fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Narito Ang Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Hormonal Na Kontraseptibo At Kanser

Here's What You Should Know About Hormonal Contraceptives and Cancer (Contraceptive Finder)

Matagal nang alam na ang mga hormonal na kontraseptibo ay nagdadala ng ilang mga panganib, tulad ng anumang gamot.

Dahil ang kontraseptibo ay naimbento higit sa 50 taon na ang nakalilipas, ang mga hormonal na kontraseptibo ay gumagamit ng mas mababang dosis ng mga hormon na nagdulot ng pagbawas ng mga epekto sa babae. Gayunpaman, ang koneksyon sa pagitan ng mga hormon at kanser ay isang bagay na patuloy na sinaliksik at ginalugad.

Ang bagong pananaliksik ay nagsasabing mayroong koneksyon sa pagitan ng mga hormonal na kontraseptibo at panganib ng kanser sa suso.

Ayon sa pananaliksik na inilathala sa The New England Journal of Medicine, ang mga babae na gumamit ng pildoras o iba pang mga hormonal na kontraseptibo tulad ng iniksyon ay nagkakaroon ng maliit ngunit makabuluhang pagtaas sa kanilang panganib ng kanser sa suso kumpara sa mga hindi.

Sinundan ng pag-aaral ang 1.8 milyong kababaihang Danish sa loob ng higit sa sampung taon at natagpuan na, para sa bawat 100,000 babae, ang hormonal na kontraseptibo ay nagdulot ng dagdag na 13 kaso ng kanser sa suso sa isang taon. Partikular, mayroong 55 mga kaso ng cancer sa suso bawat taon sa 100,000 na kababaihan na hindi gumagamit ng hormonal na kontraseptibo, at 68 kaso ng kanser sa suso sa mga gumagamit. Upang mailagay ito sa pananaw, para sa mga babae na hindi gumagamit ng hormonal na kontraseptibo, .05% sa kanila ang nakitaan na may kanser sa suso, habang .068% ng mga babae na gumagamit ay nakitaan.

Ang panganib ba ay pareho para sa mga pildoras at iniksyon?

Natuklasan ng mga pananaliksik na mayroon katulad na panganib sa kanser sa suso sa mga babaeng gumamit ng hormonal na IUD (na wala sa Pilipinas), at hindi pa nila matukoy ang panganib para sa iba pang mga hormonal na kontraseptibo tulad ng hindi iniksyon at implant; gayunpaman, walang mga pagkakaiba-iba na natagpuan sa iba’t ibang mga pildoras, ayon sa mga mananaliksik. Ang mga resulta patungkol sa mga iniksyon ay hindi gaanong malinaw dahil sa mas kaunting mga gumagamit, ngunit ang pagtaas ng panganib para sa kanser sa suso ay hindi napagpasyahan. Tandaan ang katotohanan na ang mga babae na labis ang timbang, madalas uminom, o hindi regular na nakakapag-ehersisyo ay nakakaranas din ng bahagyang pagtaas ng panganib para sa kanser sa suso. Samantala, ang mga hormonal na kontraseptibo ay natagpuan ding nakakabawas sa panganib para sa ilang mga uri ng kanser.

Kaya, ano ang mga panganib pagdating sa kanser?

Kanser Sa Suso: Bahagyang Pagtaas Sa Panganib

Mayroon kang bahagyang mas mataas na panganib sa kanser sa suso kung gumamit o gumagamit ng pildoras dati, kumpara sa mga babae na hindi gumamit. Ang mga mananaliksik ay hindi sigurado kung ito ay dahil sa estrogen o progesterone; iminumungkahi ng ilang pananaliksik na maaaring mai-ugnay ito sa mataas na dosis na estrogen, ngunit natagpuan ng iba pang mga pag-aaral na ang mga babae na nakagamit ng iniksyong may progestin lamang ay mayroon ding mas mataas na kaso ng kanser sa suso na may kaugnayan sa natural na mga hormon. Mga kasaysayang may kinalaman sa hormon at reproduktibong kundisyon ay nakadaragdag rin ng panganib sa kanser sa suso dahil sa mga posibleng sanhi na mahayaang mailantad ang tisyu ng suso sa mataas na antas ng mga hormon para sa mas mahabang panahon, tulad ng:

  • Pagsimula ng regla sa murang edad
  • Nakakaranas ng menopos nang mas huli
  • Mas matandang edad sa unang pagbubuntis
  • Hindi pagkakaroon ng mga anak
  • Ang mga kababaihan na may kasaysayan sa pamilya ng kanser sa suso ay mas nanganganib din

Para sa mga babae sa edad na 40 o pataas at sa tingin nila mayroon silang mas mataas na panganib ng kanser sa suso, mayroon pa ring mga kontraseptibong pwedeng gamitin, kabilang ang mga tansong IUD at condom, na parehong walang hormon.

Kanser Sa Serviks: Bahagyang Pagtaas Sa Panganib

Maaari kang magkaroon ng mas mataas na panganib ng kanser sa serviks kung gumamit ka ng mga pildoras sa loob ng lima o higit pang taon—tumataas ang panganib habang tumatagal ang paggamit mo nito. Karamihan sa mga kaso ng kanser sa serviks ay dahil sa patuloy na impeksyon ng human papillomavirus (HPV), isang karaniwang STI. Ang paggawa ng sumusunod ay maaaring makatulong na mabawasan ang panganib para sa kanser sa serviks:

  • Regular na pagpapasuri para sa HPV.
  • Paggamit ng iba pang kontraseptibo, tulad ng tansong IUD.

Endometrial Cancer: Nabawasan ang Panganib

Ang mga kumbinasyon na pildoras, na naglalaman ng parehong estrogen at progesterone, ay maaaring magpababa ng iyong panganib ng kanser sa endometrium. Ang panganib ay lalong bumababa habang patuloy mo itong ginagamit—sa katunayan, tila ang benepisyo ay tumatagal ng hindi bababa sa isang dekada matapos ihinto ang pildoras.

Ang IUD ay maaari ring bawasan ang iyong panganib ng endometrial cancer.

Kanser Sa Obaryo: Nabawasan Ang Panganib

Ang paggamit ng kumbinasyon o progestin-lamang na pildoras ay makakabawas sa panganib para sa kanser sa obaryo, simula sa unang tatlo buwan hanggang anim na buwan. Ang mas mahaba mong paggamit nito, mas bumababa ang iyong panganib. Ang iyong panganib ay bumababa rin kung gagamitin ang iniksyon, lalo na kung ginamit nang higit sa tatlong taon.

Nag-aalok din ang mga hormonal na kontraseptibo ng iba pang mga benepisyo:

Ang mas mababang dosis na mga hormonal na kontraseptibo ay hindi lamang nagbibigay lakas sa mga babae na gumawa ng mga desisyon para sa kanilang kalusugang reproduktibo, ngunit binabawasan din ang kanilang panganib para sa ovarian, uterine, at colon cancer. Bukod dito, ang mga hormonal na kontraseptibo ay maaari ding magamit upang gamutin ang endometriosis, tulong sa Polycystic Ovary Syndrome (PCOS), bawasan ang pananakit ng puson habang nireregla, at pag-iwas sa pelvic inflammatory disease (PID).

Kapag pumipili ng kontraseptibo at nag-iisip tungkol sa lahat ng mga opsyon, ang pananaliksik at pagkonsulta sa iyong doktor ay napakahalaga. Mayroong maraming mga kadahilanan na kailangang isaalang-alang, kabilang ang panganib sa kanser at medikal na kasaysayan. Ang mga kontraseptibo ay maaaring magkaroon ng maraming mga benepisyo sa kalusugan; ang ilan ay maaaring maging mabuti, ang iba ay maaaring masama—ngunit ang pinakamahalagang bagay ay ang pagpili kung ano ang pinakamabuti para sa iyo!

Mga pinagmulan:

http://www.foxnews.com/health/2017/12/08/can-hormonal-birth-control-give-breast-cancer.html

https://www.nytimes.com/aponline/2017/12/06/health/ap-us-med-birth-control-breast-cancer.html

https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/hormones/oral-contraceptives-fact-sheet

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon