fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kailangan mo bang gumamit ng Kontrasepsyon?

woman, pills, condoms


Kontraseptibo, family planning method, proteksyon — Kahit ano pa ang itawag niyo rito, may tanong na laging bumabagabag sa inyo: “Kailangan ko bang gumamit nito?”

Para sagutin ang katanungan na iyan, kinakailangan muna nating malaman kung ano ang iba’t ibang benepisyo ng paggamit ng kontraseptibo.

Ano ang nagagawa ng Kontrasepsyon?

Ang mga kontraseptibo ay maraming mga benepisyo na nakakaapekto hindi lamang sa isang indibidwal, pati na rin sa ating lipunan at mundo. Ito ang mga benepisyo nito:

Planadong pagpapamilya – sa pinakasimpleng kahuluhan nito. Hinahayaan nito ang magpartner na magdesisyon kung kailan sila magkaka-anak, ilan ang anak, at gaano kalaki ang agwat ng edad. Kapag planado ang pamilya, makakasiguro na ang bawat anak ay maalagaan nang sapat.

Hormonal Benefits – Para sa mga kababaihan, ang mga contraceptive pills ay isang paraan upang pagandahin ang kanilang kalusugan. Maaari itong makagamot o mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng ovarian cyst, mabawasan ang hormonal acne at unwanted hair growth, makapawi sa mga sakit tulad ng Endometriosis at Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), at marami pang iba.

Pag-iwas sa Unintended Pregnancy – Para sa mga babaeng hindi pa handa mabuntis o ayaw mabuntis, mabisang proteksyon ang kontraseptibo mula sa ‘di inaasahang pagbubuntis.

Mabawasan ang mga kaso ng Teenage Pregnancy – Ayon sa Commission on Population, halos nasa 200,000 ang mga kaso ng mga Filipinong tinedyer ang nabubuntis. Kasabay nito ang mataas na dropout rate sa school, na nagpapahirap sa kanilang maabot ang pangarap nila. Ang paggamit ng kontrasepsyon ay makakatulong makabawas dito.

Pagpigil ng pagkalat ng STI –  Ang mga condom ay isang pinakamabisang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng mga sexually transmitted infection (STI), at isang epektibong paraan ng pagpigil ng pagbubuntis.

Pabagalin ang paglaki ng populasyon –  Ang Pilipinas ay nasa halos 109-milyon na ang populasyon at dumadami pa kada taon. Sa paggamit ng iba’t ibang kontrasepsyon, maaari itong mapabagal at gawin ang bawat bata bilang ninanais at minamahal ng kanilang mga magulang.

Kinakailangan mo bang gumamit ng kontrasepsyon?

Kung ika’y desididong magkaroon na ng anak kasama ang iyong partner, pwedeng saka mo na isipin ang paggamit ng kontraseptibo. Pero kung gusto mo ng proteksyon mula sa pagbubuntis, o sa palagay mo makakatulong ang kontraseptibo sa iyong kalusugan, mainam na humingi ng gabay sa iyong doktor para matukoy kung aling kontraseptibo ang nababagay sa’yo.

Karamihan sa mga kontraseptibo ay mabibili mo sa pinakamalapit na drugstore o convenience store, o kaya’y available sa pinakamalapit na health center.

Dito sa Do It Right!, masaya naming sasagutin ang mga katanungan mo tungkol sa iba’t ibang dulot ng kontrasepsyon. Kung nahihiya ka, maaari kang magtanong nang walang pangalan!

Tandaan, kapag tungkol sa reproductive health, always Do It Right!

Pinagmulan:

https://www.familyplanning.org.nz/news/2013/benefits-of-contraception-use

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/family-planning-contraception

https://www.webmd.com/sex/birth-control/other-benefits-birth-control

https://www.verywellhealth.com/why-use-contraception-906692

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon