fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Love at lust: Anong pinagkaiba nila?

Sa mga teleserye at pelikula, medyo madaling malaman kung ang isang karakter ay nakakaramdam ng love (pag-ibig) o lust (pagnanasa) sa iba — ngunit paano naman sa totoong buhay? Lalo na kung ito ang iyong buhay, mahirap kumpirmahin kung alin ang iyong nararanasan. Kung nakita mo na ang sarili mo sa ganitong sitwasyon (o baka ito na rin ang iyong pinoproblema sa ngayon), pinakamahusay na maunawaan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng pag-ibig at pagnanasa.

Ano ang pag-ibig?

Ang pag-ibig ay isang espesyal na pakiramdam na mayroon ka para sa iyong partner o isang taong malapit sa iyo. Ito ay isang malakas na damdamin na maaaring makaramdam ka ng matinding koneksyon sa kanya, at maaaring mapa-isip ka na rin na makasama siya habangbuhay. Kadalasan, nagsisimula kang makaramdam ng pag-ibig pagkatapos ng pagkahumaling o crush.

Kapag mahal mo ang isang tao, ang pakiramdam na iyon ay maaaring tumindi sa paglipas ng panahon. Kung aalagaan mo ang inyong relasyon, ang pag-ibig na ito ay maaaring tumagal ng panghabambuhay.

Ano ang mga karaniwang palatandaan ng pag-ibig?

Minsan ang pag-ibig ay napaghahalo sa iba pang mga damdamin, ngunit may ilang mga pahiwatig na magsasabing pag-ibig na pala ang iyong nararamdaman. Ang mga palatandaang ito ay:

  • Pakiramdam ng isang malakas na emosyonal na koneksyon.
  • Paggawa ng mga plano para sa hinaharap kasama ang iyong partner.
  • Pagiging handa na gawin ang lahat para sa iyong partner.
  • Pakiramdam ay lubos na komportable sa kanila.
  • Gustong gawing mas seryoso ang koneksyon ninyong dalawa.
  • Ang pagkakaroon ng malakas na pakiramdam ng commitment at katapatan sa iyong partner.

Ano ang pagnanasa?

Ang pagnanasa ay isang karaniwang pakiramdam na naaakit sa isang tao sa sekswal na paraan. Kapag nakakaranas ka ng pagnanasa, palagi kang nakakaramdam ng sexual attraction sa taong iyon. Maaaring ilarawan ito ng ilang eksperto bilang pangunahin at natural na pagnanais. Ang pagnanasa ay kadalasang nagsasangkot ng mga bagay tulad ng pakiramdam na nasasabik sa pakikipagtalik, labis na pagkaakit sa isang tao, at paghahanap ng kasiyahan.

Maaari kang makaramdam ng matinding pagnanais, at sa sobrang lakas nito, pwede kang makagawa ng mga bagay nang hindi pinag-iisipan.

Ano ang mga karaniwang palatandaan ng pagnanasa?

Kapag nakakaramdam ng pagnanasa para sa isang tao, maaari nitong madaig ang iyong mga sexual desires at mga hormones. Kadalasan, mahirap kilalanin ang mga senyales dahil kontrolado ang iyong emosyon.

Maaaring may pagnanasa ka sa isang tao kung:

  • Natuturn on ka sexually
  • Naaakit ka sa kanilang katawan o hitsura.
  • Kagustuhang i-satisfy ang iyong sexual urges.
  • Napag-iisipan makipagtalik sa taong iyon.
  • Matinding pagnanasa na maging pisikal na malapit sa kaniya.
  • Magpantasya tungkol sa pakikipagtalik sa kaniya.
  • Pagkakaroon ng sexual activity kasama siya.

Ano nga ba ang mga pinagkaiba ng dalawa?

Mahalagang malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng pag-ibig at pagnanasa dahil maaari silang magkaroon ng malaking epekto sa iyong personal na buhay at mga relasyon. Ang pagnanasa ay maaaring magbigay sa iyo ng pansamantalang kasiyahan, ngunit ang tunay na pag-ibig ay nag-aalok ng mas malalim na pakiramdam ng katuparan at pangmatagalang kaligayahan.

Narito ang ilang pagkakaiba ng pag-ibig at pagnanasa:

Damdamin: Ang pag-ibig ay ang pagmamahal at pag-aalaga sa isang tao, na humahantong sa isang malalim na emosyonal na koneksyon. Ang pagnanasa naman ay ang matinding pagnanais para sa pakikipagtalik. Parehong maaaring may kasamang pisikal na atraksyon, ngunit naiiba ang mga ito. Pagkatapos ng makaranas ng physical intimacy, maaari itong mag-develop bilang pag-ibig o manatili bilang pagnanasa lamang.

Tagal: Ang pag-ibig ay karaniwang nagdedevelop habang tumatagal ang oras nang magkasama, habang ang pagnanasa ay maaaring lumitaw nang mabilis. Ang pag-ibig ay nangangailangan ng effort upang bumuo ng isang malalim na koneksyon, ngunit ang pagnanasa ay maaaring lumitaw agad-agad sa loob ng mas maikling panahon. Kaya naman minsan napaghahalo sila ng mga tao.

Oras Na Magkasama: Kapag nakakaramdam ka ng pagnanasa, maaari kang mag-focus sa mga pisikal na aspeto ng inyong relasyon. Ngunit kung ikaw ay umiibig o nasa mga unang yugto pa lamang nito, malamang na gugugol ka ng oras sa pagkakaroon ng makabuluhang pag-uusap, pagkilala sa mga gusto at hindi gusto ng isa’t isa, at pati na rin sa pagbubukas ng usapan tungkol sa commitment.

Commitment: Ang pagnanasa ay kadalasang walang pagnanais para sa pangmatagalang commitment. Ito ay panandaliang sexual satisfaction lamang sa karamihan ng kaso. Ang pag-ibig, sa kabilang banda, ay kinabibilangan ng physical at emotional commitment. Ito ay tungkol sa pagpaplano ng kinabukasan na magkasama at patuloy na kinikilala ang isa’t isa sa mas malalim na antas.

Dynamics ng Relasyon: Ang pagnanasa ay hinihimok ng isang matinding pagnanais para sa physical intimacy, habang ang pag-ibig ay tungkol sa pag-aaruga at emotional security. Ang pakikitungo mo sa iyong partner ay maaaring magkaiba sa pag-ibig at sa pagnanasa. Sa pag-ibig, lubos kang nagmamalasakit sa ibang tao at sa kanilang nararamdaman. Sa pagnanasa, ang focus ay madalas sa physical satisfaction lamang.

Pwede bang maramdaman ang pag-ibig at pagnanasa nang sabay?

Ang pag-ibig at pagnanasa ay karaniwan sa mga relasyon, at maaaring iniisip mo, “Nararamdaman mo ba ang dalawa nang sabay?” Posibleng maramdaman ang parehong emosyon nang sabay, ngunit madali silang mapaghalo. Mabuting malaman at unawain na ang pag-ibig at pagnanasa ay dalawang magkaibang damdamin, at ang isa ay maaaring maging mas malakas kaysa sa isa sa paglipas ng panahon.

Maaari bang maging pag-ibig ang pagnanasa?

Posible para sa pagnanasa na mag-evolve sa pag-ibig, ngunit linawin natin na hindi laging garantisadong magkakaroon ng mapagmahal na relasyon kalaunan kapag pagnanasa lamang ang nararamdaman.

Minsan, ang paunang kislap ng pagnanasa ay maaaring maging pag-ibig, at madalas itong nangyayari sa konteksto ng isang mapagmahal na relasyon. Ngunit, ang pakiramdam ng pagnanasa para sa iyong partner ay hindi batayan kung kayo ay magkakatuluyan sa huli. Madidiscover niyo na lang ito sa paglipas ng panahon.

Dahil sa matinding kalikasan ng pagnanasa, minsan mahirap makakita ng mga “red flags”. Ito ay nagpapahirap sa pagtukoy kung ang isang sexual partner ba’y magiging mabuti ring partner sa isang serious relationship.

Mga huling paalala

Ang pag-ibig at pagnanasa ay nagdadala ng kani-kanilang mga perks, at wala talaga sila sa isang kompetisyon. Minsan, kapag ikinukumpara natin ang pagnanasa at pag-ibig, madalas nating ilagay ang pag-ibig sa mas mataas na ranggo at tignan ito bilang mas magandang uri ng damdamin kaysa sa pagnanasa — ngunit hindi iyon totoo!

Hindi ibig sabihin na ang pagnanasa ay hindi kasing halaga ng pag-ibig; ito ay ibang uri ng damdamin. Maaari itong magparamdam sa atin ng pagiging sexy, playful, at kaakit-akit, at iyon ay napakahalaga rin.

Sa huli, ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung ano ang iyong nararamdaman ay pagnilayan ang iyong sariling mga damdamin. At kung curious ka sa nararamdaman ng partner mo, tanungin mo lang sila. Communication is key!

Mga pinagmulan:

BetterHelp Editorial Team. (September 13, 2023). What Is the Difference Between Lust and Love? Lust vs. Love. BetterHelp. https://www.betterhelp.com/advice/intimacy/what-is-the-difference-between-lust-and-love-lust-vs-love/ 

Kassel, G. (January 28, 2021). Yes, There’s a Difference Between Love and Lust — but It Varies. Healthline. https://www.healthline.com/health/relationships/difference-between-love-and-lust#how-they-compare 

Tabackman, L. (January 28, 2021). How to tell the difference between lust and love, according to relationship experts. Insider. https://www.insider.com/guides/health/mental-health/lust-vs-love 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon