Problema sa Bulalas
Maaaring kabilang dito ang kawalan ng kakayahang magkaroon at mapanatili ang pagtayo ng ari na sapat para sa seks (erectile dysfunction) o, kung minsan, madalas na pagsakit ng ari tuwing may erection na hindi dulot ng seksuwal na pagpapasigla o pagpukaw (priapism).
Ang kawalan ng kakayahang magbulalas, maagang bulalas (premature ejaculation), naantalang bulalas (delayed ejaculation), masakit na bulalas, at retrograde ejaculation (kapag ang semilya ay pumapasok sa pantog sa halip na lumabas sa ari).
Sakit na Naipapasa sa Pakikipagtalik (STIs)
Ang mga impeksyong nakukuha sa seksuwal na paraan tulad ng genital warts, gonorrhea (‘tulo’), chlamydia, syphilis at genital herpes ay maaaring makaapekto sa ari.
Ang mga karaniwang palatandaan at sintomas nito ay ang masakit na pag-ihi, likidong lumalabas sa ari (penis discharge), at mga sugat o blisters sa ari o sa genital area.
Problema sa Prepusyo ng Ari (Foreskin)
Ang isang kondisyon na kilala bilang “phimosis” ay nangyayari kapag ang foreskin ng isang hindi tuli na ari ay hindi maaaring iurong mula sa ulo ng ari.
Ang “Paraphimosis” ay nangyayari kapag ang foreskin ay hindi naibabalik sa normal na posisyon nito matapos itong maiatras.
Iba pang mga Sakit at Impeksyon
Ang yeast infection ay maaaring magdulot ng mapula-pulang pantal at puting mga batik (patch) sa ari.
Ang pamamaga ng ulo ng ari ng lalaki (balanitis) ay maaaring maging sanhi ng pananakit at mabahong likido (discharge).
Ang sakit na Peyronie, isang pabalik-balik na kondisyon na tumutukoy sa pagkakaroon ng abnormal na scar tissue sa mga tisyu sa loob ng ari, ay maaaring magresulta sa baluktot o masakit na pagtigas ng ari (erection).