Bago ang iyong regla, may isang bagay na karaniwang nararanasan ng mga babae, at ito ay tinatawag na premenstrual syndrome (PMS). Isa sa mga sintomas nito ay ang mood swings. Maaaring simulan ang araw nang masaya at magaan ang pakiramdam, ngunit makalipas ang isa o dalawang oras, maaari kang maging masungit nang walang malinaw na dahilan. Marahil ito ay dahil sa mga pagbabago sa antas ng hormones.
Ang iba pang mga emosyonal na sintomas ng PMS ay:
– Malungkot
– Madaling mairita
– Nakakaramdam ng pagkabalisa
– Nakakaranas ng galit
Ano ang sanhi ng mood swings?
Ang mga eksaktong dahilan ng PMS ay hindi pa lubos na nauunawaan ng mga eksperto, ang mga pabago-bagong emosyon ay pinaniniwalaan na nauugnay sa mga pagbabago sa antas ng hormones, lalo na ang estrogen, na nangyayari sa siklo ng regla. Ang antas ng estrogen ay unti-unting tumataas pagkatapos ng regla ng isang babae, at umaabot sa kanilang pinakamataas na antas pagkatapos ng dalawang linggo. Pagkatapos, bumagsak ang antas nito nang husto bago dahan-dahang tataas muli at bababa bago ang susunod na regla. Ang mga hormonal fluctuation na ito ay pinaniniwalaang nagdudulot ng mood swings at iba pang sintomas ng regla.
Paano kontrolin ang mga mood swings?
May mga hakbang at lifestyle adjustments na maaari mong subukan para mas ma-control ang mood swings. Narito ang ilang mga tips:
1. Stress-Busting Activities: Kung matagal mo nang napapansin na madalas na bad mood ka ilang araw bago ang regla mo, magplano na para dito. Punan ang premenstrual week na iyon ng mga aktibidad na nakakatanggal ng stress, tulad ng pag-eehersisyo, pagpunta sa spa, o mag-relax lang. Palibutan ang iyong sarili ng mga bagay o mga tao na nagpapasigla sa iyong mood.
2. Fiber-Rich Diet: Bagama’t mas naghahangad ng mga pagkaing matamis at bumababa ang iyong enerhiya bago ang iyong regla, ipinakita ng isang saliksik na ang mga matamis na pagkain at inumin ay maaaring magpalala ng PMS. Sa halip, kumain ng fiber-rich food, kabilang ang whole grains, oatmeal, brown rice, at madahong gulay.
3. Regular na Ehersisyo: Kahit na ang pagpunta sa gym ay ang huling bagay na gusto mong gawin, may mga pag-aaral na nagpapakita na ang aerobic exercise ay maaaring makabawas sa mga pisikal at sikolohikal na sintomas ng PMS.
4. Gamot: Para sa mga nakakaranas ng Premenstrual Dysphoric Disorder, o PMDD, maaaring hindi sapat ang mga simpleng pagbabago sa pamumuhay. Ang PMDD ay malubhang, kung minsan ay katulad ng,PMS na may mas maraming emosyonal at pag-uugali na sintomas. Ang gamot, tulad ng combined hormonal contraceptive pills, ay nakakatulong sa mga sintomas ng PMDD. Mabuting itanong ito sa iyong doktor para magabayan ka.
Takeaway
Bagama’t mas masaya sana ang buhay kung wala lang ang PMS, tandaan na ang mga pagbabago sa mga antas ng hormones at ang mga kasamang pisikal at emosyonal na sintomas ay natural na bahagi ng siklo ng regla. Kaya pinakamainam na subukan ang iba’t ibang tips na makakatulong sa mood swings at iba pang sintomas ng PMS.
Mga pinagmulan:
Sheehan, J. (February 17, 2010). Mood Swings: PMS and Your Emotional Health. Everyday Health. https://www.everydayhealth.com/pms/mood-swings.aspx
Watson, S. (March 8, 2019). How to Deal with Premenstrual Mood Swings. Healthline. https://www.healthline.com/health/pms-mood-swings
DeTata, C. (November 9, 2018). PMS mood swings: Why they happen and how to manage them. Flo.https://flo.health/menstrual-cycle/health/pms-and-pmdd/pms-mood-swings-why-they-happen-and-how-to-ease-the-symptoms