fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga tips para sa mas nakakasabik na hotel sex

Nakakatuwa talaga magbakasyon nang kasama si partner, ‘no? Pero ‘pag sinamahan ‘to ng sex, tiyak na mas nakakasabik ang inyong bonding!

Gaano man kayo katagal na ni partner, minsan dumadating talaga sa punto na ang pakikipagtalik sa kwarto ay nagiging boring at tila paulit-ulit na lang. Para dagdagan ang sabik, bakit ‘di niyo subukan ang hotel sex? Hindi niyo kailangang gawin ito nang madalas (maliban kung kayang kaya naman ng budget niyo), pero sexually liberating ito kahit paminsan-minsan niyo gawin!

Bakit dapat niyong subukan ang hotel sex

Sex pa rin naman ‘yan, pero sa ibang lugar lang, di ba? Oo, tama naman. Ngunit may iba pang mga dahilan kung bakit mas nakakasabik ang hotel sex kaysa sa inyong nakasanayang stay-at-home sex.

Mas may privacy kayo. Kung nakatira kayo kasama ang pamilya o mga kaibigan, o may mga housemates sa bahay, minsan ang hirap tyumempo ng tamang oras at lugar para makipagtalik. Kailangan niyo ring hinaan ang ingay kapag masyadong manipis ang mga pader!

Ang sosyal at romantikong vibe ay nakakatulong sa mood. Ang magandang lighting na sinamahan ng naggagandahang interior (lalo na ang mid-range hanggang high-end na mga hotel) ay nagbibigay ng romantikong vibe, na ginagawang mas nakakaakit makipagtalik. Higit pa, hindi kayo nakakakita ng mga kalat o mga bagay na nagpapaalala sa inyo ng inyong mga responsibilidad. Nakakatanggal ng stress at nakakaangat ng libido ang bagong view, kaya mas madaling mag-focus sa bonding niyo ni partner.

Paano magkaroon ng pinakamahusay na sex sa hotel

Maging mabuting bisita

Bagama’t pinag-uusapan natin ang pagkakaroon ng mas nakakasabik na hotel sex, dapat may pake rin kayo sa ibang mga bisita sa hotel na nagbayad din para sa nakaka-relax na bakasyon. Maaari pa rin naman isagad ang saya nang hindi nagiging makasarili at nagdudulot ng mga karagdagang problema at abala para sa iba.

Umungol ka lang nang umungol, ngunit huwag naman sumigaw ‘pag dis-oras na ng gabi. Pwede mong itodo ang pag-angkas kay partner, ngunit huwag naman idabog ang bedframe sa dingding. I-explore ang inyong exhibitionist side sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa may bintana, ngunit huwag gawin ito sa terrace kung saan makikita ng lahat kung ano ang nangyayari.

Siguraduhing hindi rin mag-iiwan ng labis na pinsala sa silid at mga pasilidad. Kasama rin dito ang paglilinis ng mga lugar na maaaring may mga patak ng bodily fluids, pagbabalot ng gamit na condom sa tissue bago itapon ang mga ito sa basurahan, at pagtiyak na hindi ka mag-iiwan ng mga mantsa sa mga kumot.

Alisin ang lahat ng distractions

Siguraduhing inasikaso niyo na ang lahat ng inyong mga responsibilidad at gawain bago pumunta sa hotel. Ito’y para malinaw ang inyong isipan, at pwedeng mag-focus lang sa kasiyahan kasama ang iyong partner.

Kung makakatulong, bakit hindi mag-leave sa trabaho! Deserve niyo ring magpahinga para sa lahat ng inyong pagsusumikap. At para sa mga may anak, pwedeng kumuha ng babysitter o iwanan ang mga bata sa kanilang mga lolo’t lola o mga tiyahin habang kayong magpartner ay nag-e-enjoy sa inyong alone time.

Isabit ang “Do Not Disturb” sign sa pinto

Kapag nakapag-check in na sa hotel, gugustuhin niyo ring iwasan ang anumang mga abala na maaaring maranasan habang nandoon kayo. Huwag kalimutang ibitin ang “Do Not Disturb” sign sa pinto bago uminit ang sandali. Isipin niyo na lang kung biglang may kumatok sa pinto habang papalapit ka na sa orgasmo… hindi nakakatuwa, di ba?

I-maximize ang mga amenities

Ang mga hotel ay kadalasang may mga amenities na makakatulong sa inyong tuklasin ang mga bagong sexual activity na ‘di niyo kadalasang nagagawa sa bahay. Ang ilang mga kuwarto sa hotel ay may mga bathtub o hot tub kung saan maaari niyong subukan ang pakikipagtalik sa tubig, o kaya’y magre-relax lang sa tabi ng iyong partner. Madalas ding may mas malalaking shower room ang mga hotel, na magbibigay sa inyo ng mas maraming espasyo para subukan ang shower sex.

Dalhin ang init sa labas ng hotel room

Maaari ka pa ring magpa-sexy kahit sa labas ng hotel room, nang hindi nagiging malaswa sa ibang mga bisita. Pwede kayong uminom ng kaunting alak o cocktails sa hotel bar, at makipaglandian lang sa isa’t isa.

Pero kung medyo kinky kayo, maaari kayong gumamit ng wearable vibrator, butt plug, o cock ring na kontrolado ng app, at hayaan ang iyong partner na kontrolin ang sex toy. Malakas makapagpasabik ang makita mong ngumingiti si partner habang lumalakas ang vibrations ng sex toy!

Iimpake ang lahat ng mahahalagang bagay

Dahil wala kayo sa bahay, kailangan niyong tiyakin na iimpake niyo ang mga mahahalagang bagay tulad ng condoms (o anumang contraceptive method na ginagamit niyo), lube, mga sex toy, at lingerie. Baka hindi niyo kakailanganin ang lahat ng ito para sa inyong saglit na bakasyon, ngunit hindi mo nais na makalimutan ang anuman mahalagang bagay!

Tandaan na ibalik din ang lahat sa iyong bagahe kapag magchecheck out na. ‘Wag naman sana matuklasan ng empleyado ng hotel ang iyong dildo sa ilalim ng mga kumot, o tawagan ka ng front desk para balikan ang nakalimutang vibrator.

Mga pinagmulan:

Gold, C. (November 30, 2020). 13 Ways to Have Incredible, Wild & Filthy Hotel Sex. Princess Fantasy. https://theprincessfantasy.com/blogs/news/13-ways-to-have-incredible-wild-filthy-hotel-sex-1 

Soliano, D. (January 11, 2016). The Rules of Having (Really Great) Hotel Sex. Wanderluxe. https://wanderluxe.theluxenomad.com/the-rules-of-having-really-great-hotel-sex/ 

Lauvette Editorial Team. (December 5, 2021). Hotel Sex Tips: 15 Rules to Have the Hottest Hotel Sex Ever. Lauvblog. https://www.lauvette.ph/sex/hotel-sex-tips/ 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon