Minsan hassle talaga ang reglahin kapag natyempo ito sa bakasyon, exams week, o mahalagang meeting. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa kung bakit may mga tao na minsan gusto nilang reglahin na kaagad bago pa ito mangyari sa mismong araw na may mahalagang okasyon.
Walang garantisadong paraan para ipilit na magsimula ang regla sa loob ng isa o dalawang araw, pero may ilang bagay na posibleng pabilisin ang pagdating ng regla.
Ano kaya ang mga ‘to?
Mga posibleng dahilan ng pag-delay ng regla
Ang mga siklo ng regla ay karaniwang nagtatagal ng 21 hanggang 35 araw. May ilan naman na nakakaranas ng irregular cycles o delayed mens. May ilang mga posibleng dahilan para rito:
- Stress
- Labis o kulang na timbang
- Polycystic ovary syndrome (PCOS)
- Mga chronic diseases gaya ng diabetes celiac disease
- Mga problema sa thyroid
- Labis na pag-eehersisyo
- Menopause
Kung sa palagay mo’y buntis ka, mainam na mag-pregnancy test kapag isang linggong delayed na ang regla mo.
Paano hikayatin magsimula ang regla
Kung sigurado kang ‘di ka buntis at nais na hikayatin magsimula ang regla, may ilang bagay na maaari mong simulan.
Gumamit ng contraceptive pills
Ang mga oral contraceptive pills ay ang tanging paraan para maging mas kontrolado ang iyong siklo ng regla, lalo na ang mga combinations pills na naglalaman ng parehong estrogen at progesterone.
Kung gumagamit ng pills, inumin ang 21 active pills, pati ang susunod na 7 inactive pills. Sa pamamaraang ito, inaasahang darating ang iyong regla sa loob ng 7 araw ng pag-inom ng mga inactive pills.
Ang iyong regla ay maaari ring dumating nang mas maaga kung hindi natapos ang pag-inom ng 21 active pills.
PERO tandaan, kung hindi mo gagamitin ang mga pills ayon sa tamang direksyon, maaaring hindi ka lubos na maprotektahan mula sa hindi planadong pagbubuntis.
Posible ring hindi ka talaga rereglahin, at mayroong ligtas na paraan para gawin ito.
Makipagtalik
Hindi rin naman bigla-biglang rereglahin dahil lang nakipagtalik.
Pero kung makikipagtalik sa loob ng mga araw bago karaniwang datnan — mga 24 oras — posibleng magsimula na ito agad.
Kapag nag-orgasmo, nagco-contract ang matres at lumalawak ang sipitsipitan, na siyang nakakahikayat sa pagdaloy ng regla. Ang good news: ‘di mo kailangan ng partner para makaranas ng orgasmo —-pwedeng mag-masturbate ka lang, sis!
Kung palaging nagdurugo pagkatapos makipagtalik kahit na malayo pa naman ang inaasahang araw kang datnan, mainam na kumonsulta sa doktor para masuri kung may kondisyon o impeksyon na kailangan lunasan agad.
Bawasan ang stress
Nakaka-delay ng regla ang stress; minsan nagdudulot pa ito ng irregular mens. At kapag nadelay ang regla, baka lalo ka pang mastress!
Kaya maglaan rin ng oras para mag-relax, mag-ehersisyo, o magnilay-nilay para maibsan ang antas ng stress.
Mga bagay na ‘di nakakahikayat sa daloy ng regla
May ilang bagay na nakaka-udyok daw sa pagdaloy ng regla, ayon sa mga sabi-sabi. Ngunit, ‘di sapat ang ebidensyang nagpapatunay, at ‘di talaga nakakatulong sa pagdaloy ng regla.
Ang ilan sa mga ito ay:
Some of these myths are:
- Pag-inom ng mga vitamin C supplements
- Pag-inom ng pineapple juice
- Paggamit ng mga herbs tulad ng dong quai at primrose oil
Mga huling paalala
Ang tanging paraan na ligtas at makakakontrol sa iyong siklo ng regla ay ang paggamit ng oral contraceptive pills. Ang pakikipagtalik at pagbabawas sa stress ay nakakatulong lamang sa pag-regulate ng regla.
Pero bago man gumamit ng anumang gamot o gumawa ng anumang bagay, mabuting humingi muna ng payo mula sa doktor.
Mga pinagmulan:
Fielding, S. (December 12, 2020). Most claims about how to make your period come faster are false — here are the ones backed by science. Insider. https://www.insider.com/guides/health/reproductive-health/how-to-make-your-period-come-faster
Galan, N. (March 29, 2019). How can you make your period come faster?. Medical News Today. https://www.medicalnewstoday.com/articles/324830
Pelley, V. (December 17, 2019). Hurry Up Already! 13 Natural Methods and Myths to Get Your Period. Greatist. https://greatist.com/health/how-to-induce-period