fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Mommy, Pag-Usapan Natin Ang Let-Down Reflex

Let-down reflex

Ang let-down reflex ay ang nanghihikayat sa paglabas ng breastmilk. Kapag sumususo si baby o gumagamit ng breast pump, may mga nerves na nahihikayat maglikha ng mga hormones.

Ang mag hormones na ito ay ang prolactin at oxytocin. Ang prolactin ay nakakatulong sa paglikha ng gatas, habang ang oxytocin naman ay ang nag-uudyok sa pagdaloy ng gatas papalabas ng mga suso. Dahil sa mga hormones na ito, napapadali ang breastfeeding para sa’yo at kay baby.

Ito ang mga karaniwang senyales na nakakaranas ka ng milk let down, at kung anu-ano ang mga pwede mong gawin para hikayatin ito.

Ano ang mga senyales ng milk let-down?

Iba-iba ang karanasan para sa bawat ina. May iba na baka ‘di napapansing nararanasan na nila ‘to.

Ito ang mga karaniwang senyales ng milk let-down:

  • Pangingilig bago o habang nagpapasuso
  • Biglang nakakaramdam ng busog
  • Nauuhaw
  • Pagtulo ng gatas sa kabilang suso, kung saan ‘di sumususo o nagpupump
  • Pananakit ng puson dulot ng uterus cramping (karaniwang mas nararanasan sa mga unang linggo ng pagpapasuso)
  • Pagpapalit ng mga sucking patterns ni baby (mula sa suck-suck, at nagpapatuloy sa suck-swallow na pattern)

Kadalasan, ilang beses ka makakaranas ng let down habang nagpapasuso o nagbebreast pump. Pero ‘yung pinaka una ang siguradong mapapansin mo.

May mga ina na nagsasabing nare-relax at inaantok daw sila kapag nakakaranas ng milk let-down. Sanhi ‘to ng oxytocin, ang “love hormone”, na nililikha ng katawan kapag nagle-let down.

Paano mahikayat ang let-down reflex?

May mga pagkakataon na baka hindi makisama ang iyong katawan sa iyong kagustuhan na mag-let down agad-agad.

Ang stress, pagkabalisa, at kapaguran (na normal para sa mga bagong ina) ay nakakaapekto sa let-down reflex. Kung nahihirapan na hikayatin ito, narito ang ilang tips na pwede mong subukan:

  • Mag-relax. Gawin mo ang anumang nakaka-relax sa’yo, gaya ng pakikinig sa tugtog, pagpapamasahe ng mga balikat mo kay hon, o paliligo sa maligamgam na tubig.
  • I-masahe ang sarili. Nakakahikayat sa milk let-down ang pagmamasahe at paghihimas sa mga suso.
  • Snuggle. Kapag niyayakap mo si baby bago magpasuso, nakakahikayat ito sa milk let-down. Pero kung gumagamit lamang ng breast pump at hindi mo kasama si baby, pwede mo naman siyang isipin, panoorin mga videos niya, o amuy-amoyin ang kanyang kumot.
  • Gumawa ng iskedyul. Kung kaya, sumunod sa nakagawian bago magpasuso o mag-pump. Reflex ang milk let-down. Kapag nakondisyon ang katawan sa mga nakasanayang aktibidad bago magpasuso, makikisama rin ang iyong let-down reflex.

Mga pinagmulan:

Brennan, D. (March 17, 2021). Grow by WebMD. https://www.webmd.com/baby/what-is-the-let-down-reflex 

Let-down reflex. (2021). Healthdirect Australia. https://www.pregnancybirthbaby.org.au/let-down-reflex#:~:text=The%20let%2Ddown%20reflex%20is%20what%20makes%20breastmilk%20flow.,breast%2C%20tiny%20nerves%20are%20stimulated.&text=Prolactin%20helps%20make%20the%20milk,let%20down%20through%20the%20nipple 
Levine, H. (July 16, 2021). Breastfeeding and the Let-Down Reflex. What To Expect. https://www.whattoexpect.com/first-year/breastfeeding/let-down-reflex

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon