Ang pakikipagtalik ay isang sexy pero makalat na proseso. Maraming bodily fluids ang lumalabas sa outer- at intercourse. Mataas ang tsansa na maikalat ito sa sarili mo, sa iyong partner, at sa mga sapin sa kama.
Paano ba linisin ang mga ari?
Ang puwerta ay may kakayahan linisin ang sarili. Oo, kaya niya itong gawin pagkatapos makipagtalik kahit na may esperma pa sa loob.
Hindi kailangan ng douching, mga sabono anumang produkto na nagsasabing nakalilinis daw ito ng puwerta. Ang paggamit ng mga ito ay maaaring mas makasama kaysa makabuti! Ang mga sabon, spray, at mga katulad na produkto ay maaaring makaapekto sa natural microbiome at pH level ng puwerta, na makahahadlang sa kanya na gawin ang kanyang natural na proseso ng paglinis ng sarili. Sapat na ang pagbanlaw sa vulva gamit ang malinis at maligamgam na tubig. Maaaring gumamit ng mga banayad na feminine wash kung hindi komportable na tubig lamang ang gamit.
At para naman sa ari ng lalaki, mahalaga ang pagpapanatiling malinis nito para sa kalusugan, lalo na kung buo ang foreskin. Sapat na ang pagbanlaw nito gamit ang maligamgam na tubig para makaiwas sa pag-ipon ng bakas ng semilya at mga impeksyon.
Kailangan ba talaga maligo o maglinis agad-agad?
Hindi mo naman kailangan bumangon agad at tumakbo sa banyo para maglinis — nakasisira sa mood ‘yun! Lasapin ang sandali at magyakapan o mag-pillow talk muna kayo ng iyong partner bago maglinis. Kung hindi na ‘to nagawa bago makatulog, puwede naman gawin na lang ito kinabukasan pagkagising.
Paano naman pagkatapos ng anal sex?
Ang anal sex ay maaaring magsanhi ng napakaliliit na mga sugat sa anus. Kung makapasok ang mga bakterya (kasama ang dumi ng tao) sa mga sugat, maaaring maghantong ito sa impeksyon. Para maiwasan ang impeksyon, mainam na maligo o maghugas ng puwet at ari sa lalong madaling panahon.
Para sa mga ari ng lalaki na may foreskin, siguraduhin na malilinisan ang buong ulo ng ari sa pamamagitan ng dahan-dahang paghatak ng balat palikod. Ang semilya ay maaaring matuyo at maipon sa ilalim ng balat, pati na rin ang mga bakterya.
Para malinis ang clitoris, dahan-dahang ibuka ang mga labia at hatakin ang clitoral hood patungo sa pusod para mas madaling hugasan. Gumamit ng maligamgam na tubig at banayad na feminine wash sa paghugas ng ari; tandaan na iwasang mapasukan ng sabon ang puwerta!
Kailangan ba talaga umihi pagkatapos magtalik?
Maaaring makapasok ang mga bakterya sa urethra habang nagtatalik at maaaring tumaas ang tsansa ng urinary track infection (UTI). Puwedeng maalis ang mga bakterya na ‘to sa pamamagitan ng pag-ihi pagkatapos magtalik, pero hindi naman kailangan gawin agad-agad kapag tapos na kayo sa kama. Lasapin muna ang mga sandali at magyakapan muna kayo ng iyong partner, bago tumuloy sa banyo para gawin ang kinakailangan.
Ano ang pinakamainam na paraan para linisin ang mga sex toys?
Kung mahilig kayong gumamit ng mga sex toys, gugustuhin niyong malinis ito pagkatapos magtalik. Maaalis ang anumang bakterya bilang paghahanda para sa susunod na round, at mapananatiling mabuti ang kaledad ng inyong sex toys.
May iba’t ibang direksyon sa paglinis para sa iba’t ibang sex toys base sa kanilang materyales at kung mayroon ba itong motor o baterya sa loob. Ang mga sex toys ay karaniwan may kasamang direksyon ng paglinis sa balot o kahon nito. Pero kung hindi ka sigurado o walang nakasaad, narito ang pangkalahatang gabay:
- Ang mga laruang gawa sa silicone na walang motor at mga laruan na nakalagay 100 porsyentong waterproof ay maaaring ibabad at hugasan gamit ang maligamgam na tubig at liquid antibacterial soap.
- Ang mga splash proof na laruan ay maaaring hugasan gamit ang maligamgam na tubig at sabon, pero hindi dapat mababad sa tubig.
- Ang mga laruan na hindi ka sigurado o walang nakasaad na gabay sa paglinis ay maaaring mahugasan sa pamamagitan ng paglinis ng parte ng laruan na nadikit sa balat o nalagyan ng bodily fluids gamit ang liquid antibacterial soap at bimpo na binabad sa mainit na tubig.
Dahan-dahan lamang sa paglinis ng mga sex toys. Makasisira sa kalidad ang mga hiwa at gasgas at maaari ring maging bahay ng mga bakterya. Hindi ‘to mabuti para sa ‘yong ari!
Ano pang ibang bagay ang dapat ihanda?
Mga twalya. Nakakatuwang balikan ang mga pinaka-sexy at pinaka-wild na alaala ninyong magpartner. Pero ang mantsa sa mga sapin sa kama ay hindi ang pinakamagandang paalala ng mga ‘to! Maglatag ng twalya sa kama, o sa anumang lugar kung saan nais niyong magtalik. Makaka-iwas ito na mamantsahan ng pawis o anumang bodily fluid ang mga sapin. Mabuti man para sa pag-iwas ng mga mantsa, pero madadagdagan nga lang ang iyong labahin.
Unscented wet wipes. Madali itong gamitin para punasan ang katawan sa kalagitnaan ng mga rounds at pagkatapos magtalik, pero hindi ito nakabubuti para sa kalikasan dahil hindi ito nabubulok. Ngunit, mayroong mga wet wipes na gawa sa bamboo, kaya nabubulok ang mga ito. Hanapin mo ‘to sa susunod mong punta sa grocery.
Mga pinagmulan:
https://www.healthline.com/health/healthy-sex/clean-up-after-sex
https://www.webmd.com/sex-relationships/ss/slideshow-sexual-hygiene
Bakit po dumugo ang pwet ko pag katapos namin mag sex, nde nman po xa ang una pero matagal na pong nangyari may 4yrs na pero bakit dumugo pa din xa
Hi, Alnyca! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.
Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez