Gayunpaman, pwedeng-pwede mong pasukin ang mundo ng hookups nang maayos. Sa iyong pag-explore sa larangang ito, ugaliin mo sanang unahin ang iyong sariling kapakanan at ang kaligtasan ng iyong mga potensyal na partner.

Narito ang ilang tips para sa matiwasay na pakikipag-hookup.

Huwag matakot mag-explore.

Maraming paraan para pasukin ang kultura ng casual sex. Pwede mo itong tingnan bilang oportunidad na mag-explore!

May mga site at apps na pwede mong gamitin para makakilala ng iba pang mga tao na interesado rin makipag-hookup. Ang mga platform na ito ay makakatulong sa pagplano’t pag-organisa ng hookups mo.

Bukod pa sa mga ito, may social events din o parties na pwede mong puntahan para makakilala ng mga taong gusto ring makipag-hookup.

Maging bukas sa pakikipag-usap.

Importanteng ipaalam sa mga taong makikilala mo online na interesado ka sa casual sex. Hindi mo magugustuhang mag-invest ng emosyon sa isang tao na one-night stand lang naman pala ang habol, kaya ‘wag ka ring maging paasa! Sa malinaw na komunikasyon, masisiguro mong magkakaintindihan kayo ng lahat ng mga kausap mo; at masisiguro mong walang masasaktan.

‘Wag nating kalimutan ang consent! Ang consent o pahintulot ay pundasyon dapat sa kahit anong sekswal na aktibidad. Ugaliin nating manghingi ng consent mula sa iyong partner/s. Tandaan din nating ang consent ay pwedeng bawiin sa kahit anong oras, at mahalagang respetuhin ang boundaries ng ating partner/s.

‘Wag kalimutan ang kaligtasan.

Magandang protektahan ang iyong kalusugang sekswal at pangkalahatang kaligtasan. Gumamit ng makabagong pamamaraan ng kontrasepsyon para makaiwas sa sexually-transmitted infections (o STIs) at ‘di inaasahang pagkabuntis. Mainam din na magpa-test.

Ayan ang mga dapat tandaan kung nais mong sumisid sa malalim na mundo ng hookup culture. Tandaan mong bagama’t wild ang larangang ito, importanteng pumasok dito na may respeto at curiosity.

Sa pag-explore ng iba’t-ibang paraan upang makakilala ng iba pang tao; pag-practice ng maayos na komunikasyon; paghingi ng consent; at pagiging ligtas; maaari kang magkaroon ng mga masaya at mapagpalayang karanasan sa pakikipag-hookup. Kaya humayo ka’t magpakasaya.

Mga Pinagmulan

  • Hernandez, D. (2020, March 5). Hookup culture 101. Her Campus | Created for Gen Z, By Gen Z. https://bit.ly/3W9CJ08
  • Imahe mula sa Freepik
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon